CHAPTER NINE
"Please be reminded about the Pre-Elimination Exam two weeks from now. All the Chapters we have discussed will be included in the exam." announcement ni Ms. Mendes sa klase habang nagliligpit ito ng gamit. Katatapos lang ng klase nina Jesse sa Tour Planning na subject nila. Umungol ang mga students sa narinig, they will be experiencing their first major exam in RU which is prelim soon. Isa ito sa mga subject na magkaklase sila ni Chellsey ngunit absent ito dahil sa audition nito sa Music Club. Babalitaan na lang daw siya nito sa result ng audition mamayang gabi. Hindi na niya ito kinontra, lahat naman sila ay may mga dream Organizations na gustong salihan ang she can't deprive Chellsey in having one too. She may think na hindi ang Club para sa kaibigan but there's no harm in trying anyway. She just realized that nong makita niyang seryoso at pursigido si Chellsey in joining the Club. She just hope na magkaiba sila ng observations ng Club memebers na magsasagawa ng audition. Mamayang hapon ay magsusubmit na rin siya ng application form niya sa Royale Star, kinakabahan siya at the same time ay naeexcite.
Palabas na siya ng classroom when she received a text message from James. Nakausap raw nito si Eric at may nalaman itong kaunting information about sa ginawa nina Adrian at Jacob that night na pasukin nila ang Admin. Then she remembered what Eric had told her, maaaring same information lang ang nalaman nilang dalawa but she asked anyway. It's been a week since sinimulan niya ang pag-iwas sa binata. Madalas itong magtext sa kanya at nangungumusta pero di na siya nagrereply unless tungkol sa ginagawa nilang secret na pag-iimbestiga ang mensahe nito gaya na lang ngayon. Kaya naman nagreply siya dito kung ano yon. And the reply she got was 'Meet me in the Library tomorrow, Serial Section.' yon lang ang sabi nito na nagpa-worry sa kanya. She was successful on avoiding him these past few days at ngayon ay gusto nitong makipagkita in public pa. What if someone sees them and makarating sa grupo nina Cielo. It would mean waving a red flag at them and that 's the least thing she wanted to happen. She's not scared of anyone of them but she's scared of what they are capable of doing. As much as possible ay ayaw niyang magkaroon ng kaaway sa campus, she's here to pursue her dreams and not to find enemies. Iniingatan rin niya ang scholarship niya since it's the only thing she's holding on para matapos niya ang kinuhang kurso dito sa RU. Napabuntong-hininga siya saka nagreply ng 'ok.' Hindi naman siguro maliligaw ang grupo nina Cielo bukas sa library.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Cielo." nahinto sa ginagawang pagbukas ng pinto si Cielo nang may tumawag sa kanya and found out na si Angel yon. Napakunot-noo siya nang makita ito, after nong pagsabihan niya si Jesse na layuan si James ay hindi na siya kinulit nito. Nanatili siya sa Squad and lihim siyang nakahinga ng maluwag. Ano na naman kaya ang kailangan nito sa kanya ngayon? tanong niya sa isip.
"I don't know what you did but effective ang ginawa mo. Hindi ko na nakikita si James na kasama si Jesse. But I wanna ask you a favor." bigla siyang kinabahan sa huling sinabi nito, anong favor kaya ang hihilingin nito? Tumawa ito, "Don't be so serious, gusto ko lang masigurado na hindi na nga lumalapit itong si Jesse kay James. If you could secretly spy on Jesse for me..that would make me happy." nainis siya sa sinabi nto. wala siyang pakialam kung happy ito o hindi. Ang important lang sa kanya ay ang makajoin sa Squad because of Cheska and Leyla, not to be Angel's servant. But she agreed anyway, this would be the last time na papayag siya sa pinapagawa nito. After that, hindi na siya papayag. Captain lang nila ito sa Squad, other than that ay wala na.
Nang makita siyang tumango ay masayang nagpaalam na ito. Inis na binuksan niya ang pinto ng kwarto nila at padabog na isinara yon. Paano niya gagawin ang sinasabi nito eh hindi na niya alam ang activities ni Jesse. And then she remembered Jason. Nabanggit nito minsan na magkaklase ito at si Jesse sa Algebra, she could ask him her schedule. She smiled nang maalala si Jason, after nong Masquerade ay parati na silang nagpapalitan ng texts at nagtatawagan. Minsan nga ay sinasabayan pa siya nito pauwi ng dorm. Wala itong sinasabi na manliligaw o ano pero sa ginagawa nito ay halatang interesado rin ito sa kanya sabi pa ni Cheska. Kinikilig siya kapag nakakatanggap ng message mula sa binata. Kahit pa sabihing simpleng 'hi' o 'kumusta?' lang ang message nito, iba pa rin ang dating non sa kanya. Kung wala nga naman itong interes sa kanya ay bakit ito mag-aabalang kausapin pa siya samantalang tapos na siyang interviewhin nito. Kinuha niya ang phone niya at nagmamadaling nagsend ng message sa binata. Ilang minuto din siyang nag-antay bago ito nagtext back. Ayon dito ay wala itong idea but sisikapin nitong tanungin si Jesse bukas ng umaga dahil bukas pa ulit ang schedule ng Algebra nito. Napngiti siya sa reply nito at nagpasalamat.
BINABASA MO ANG
Royale University - CHANGES Book 1
Mystery / ThrillerThis story is inspired by Nathan Scott and Haley James of ONE TREE HILL.. After High School, there's this next stage called College. Jesse, Nikki, and Cielo will soon be joining the challenging world of Royale University.They will start pursuin...