CHAPTER SIX
This week has been so tough for every student of the University. Simula pa kasi ng linggo ay abala na ang lahat sa pamimili ng mga susuotin para sa Masquerade Party na gaganapin sa friday. Some classes are cancelled dahil abala ang mga teachers sa paghahanda para sa malaking event. It's an Acquaintance Party for all at the same ay Welcome Party para sa mga freshmen. Some students are also busy sa pagdedecorate ng Banquet Hall, some are just not interested at nagrerelax lang.
Since may masks na sina Jesse ay dress na lang ang problema nila at dahil maraming dress si Nikki, hindi na sila namili ng susuotin. Humiram na lang sila sa dalaga ng dress na susuotin dahil para sa kanila ay hindi practical na gumastos pa ng malaki para lang sa isang event.
Samantala sina Cielo at Cheska ay namili pa nong Sabado sa Market ng dress. Nag-order naman sila online ng masks na isusuot nila. Itim ang piniling mask ni Cielo at si Cheska naman ay Pink. Katatapos lang ng classes nila and nagpasya silang umuwi na agad sa dormitory dahil excited itong si Cheska na muling isukat ang dress na binili. Bago umakyat sa rooms nila ay dumaan muna sila sa reception upang kunin ang dumating nilang pacakge. Ito yong masks na in-order nila online.
"Ano kayang gagawin ko sa buhok ko? Straight or Curl, what do you think, Ciel?" Cheska asked while looking at herself in the mirror.
Tumingala si Cielo dito na abala sa pagbubukas ng package niya. Excited na siyang makita ang binili niyang maskara. Kulay itim ito na may maliliit na silver beads. "Mas bagay sayo ang kulot." sagot niya at muling ibinalik ang atensiyon sa maskara. Sinuri niya ito kung nasa kundisyon ito o hindi nang sa ganon ay pwede pa niyang gawaan ng paraan if ever na may natanggal na beads o nasira during the shipment. She smiled nang wala naman siyang makitang deperensiya sa maskara niya.
"Really? Tapos ilulugay ko na lang noh?" anito na nakaharap pa rin sa salamin. "Excited na ako sa party. Sana pumunta sa party si Eric." dagdag nito na biglang kinilig nang maalala ang crush nitong member ng Varsity.
"Hay, naku. Huwag ka ng umasa na mapapnsin ka no'n. Napaka snob kaya non, ni hindi nga effective ang ginagawa mong pagpapacute kapag nagpapractice tayo sa gymn." she said negatively. Totoo ang sinabi niya, parating nagpapacute dito si Cheska everytime na nasa gymn sila at timing rin na nageensayo ang Team nito ng Basketball pero deadma lang ang binata. Para pa nga itong naiirita kapag binabati ito ni Cheska. Para bang allergic ito sa babae, kung hindi nga lang ito member ng Varsity ay iisipin niyang bakla ito. Or maybe ay may girlfriend na ito kaya naman walang effect ang pagpapacute ng dalaga.
"Basta, kapag nakita ko siya sa party ngayong friday ay yayayain ko talaga siyang sumayaw. Malay mo marealize niyang gusto niya rin ako." ayaw pa rin nitong sumuko.
"Wow ha, at ikaw na talaga ang mag-yayaya na sumayaw? Hindi ba pwedeng antayin mong yayain ka niya?" si Cielo.
Hinarap siya ng kaibigan, "Cielo, nasa modern world na tayo. It's fine na ang babae na ang babae na ang gumagawa ng first move." maarte nitong paliwanang. Natigilan naman siya sa sinabi ng kaibigan. Parang kasing natamaan siya sa sinabi nito, naalala niyang siya na mismo ang nagbigay ng number niya kay Jason. Pero ibang situation naman yon, may dahilan naman siya kung bakit binigay dito ang number. She wasn't flirting, kumbinsi niya sa sarili.
Matapos niyang iligpit ang mga gagamitin para sa party ay tumayo na si Cielo para magpalit ng damit, suot-suot pa rin kasi niya ang school uniform. Kumukuha na siya ng damit na isusuot nang tumunog ang phone niya. She took her phone and checked kung sino ang nagtext. She smiled nang makitang si Jason yon. After nong gabing nakausap niya ito sa lobby ng dorm ay nakalimutan na niya ang binata pero kahapon ay nagkita ulit sila sa library nang magsauli siya ng mga hiniram na libro. Ito ang unang nakakita sa kanya dahil nag-offer ito na tulungan siya na ilagay sa shelf ang librong isinauli. Napansin marahil nito na nahirapan siyang ilagay sa pinakamataas na part ng shelf ang book. Habang binabalik ang libro ay napatitig siya sa binata. Noon lang niya napansin na gwapo pala ito. Hindi niya napansin yon nong gabing mag-usap sila sa lobby dahil medyo emotional pa siya nong mga panahong yon. Nagsisi tuloy siya na sinungitan niya ito nong gabing kinakausap siya nito about sa interview.
BINABASA MO ANG
Royale University - CHANGES Book 1
Mystery / ThrillerThis story is inspired by Nathan Scott and Haley James of ONE TREE HILL.. After High School, there's this next stage called College. Jesse, Nikki, and Cielo will soon be joining the challenging world of Royale University.They will start pursuin...