CHAPTER TWO
Palabas na ng dormitory sina Jesse at Nikki upang tunguhin ang kani-kanilang College building nang bigla silang harangin ni Adrian. Pareho silang napasigaw sa gulat.
"Hi girls!" bati nito, sina Nikki naman ay agad ring nakabawi sa pagkagulat at hinampas sa braso ang nobyo.
"Ouch." reklamo nito sabay himas sa braso nitong nasaktan. "Love naman.."
"Stop calling me love." nakasimangot na pahayag ni Nikki. "Ang laki pa ng atraso mo sa'kin." Pagkasabi no'n ay hinila niya ang kaibigang tahimik lang na nagmamasid sa kanilang dalawa, nilagpasan nila si Adrian.
"Love let me explain." habol nito.
"May klase pa kami ni Jesse, kapag na-late kami, ikaw ang sisisihin ko dahil sa panggugulo mo sa'min." kunwari ay galit pa ring sabi ni Nikki ngunit sa totoo lang ay gustong-gusto na niyang yakapin ang nobyo. Napansin niyang pumayat ito at nangingitim ang ilalim ng mga mata nito. Ngunit pinili niyang magmatigas pa rin kahit pa nga sobrang miss na niya ito. Ilang gabi yata siyang umiiyak nang dahil dito kaya pahihirapan na muna niya ito.
"Love..." hinarang na naman sila nito.
"I'm sorry, hindi pa ako handang pakinggan ang paliwanag mo." aniya at nagpatuloy sa paglalakad. Si Jesse naman ay napailing na lang sa drama ng dalawa. Walang nagawa si Adrian kundi ang sundan na lamang ng tingin ang papalayong nobya.
"Bakit mo naman ginano'n 'yong tao? Kawawa naman, hindi mo ba nakita 'yong itsura niya? Mukhang walang tulog sa kakaisip sa'yo, ah." pangongonsensiya ni Jesse sa kaibigan.
Napabuntong-hininga si Nikki, "Napasin ko rin naman 'yon. Gustong-gusto ko na nga siyang yakapin, eh, pero pinigil ko ang sarili ko. Nagtatampo pa rin ako sa kanya at kailangang suyuin niya muna ako ng bonggang-bongga." pagkasabi no'n ay kinindatan pa siya nito. Napailing na lamang si Jesse.
"Naku, baka magsawa 'yon sa kasusuyo sa'yo, ikaw rin, baka magsisi ka." pananakot niya.
"Naku, hindi mangyayari 'yan. Nakita ko kanina sa mga mata niya na inlove pa rin siya sa'kin." confident nitong sabi, natawa na lamang si Jesse ngunit bigla ring natigilan nang mapansin ang pagbuntong-hininga ni Nikki.
"May problema ba?" usisa niya.
"Wala naman, sumagi lang kasi bigla sa isip ko ang itsura ni Adrian kanina nang sinusubukan niya akong kausapin. Mukha kasi siyang problemado, nakonsensiya tuloy ako.." ani Nikki saka muling nilingon ang kaibigan, "Tama ka Jesse, dapat hindi ko siya ginano'n." dagdag niya.
Napabuntong-hininga na rin si Jesse, "Huwag mo ng isipin 'yon, bumawi ka na lang mamaya. Sigurado namang susunduin ka niya pagkatapos ng klase mo." aniya.
"Pa'no naman ako susunduin no'n, hindi pa naman niya alam ang schedule ko at kung saang building ako makikita."
Natawa si Jesse sa kainosentehan ng kaibigan niya, "Ano ka ba, siyempre magtatanong 'yon kay Cielo, kilala mo naman si Adrian." aniya.
"Tama ka, Jesse.."
"Kaya huwag ka ng masyadong mag-isip diyan, remember, first day of class ngayon kaya dapat ay masaya ka." ani Jesse sabay akbay sa kaibigan.
Napangiti na rin si Nikki sabay tango sa kaibigan. Nang marating nila ang building ng College of Arts and Sciences ay saka pa naghiwalay sina Jesse at Nikki, hanggang do'n lang kasi si Nikki samantalang si Jesse ay sa College of Hospitality Management pa ang tungo.
"Text niyo na lang ako mamaya, ha." ani Nikki sa kaibigan.
"Ok, see you."
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Royale University - CHANGES Book 1
Mystery / ThrillerThis story is inspired by Nathan Scott and Haley James of ONE TREE HILL.. After High School, there's this next stage called College. Jesse, Nikki, and Cielo will soon be joining the challenging world of Royale University.They will start pursuin...