CHAPTER SEVEN
Friday morning pa lang ay abala na ang lahat na naghahanda para sa Masquerade mamayang gabi. Dahil may malaking event mamayang gabi, nagdecide ang Administration Office na icancel ang classes for that day para makapaghanda ang mga students at mga guro. It's gonna be a special day for everyone. Everyone will be wearing their best masks and attires. But not for Jesse who's not attending the party. She is trying so hard right now na itago ang totoong nararamdaman sa idea na hindi siya makaka-attend dahil sa injury niya. Though nakakalakad na siya pero paika-ika.
"Hay, hindi ako excited na pumunta sa ball." walang ganang pahayag ni Nikki.
"Bakit naman, eh pupunta rin naman si Chellsey." si Jesse.
"Pero iba pa rin yong kasama ka. Ang awkward naman na nasa party kami at nagi-enjoy while you're here." hindi pa rin ito convinced.
"Hindi naman siguro ito ang last party dito sa RU, right? Babawi na lang ako next time." she said but it seems like she is more telling it to herself than to her friend.
Napabuntong-hininga si Nikki. "So what do you want for your hair? Curl, Straight, or what?" pinasigla niya ang boses para naman mahawaan ng kasiglahan ang kaibigan. Gusto niyanc mag-enjoy ito tonight because she had been through a lot for the past few weeks dito sa RU. And she thinks that it is the perfect time para naman makalimutan muna ni Nikki ang nangyari kasi kahit hindi nito sabihin, ramdam niyang bitter pa rin ito sa nangyari both kay Adrian at sa friendship nito kay Cielo.
Napaisip ito saka matamlay na sumagot, "Curl na lang siguro." sagot nito. "Pero Jes, okey ka lang ba talaga dito?" hirit ulit nito.
Ngumiti siya, "Just promise me to take pictures and have fun. That way I would feel better."
Tumango na lang ito at hindi na ipinagpilitan ang gusto.
---------------------------------------------------------------------------------------------
Hindi na kinulit pa ni Nikki ang kaibigan, alam niyang desidido na si Jesse. At alam niyang once na nakadecide na ito ay wala ng makakapagpabago ng isip nito. Napatingin siya sa relo, may apat na oras pa bago ang party. Pero kailangan na niyang kumilos at maghanda ng sarili. Soon ay darating na si Chellsey dahil usapan nila na dito na ito magbibihis at mag-aayos para sabay na silang dalawa na bumaba. And speaking of, narinig na niyang may kumakatok na sa pinto ng kwarto nila. Tumayo siya upang buksan yon at bumulaga sa kanya ang stress na si Chellsey. Nakasimangot na pumasok ito ng kwarto at umupo sa kama ni Nikki.
Sina Nikki at Jesse ay nakakunot ang noo na sinundan ito ng tingin.
Si Jesse ang naunang nagsalita, "Anong nangyari sayo?" usisa nito.
Lalo itong sumimangot, "Papunta na ako dito nang makasabay ko sa elevator sina Cheska at Leyla. Narinig kong pinag-uusapan nila si Cielo. Kinikilig sila kasi escort daw ni Cielo si Jason sa Masquerade." halata sa boses nito ang inggit, excited pa naman sana ito na um-attend ng Masquerade dahil kay Jason pero may date na pala ito. "Parang ayaw ko na tuloy pumunta sa party."
"Sino si Jason?" ngayon lang niya narinig ang pangalan nito.
"Classmate namin sa Algebra na crush niya." si Jesse ang sumagot.
"Hindi ko alam na magkakilala rin pala sila ni Cielo." malungkot nitong pahayag.
She felt sorry for Chellsey and worried about Cielo. She hope na matinong lalaki si Jason, naalala niya dati si William. Madali itong magtiwala sa lalaki, she was lucky kay William dati kasi nalaman na nila ang real color nito bago pa tuluyang mahulog dito si Cielo.
"I thinķ, you two have enough reason to attend the ball now." nahinto siya sa pag-iisip nang marinig si Jesse, "I don't trust Jason." seryoso nitong wika.
BINABASA MO ANG
Royale University - CHANGES Book 1
Mystery / ThrillerThis story is inspired by Nathan Scott and Haley James of ONE TREE HILL.. After High School, there's this next stage called College. Jesse, Nikki, and Cielo will soon be joining the challenging world of Royale University.They will start pursuin...