CHAPTER THREE
Matapos gawin ang kanyang homework ay napainat si Jesse. Mula sa kanyang study table ay tinungo niya ang banyo upang maligo. Hindi niya nagawa ang assignment kagabi sa Algebra dahil magdamag silang nag-usap sa telepono ni Nikki. Kasalukuyan itong nasa Maramag upang dumalo sa libing, ganon din si Cielo. Pinayagan ang dalawa na lumabas ng campus ng isang linggo dahil close ang mga ito sa binata. Nagrequest din siya na sumama sa dalawa ngunit hindi siya pinayagan ng Administration.
Umiiyak si Nikki habang kinukwento ang nangyari sa burial. Halos ayaw siyang palapitin ni Cielo sa kabaong ni Adrian dahil ito ang sinisisi ng huli sa pagkamatay ng pinsan. Matapos dalhin sa hospital si Cielo last week ay hindi na ito umiimik masyado, lalo na kay Nikki. Sinubukan niyang kausapin si Cielo tungkol sa nangyari ngunit nagagalit lang ito kapag naririnig ang pangalan ni Nikki. Maging si Chellsey ay tumulong na rin para ipagbati ang dalawa ngunit useless ang lahat ng efforts nila.
Kukuha na sana siya ng towel sa cabinet nang mag-ring ang cellphone niya, "Hello?" aniya nang mapindot ang answer button.
"Jesse, si Chellsey to." anang nasa kabilang linya."Itatanong ko lang kung nagawa mo yong assignment sa Algebra. Ang hirap nong number three, nadrain yong utak ko." reklamo nito. Habang wala sina Cielo at Nikki ay ito ang parati niyang kasama since apat sa mga subjects nila ay magkaklase sila kagaya na lang nitong Algebra. Madaldal si Chellsey at napaka-kwela, nakakalimutan niya ang problema tungkol sa mga kaibigan nang dahil dito.
Tumawa siya, "Oo. Katatapos ko lang gawin. Hindi ko kasi nagawa kagabi dahil tumawag si Nikki." kwento niya.
"Kumusta na nga pala siya at si Cielo?" usisa nito.
"Ayon umiiyak kasi ayaw daw siyang palapitin ni Cielo sa kabaong ni Adrian. Hindi naman daw niya ito masisisi dahil maging siya ay sinisisi rin ang sarili sa nangyari." malungkot niyang kwento.
Narinig niyang napabuntong-hininga ito sa kabilang linya, "Hay...i wish na makatulong ako para ma-save pa ang friendship nilang dalawa."
"Ako rin..." aniya.
"O, siya magkita na lang tayo mamaya sa room. Agahan mo tapos pumwesto ka na agad sa harap para katabi ulit natin si Jason." tukoy nito sa kaklase nila na crush nito.
"Che! Ang landi mo!" natatawang sita niya rito. Dalawang beses pa lang nilang nakasama ito sa klase pero kilig na kilig na si Chellsey rito. Hindi lang kasi ito gwapo kundi matalino pa pero napaka-snob nito. Hindi ito masyadong nagsasalita, saka lang nila naririnig ang boses nito kapag may tinatanong ang professor nila. "O, siya maliligo na'ko." paalam niya rito.
"Okey, see you later." pagkasabi no'n ay nawala na ito sa linya.
Napailing na lamang siya habang kinukuha ang towel sa cabinet at tuluyang pumasok sa bathroom.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Malapit na si Jesse sa College of Arts and Sciences building nang makita niya si James na papalabas ng building. May kasama itong babae, matangkad ito at halatang mestisa, girlfriend marahil ng binata. Mukhang wala sa mood ang binata dahil nakasimangot ito habang naglalakad. Ang kasabay naman nitong dalaga ay halatang nagsasalita dahil sa pagbuka ng bibig nito. Nang makakasalubong na niya ito ay nagkunwari siyang may binabasa sa cellphone, nahihiya kasi siyang pansinin ito. Baka hindi na siya maalala nito and worse ni hindi man lang nito alam ang pangalan niya. Hindi niya maalalang nabanggit niya rito ang pangalan niya. She was very worried nong mga panahong 'yon to think of anything.
"How are your friends, Jesse?"
Nagulat si Jesse nang marinig ang pangalan niya, Kinakabahan na napatingin siya sa binata. Napilitan siyang tumingin dito at isang alanganing ngiti ang binigay niya rito, "N-not ok I guess..They're still both emotional. They will be back next week." nahihiya niyang sagot.
BINABASA MO ANG
Royale University - CHANGES Book 1
Mystery / ThrillerThis story is inspired by Nathan Scott and Haley James of ONE TREE HILL.. After High School, there's this next stage called College. Jesse, Nikki, and Cielo will soon be joining the challenging world of Royale University.They will start pursuin...