CHAPTER EIGHT
Huminga muna ng malalim si Jesse before finally pushing the huge door papasok ng gym. She's here to talk to Eric pero kinakabahan siya dahil makikita ulit niya si James. Nang makapasok ay napansin niyang nagwawarm-up pa lang ang team except James. Nandun din sa gym ang grupo nina Cielo but she tried not to care. May ibang purpose siya kung bakit siya naroon and she need to get a positive result.
Pinagmasdan niya ang Varsity Team habang abala na nagwawarm-up, sino kaya sa mga ito si Eric? Sa naisip ay muli siyang huminga ng malalim at nilapitan ang isa sa mga naroon. "Hi." bati niya at nang harapin siya nito ay ngumiti ito. "I'm looking for Eric." she said directly.
Nang marinig nito ang pangalan ng hinahanap niya ay lumingon ito sa isang lalaki na nagdidriball, "Eric! May naghahanap sayo." sigaw nito. Dahilan para mapalingon sa kanya ang buong team pati na ang Squad. Napansin niyang nagbubulungan ang mga ito habang nakatingin sa kanya, agad na nag-init ang mga pisngi niya but just ignored it. Andito na siya ngayon, wala ng atrasan to. Nang mapasulyap siya sa tinawag ng napagtanungan niya na Eric ay nakita niyang nakakunot ang noo nito, maging siya ay napakunot-noo din dahil familiar ito. Alam niyang nakita na niya ito dati, hindi lang niya maalala kung saan. "Beware Miss, Parati yang may bitbit na 'Anti-Girls' flag." mahinang bulong ng lalaki sa kanya. She's aware about it dahil nasabi na sa kanya ni James yon but she thanked him anyway.
Nang makalapit sa binata ay binati na muna niya ito at nagpakilala, "Hi, I'm Jesse. Gusto sana kitang makausap."
This time ay nagsalubong na ang mga kilay nito, "About what?" malayo sa pagiging friendly ang tono nito pero binalewala niya yon.
Nilingon muna niya ang mga kasama nito, and see kung nakikinig ang mga ito ngunit nagcoconcentrate ang mga ito sa pagwawarm-up. Muli niya itong hinarap,"About kay Adrian at Jacob." sinadya niyang hinaan ang boses dahil sa takot na may makarinig. He stiffened when he heard the names and confirmed that he really know something.
Bigla itong umiwas ng tingin at tinalikuran siya, "I'm sorry, wala akong idea sa gusto mong malaman." nagpatuloy ito sa pagdribble.
"Eric, ikaw na lang ang pag-asa namin para malinawan sa mga nangyayari." pakiusap niya.
Umiling ito at hindi nagsalita, maya-maya ay lumabas na si James at ang coach ng Team mula sa locker room. Hindi ito nagulat nang makita siya, dahil ito naman mismo ang nag-inform sa kanya na may practice sila ngayon. The coach get the attention of the rest of the team and started the practice. Wala siyang nagawa kundi ang laglag ang balikat na lumabas ng gym. But it doesn't end here, kukulitin ulit niya si Eric hanggang sa mapagod ito sa kakatakbo. Sinimulan niya ito at sisiguraduhin niyang mapapaamin din niya si Eric. Kung hindi niya ito madadaan sa santong dasalan, then she will go for the santong paspasan.
Pagkalabas ng gym ay biglang may naalala si Jesse, alam na niya kung saan niya nakita si Eric! Ito yong baklang nakabangga niya sa toilet ng sinehan. Napasinghap siya sa naalala, kung ganon ay closet queen ito? Hindi kaya tama nga ang unang hinala niya kay Jacob at Adrian? Sunod-sunod na iling ang ginawa niya, hindi pa siya pwedeng magconclude ngayon. Babalik siya dito bukas at kakausapin niya ulti si Eric privately. Alam niyang masama ang i-blackmail ito pero kung yon lang ang tanging paraan, then so be it.
Naglalakad na siya pauwi ng dorm nila nang may tumawag sa kanya, nilingon niya yon and saw Janelle. Ito yong nakilala niya sa may restaurant nong mabangga niya si Angel. Ngumiti siya rito at inantay na makalapit ito. "Kumusta ka na?" tanong nito.
"Heto okey naman. Nakakalakad na rin ng maayos after nong masprain ang paa ko during P.E class ko." kwento niya. Totoong nakakalakad na siya ng maayos, nakatulong ang araw-araw niya na pag-stretching. Pero gaya ng sabi ng doktor ay kailangan pa din niyang magexercise kahit okey na ang paa niya para mas lalong lumakas ang mga paa niya lalo na ang kaliwa na siyang nainjured.
BINABASA MO ANG
Royale University - CHANGES Book 1
Mystery / ThrillerThis story is inspired by Nathan Scott and Haley James of ONE TREE HILL.. After High School, there's this next stage called College. Jesse, Nikki, and Cielo will soon be joining the challenging world of Royale University.They will start pursuin...