CHAPTER FOUR
Pagkababa pa lang ni Cielo sa sasakyan ay nasilayan na niya sina Chellsey at Jesse. Napangiti siya nang makita ang mga ito ngunit mabilis na nabura yon sa mukha niya nang makitang lumabas si Nikki at tumabi sa dalawa. Okey na sana siya na makita ang dalawa but not Nikki. Hindi pa siya handang harapin o kausapin ito.
Matapos magpasalamat sa driver ay ķinuha na niya ang maleta niya at seryosong tinungo ang dormitory. "Cielo.." ani Jesse na inabot ang kamay niya at pinisil. Ngumiti siya sa kaibigan pero halatang pilit lang. She missed her.
"Kumusta ka na Ciel? Na-miss ka namin." ani Chellsey.
"Wala ako sa mood makipag-plastikan ngayon. Magpapahinga na ako sa taas." malayo sa tanong nito ang sagot niya saka nilagpasan ang mga ito at dire-diretso na tinungo ang reception. Narinig niyang tinawag ni Jesse si Nikki, nang lingunin niya ito ay nakita niyang nasa elevator na si Nikki, patakbo namang sumunod si Jesse dito. Shocked na sinundan niya ng tingin si Jesse, hindi niya ini-expect na si Nikki ang icocomfort nito.
"Cielo.." hindi siya umimik o lumingon man lang sa roommate niya. Masama ang loob na hiningi niya sa receptionist ang susi niya at dire-diretsong tinungo ang elevator. "Cielo, wait!" habol nito. "Hindi namin intention na pasamain ang loob mo, gusto lang namin na magkabati kayo ni Nikki." paliwanang nito ngunit hindi pa rin siya umimik. Nang bumukas ang elevator ay sumakay agad siya, kung hindi siguro ito mabilis na nakapasok ay masasarhan ito dahil agad na pinindot niya ang close button.
"I'm sorry but it's not appreciated." masama ang loob na sabi niya. Bumabalik-balik pa rin sa isip niya ang nangyari kanina. Siya na nga itong namatayan, pero si Nikki pa rin ang kino-comfort ni Jesse. Nangako siya sa mommy niya na susubukan niyang kausapin si Nikki but nang makita pa lang niya ito sa labas ng dorm kasama sina Jesse ay agad na nakalimutan niya ang binitiwang pangako. Bumalik ang hatred sa puso niya para dito.
Hindi na niya narinig na umimik si Chellsey at sobrang na-appreciate niya yon. Gusto niya ng magmove-on like what her mom said but in a different way. Kung mas pinili ni Jesse na kampihan si Nikki then wala siyang magagawa don. She can get new friends, better than the two she just lost. Anyways, hindi na sila high school ngayon. Changes are expected to happen siguro nga hindi lang environment niya ang magbabago but also her companions. Sa naisip ay nilingon niya si Chellsey saka nginitian ito na parang walang nangyari, "I'm sorry for being an asshole kanina. I'm just tired from the trip and just not ready to face them. What I am ready right now is for new companions. I guess College is really a change for everything including...f-friends." aniya saka tinungo ang banyo.
Worried tuloy na sinundan siya na tingin ni Chellsey. Alam niyang ibabalita nito kay Jesse ang nangyayari sa kanya pero wala siyang pakialam. Right now, she don't need the people who will renind her of her kuya Adrian but who will keep her to forget the painful truth.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala si Jesse ay nagsisisi na pinilit si Nikki na sumamang salubungin si Cielo. Alam niyang maa-upset si Cielo pero hindi niya ini-expect na ganon ang magiging reaction nito. Tingin niya tuloy ay mas lalong lumala ang tensiyon sa pagitan ng dalawa. Nang dumating sila sa kwarto ay umiiyak na naupo si Nikki sa kama nito. "I told you, hindi matutuwa si Cielo kapag nakita ako." wika nito habang umiiyak.
Guilty na tinabihan niya ito, "I'm sorry, Nik. Kasalanan ko, gusto ko kasing pagbatiin kayo ni Cielo. Akala ko maappreciate niya na andun ka para salubungin siya but instead nagalit lang siya lalo." she explained.
"I know your intentions, Jes at naappreciate ko yon..Pero siguro hindi pa ito ang tamang oras para don...we both need time and space na rin.." malumanay nitong sabi. Naintindihan naman yon ni Jesse, siguro nga ay tama ito. Hindi na ito simpleng tampuhan lang, hindi kagaya nong high school sila. Masyado lang siguro siyang na-pressure, pakiramdam kasi niya ay naiipit siya sa dalawa. Wala siyang kinakampihan sa dalawa, kasi alam niyang parehong depress ang dalawa kaya naman nahihirapan siya kung sino ang unang icocomfort. And speaking of, naalala niyang kumustahin si Cielo kay Chellsey pero bago pa siya makatype ng message ay tumunog na ang cellphone niya. Message yon galing kay Chellsey. Through text ay sinabi nito ang binitawang mga salita ng kaibigan at maging siya ay nag-alala at natakot. Hindi niya ini-expect na sasabihin yon ni Cielo, she did't mean for sure, did she? Hindi na niya pinaalam kay Nikki dahil ayaw niyang madagdagan pa ang dinaramdam nito.
BINABASA MO ANG
Royale University - CHANGES Book 1
Mystery / ThrillerThis story is inspired by Nathan Scott and Haley James of ONE TREE HILL.. After High School, there's this next stage called College. Jesse, Nikki, and Cielo will soon be joining the challenging world of Royale University.They will start pursuin...