CHAPTER TWELVE
It's Wednesday ngunit sa room lang nagmeet ang klase nina Jesse sa PE since palapit na ang exam at nirereview sila ng teacher nila. Nagtanong ito sa napili nitong student at pag nasagot yon ng student ay may chance itong pumili kung sino ang sasagot sa next na question.
Pagkatapos ng klase nila ay pinuntahan ni Jesse si Chellsey na nasa kabilang room naman. Magkatabi lang kasi ang rooms nila pero ang subject ni Chellsey ay Psychology. Napansin niyang nagsilabasan na rin ang mga students sa room nina Chellsey at nang makita ito ay nakasimangot ito habang kausap ang isa sa mga kaklase nito.
"Bakit naman puro two points lang ang binigay ni Ms. Allison sa mga sagot ko? Ang haba-haba na nga ng answers ko para perfect five every item." narinig niyang reklamo ni Chellsey sa kaklase ito na si Erica. Na-introduce na sila nito ni Chellsey one time.
"Baka naman kasi paikot-ikot lang naman yong sagot mo instead na magdirect ka sa point." singit niya dahilan para lumingon ito at lalong sumimangot.
"Jesse naman, eh. Imbes na i-comfort ako, nagbibigay ka pa ng negative na comment." reklamo nito.
"May point si Jesse, Chells." sang-ayon ni Erica bago ngumiti sa kanya.
Lalong itong sumimangot, "Hmp! Pinagtulungan niyo pa ako." tinupi nito ang papel at ipinasok sa bag, "So san tayo maglalunch? Gutom na ako. Nagutom ako ng bongga sa pagrereview."
"Naku, kayo na muna at may usapan kami ngayon ni Daniel." ani Erica. Dennis ang pangalan ng boyfriend nito na third year na sa kursong BS Biology. "Bye. Kita na lang tayo sa exam." paalam nito pagkatapos.
"Bye." sabay nilang sagot. At pagkatapos ay nilinga siya ni Chellsey, "So?" nakataas ang mga kilay nito na tiningnan siya.
Nagkibit siya ng balikat, "Kahit saan. Sa canteen na lang, ayoko ng pumunta pa sa malayo. Dito lang din kasi ang next class ko."
"Ok." nagsimula na silang maglakad papunta sa canteen ng Education building nang makasalubong nila si Jason. Mag-isa lang ito at nakangiti habang may binabasa sa phone nito. Nagkatinginan sila ni Chellsey. Sino kaya ang katext nito, si Cielo o yong babaeng nakita nilang kasama nito sa Market?
Kahit nalagpasan na nila nito ay nakatingin pa rin sila dito. "Alam mo bang nag-apply din siya sa Royale Star at sabay kaming iwewelcome ng buong staff after ng Prelim Exam.." pabulong niyang kwento dahil hindi pa naman ito masyadong nakakalayo.
Nagustuhan ng Editors ng Royale Star ang gawa ni Jesse, ipinasa niya ang print-out ng gawa niya nong lunes after ng last subject niya. Natuwa ang mga staff na narooon. "This is a great job, Jesse. Finally ay pumayag na rin si Eric na magpainterview, ilang beses na siyang nilapitan ng RS pero hindi namin ito napapapayag." naalala niyang proud na pahayag ng baklang editor na napasahan niya. Fourth year student na ito sa kursong Journalism at gagraduate na next semester. "Sa mga nag-apply ngayong semester ay dalawa kayo ang nakapasa sa pagsubok. Nauna lang si Jason sayo ng kaunti but sabay kayong i-wewelcome ng Team after ng Prelim exam. There will be a small dinner sa Market and as an official member of RS, you are invited." sobrang nagulat siya sa narinig. Kung ganon ay same sila ng Organization ni Jason, nagwonder tuloy siya kung sino ang in-interview nito. But wala siyang pakialam sa binata, mas magiging masaya siya kung lalayuan na nito si Cielo. She would feel better kapag nangyari yon.
Tumaas ang isang kilay ni Chellsey, "Really? Hmm...I think may plano na ako kung paano natin siya mahuhubaran diyan sa 'pa-good boy' niyang suot. Tatahi-tahimik pero makamandag rin pala. Mabuti na lang at nakamove-on nako sa infatuation ko sa kanya bago ko pa nadiscover amg true color niya."
"Anong plano mo?" interesado niyang tanong. Kahit ano ay gagawin niya para mareveal ang true color nito.
"I'm thinking kapag nakita ulit natin siya kasama si Cielo, tanungin natin siya kung isasama ba niya si Cielo sa party ng RS. I'm sure mapipilitan yon na iinvite si Cielo and not the girl na nakita natin sa Market." mahaba nitong salaysay.
BINABASA MO ANG
Royale University - CHANGES Book 1
Mystery / ThrillerThis story is inspired by Nathan Scott and Haley James of ONE TREE HILL.. After High School, there's this next stage called College. Jesse, Nikki, and Cielo will soon be joining the challenging world of Royale University.They will start pursuin...