Third Person's POV"Rheo, anong gagawin mo sa Birthday natin?" masayang tanong ni Rhinna sa kambal niya. Simula kanina pang umaga ay sabik na sabik na ito dahil sa paparating nilang kaarawan.
"Rhinna, pwede bang bukas na lang natin pagusapan yan, marami pang inuutos si Dad sakin, alam mo namang nagagalit yun sakin pag di ko agad nagagawa ang inuutos niya!" iritang sagot naman nito kay Rhinna. Dahil kanina pa ito nanggugulo sa kaniya.
"Ah ganun! Okay sige bahala ka na sa buhay mo! Dyan ka na sa ginagawa mo!" galit na ganti rito sa totoo lang malaki na ang tampo niyo sa kapatid dahil sa lagi na itong may ginagawa kahit hindi naman dapat dahil bata pa sila para humawak ng kung ano anong trabaho.
"Rhinna!" sigaw ni Rheo dahil tumayo ito at padabog na aalis sa kaniyang kwarto.
"Dont talk to me Rheo, Hinding hindi na kita kakausapin, tutal lagi ka namang busy eh!" sambit ni Rhinna na may halong pagkainis sa kanyang boses.
"Hays! Okay okay! Ano bang gusto mong gawin sa Birthday natin?" Malambing na saad ni Rheo kahit naiirita siya, hindi dahil sa galit siya sa kanyang kakambal, kundi dahil sa pagiging busy niya. Ayaw na ayaw kasi nitong nagagalit ang kaniyang kapatid.
"AHHHH!!" habol hiningang sigaw ni RR ng magising siya sa kanyang masamang panaginip. Panaginip na lagi siyang hinahabol araw araw. Panaginip na hindi siya tinitigilan. Panaganip na hinihiling niya na maging totoo na lang. Panaginip kung saan kumpleto pa siya. Ang panaginip na pinanghahawakan na lang ng kaniyang buhay. Ngunit alam niyang ang panaginip ay hanggang panaginip na lang. Isang bagay bagay na hanggang ilusyon na lamang. Na hinding hindi na magaganap pang muli.
"Ma'am! Ma'am! Ano pong nangyari?" alalang-alalang tanong ng yaya ni RR ng marinig nito ang sigaw mula sa kwarto.
"M-manaaaang!" hagulgol ni RR sa yaya nito nang hindi na niya mapigilan ang luhang dati niya itinatago. Dahil simula nung nangyari ang bagay na 'yon, hindi na siya muli nagpakita ng emosyon sa ibang tao. Ipinapakita niyang malakas, matapang at matatag siya kahit na sa loob loob nito ay unti unti na siyang nawawasak. Ngunit alam niyang hindi pang habam buhay ang pagpapanggap niya. Lalabas at lalabas ang kaniyang emosyong ayaw niyang ipakita sa iba. Dahil simula nang mangyari sa kanilang pamilya ang insodenteng iyon ay pinangako niyang hindi siya kailan man magpapakita ng kahinaan sa iba dahil ito ang sisira sa kaniya.
"Bakit? Bakit ka umiiyak?" tanong nito habang hinahagod ang likod ng dalaga. Makikita mo sa mga mata nito ang pangungulila, pangungulila sa mga taong ngayon ay wala na.
"S-si Rheo! Wala na si Rheo! Wala na yung pinakamamahal ko manang! Iniwan na nila akong lahat. Ang sakit manang! Ang sakit sakit!" asik ni RR sa yaya at nagpatuloy sa pagiyak, iyak na kailan man ay hindi pa niya ginawa kahit na nangyari ang bagay na iyon sa kanila. Nagulat naman ang kanyang yaya ng bigla na lang umiyak si RR sa harapan niya ng hindi alam ang dahilan. Ito kasi ang unang beses na makita niya ang kanyang alaga na umiiyak, dahil kilala niya si RR na isang matapang at matagong bata.
"Ahm? RR s-sinong Rheo?" tanong naman nito ng nag-aalangan pa dahil sa natatakot siya sa sitwasyon ng dalaga. Kahit na ilang taon na niya itong inaalagaan ay hindi pa rin niya alam ang pinagdadaanan nito. Para sa kanya ay napakabait na bata nito kaya hindi niya matitiis ang pagkaawa dito.
"Y-yung kapatid ko. Y-yung k-kakambal ko."
"May kapatid pa si Ma'am RR?" - sa isip isip ng yaya ni RR.
nagpatuloy ang pagiyak ng dalaga sa unti unting alaalang binabalik balikan siya. Alaalang kailangan ng kalimutan ngunit ayaw niyang tanggapin.
Eight years ago...