Prologue
Nasa party ako ng gabing yon pero gusto kong umuwi..
Maganda ang lugar dahil sa private resort ginanap ang kaarawan ni Amanda. Kaso hindi sanay ang isang nerd na tulad ko sa ganitong klaseng party. Hindi ko rin inaasahan na maraming inimbitang kaibigang lalaki si Amanda. Ang akala ko para lang sa buong section namin ang birthday celebration na ito gaya ng sabi niya. Sana pala sinama ko ang pinsan ko para hindi ako out of place dito.
Wala naman kasi akong kaibigan sa klase dahil hindi nila feel ang nerd na tulad ko. Kaya ngayon wala man lang kumakausap sakin habang silang lahat ay nageenjoy. Nasa sulok ako at nakamasid lang sa kanila, naghihintay na may lumapit at makipag usap man lang sakin. Ayokong gumawa ng first move para lang di mapanis yung laway ko dahil mapapahiya lang ako sigurado. Bakit ba kasi umattend pa ko, tsk. Hindi ko na kasi natanggihan si Amanda nung inimbitahan nya ako sa harap ng buong klase. Ang kapal naman daw ng mukha ko kung tatanggihan ko ang imbitasyon ng isang Amanda Villareal.
Napabuntong hininga ako.
Napatingin ako kay Sara na nasa kabilang table. Nakatingin ito sakin at nakangisi. Bumaling siya sa lalaking katabi niya ng may binulong ito sa kanya at sabay silang tumingin sakin at nagtawanan. Napayuko ako, hindi pa rin ako masanay sanay pag pinagtatawanan nila ako kahit wala naman akong ginagawa. Tumayo ako at nagpasyang pumunta ng cr.
Naghuhugas ako ng kamay nang magulat ako dahil may nagsalita sa loob ng cubicle.
"So, you're saying na kaya dito sa malayong resort ginanap ang birthday celebration nya dahil dito nakatira yung lalaking kinababaliwan ni Amanda?" hindi ko alam kung sino ang kinakausap niya kaya nanahimik na lang ako.
Pero may nagsalita din sa kabilang cubicle, "That's what I heard from Sara, close sila diba?"
"Really?! OMG. How about Axel? Hindi ba't andito din sya?"
S-si Axel? Hindi ko sinasadyang maging interesado sa pinaguusapan nila ng mabanggit ang pangalan niya. Hindi ko alam na nandito pala sya. Bakit hindi ko pa sya nakikita dito? Nakaramdam ako ng munting kasihayahan na malamang nandito sya.
"Ow wait! Yung lalaking kinababaliwan nya ba ay yung lalaking nakita nating sinundo nya kanina sa parking lot?! OMG ang hot non!"
Nawalan ako bigla ng interes sa pinaguusapan nila dahil hindi ko naman kilala kung sino ang tinutukoy nila. Nagpasya na akong lumabas ng may mapansin ako. Ibang kwintas pala ang nasuot ko, ito yung binigay ni Mommy sakin imbes yung iniregalo sakin ni Daddy nung birthday ko. Bago ako tahimik na lumabas ng cr narinig ko pa yung huling sinabi ng babae --na hindi ko alam kung classmate ko ba.
"Para sakin mas gwapo at hot pa din si Axel my loves! Ay ano ba yan! Bakit walang tissue dito?! Gosh anong klaseng resort ba naman to walang tissue sa comfort room!"
Hindi na ako bumalik sa table ko kanina. Lumabas ako at pumunta ng tabing dagat. Napatitig ako sa ganda ng dagat kahit gabi na. Kumikinang ito dahil sa liwanag ng buwan.
"It will happen tonight. Don't worry babe." napalingon ako boses ng lalaki na nagsalita. Bakit ba may mga usapan akong naririnig ngayong gabi? Lumapit ako dun sa may puno kung saan may nakita akong dalawang anino ng tao.
"Thank you" pamilyar ang boses ng babaeng nagsalita. Nagalangan na akong tumuloy kaya humakbang na ako pabalik ng may maapakan akong maliit na sanga.
"Sino yan? A-ana?" shocks! ang tanga mo talaga Ana!
Nagaalangang humarap ako, "A-amanda.."
"What are you doing here?"
"Ah.. kase.. n-naisipan ko lang m-maglakad lakad." saad ko at pilit na ngumiti.
"Ah..." tumango tango sya at may binulong sa lalaking nakapulupot ang braso sa bewang nya. Tumingin ito sa relo nya, may naaninag akong parang tattoo sa gilid ng kamay nito. Hindi ako sigurado pero parang tumaas ang gilid ng labi ni Amanda at bumaling sakin. "Alright, mag-ingat ka lang baka kung 'san ka mapunta.. Maraming ahas na pakalat kalat jan. Baka lang hindi mo mapansin.. alam mo na, madilim na."
Kinilabutan ako sa paraan ng pagkakasabi nya para kasing pagbabanta ito na hindi ko malaman. Napatingin naman ako sa lalaking katabi nya ng kumislap ang hikaw nito sa kaliwang tenga dahil sa liwanag ng buwan. Nagtama ang mga mata namin at natitigan ko ang mga mata nyang nakakatakot kung tumitig. Nagiwas ako ng tingin dahil hindi ko matagalan ang mga tingin nya. Inayos ko ang salamin ko at pilit na ngumiti. "S-salamat."
Tumalikod na ako at naulinagan ko pa ang sinabi ng lalaki na "easier".
Iyon ba ang lalaking pinaguusapan ng dalawang babae sa cr kanina? Yung lalaking kinababaliwan ni Amanda? Naalala ko kung pano sya tumitig. Nakakatakot, nakakakilabot, parang-- parang nakipagtitigan ako sa mga mata ng demonyo. Kinilabutan ako sa mga pinagiisip ko kaya napayakap ako sa sarili ko. Lumingon ako sa paligid at bigla akong kinabahan ng mapansing napapalayo na pala ako.
"Hala, asan na ba ako?"
Napalundag ako sa gulat ng may magsalita sa likod ko "Anong ginagawa mo dito?"
Humarap ako sa kanya at nanlaki ang mata ko. Awtomatik na bumilis ang tibok ng puso ko sa tuwing nakikita sya.
"Iron man..." nawala ang takot na nararamdaman ko kanina ng ngumiti sya sakin at napangiti na din ako.