Kabanata 4
Tiningnan ako ng masama nung ale nang hindi ko tinantanan ng pagsundot sundot ang isdang tinda nya. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang pipiliin ko. Wala akong ideya sa mga ganito kaya nagpapanggap na lang ako na namimili ng mabuti.
"Ang ganda naman po ng apo ninyo Manang Leti!" napatingin ako sa lalaking bagong dating na may pasan na banyera ng isda.
"Aba Brando! ikaw tigil tigilan mo yang pagiging palikero mo!"
"Asus Manang Leticia! wag niyo ngang tawaging palikero iyang si Brando e baka isipin nyan gwapo sya!"
Nagtawanan lahat ng nakarinig sa biro ng matabang babae habang napakamot na lang sa ulo yung Brando na mukang goons sa laki ng katawan. Nangingiti na lang si Manang Leticia at naglakad na kami papunta sa mga nagtitinda ng prutas.
"Eh Ana-- ay tama ba iha? Ana? pasensya ka na, makakalimutin na ako't ganitong tumatanda na."
Napangiti ako at pinagmasdan ang basket na dala niya na punong puno ng pinamili. "Ara po, Aracelli."
"Ah Ara.." tumango tango ito at parang nagisip. "Oh hija, malapit lang naman ang palengke dito kaya hindi ka mapapagod kahit lakarin mo lang. Madalang lang kasi na may nadaan doon na tricycle. Pero wag kang magalala mababait naman ang mga tao dito mga palabiro lang." lumabas ang mga guhit sa gilid ng mata nito ng ngumiti siya.
"Muka nga hong mababait sila, at tsaka wala naman po'ng kaso kung lalakarin ko lang papunta dito sa palengke, sanay naman ho akong maglakad." pinag-cross ko ang dalawang daliri ko sa likod sa pagsisinungaling.
Napatingin si Manang Leticia sa sugat ko sa paa na may gasa. Ginamot nya ito kahapon. Tinanggihan ko pa ito nung una dahil kaya ko naman ng gamutin ang sarili ko pero ipinilit nya pa din lalo na't ang senyorito daw nito ang may gawa sakin.
Nakonsensya naman ako dahil sinabi ko nga dito nung una na ang freak god na yon ang gumawa nito sakin pero ang totoo naman ay kasalanan ko talaga dahil nabitawan ko yung jar. At dahil sa konsensya ko hindi ako nakatulog magdamag dahil napaparanoid ako na baka multuhin ako ng mommy nya.
Humingi ako ng tawad kay Manang Leticia tungkol dun at sinabi ang totoong nangyari. Hindi naman sya nagalit at humingi pa ng tawad sa ginawa ng alaga nya sa cellphone ko. Ngayon alam ko na kung bakit ganon kalumanay makipagusap ang lalaking yon sa matanda. Sobrang bait kasi niya at mahihiya kang hindi gumalang.
"Sigurado ka ba na hindi na masakit iyang sugat mo ha?"
"Hindi na ho.. konting kirot pero kaya ko naman. Medyo mahaba lang ang sugat pero mababaw lang naman pala."
"Mabuti naman kung ganon. Pagpasensya mo na talaga iyong batang iyon ha. Pero mabait naman talaga iyong si Santi." kahapon pa sya humihingi ng tawad para sa kagaspangan ng ugali ng lalaking yon at ipinipilit nya na mabait naman talaga ito. Goodness. Kung hindi lang mabait si Manang Leticia ilang beses ko na siyang kinontra tungkol sa bagay na yon.
"Wala ho iyon.. Maraming salamat ho nga pala sa pagsama nyo sakin dito. Nakakatuwa ang mumura ng paninda tamang tama ho kasi kailangan kong magtipid." tiningnan ko yung basket na dala ko. Napangiwi ako dahil halos puro gulay pala ang nabili ko.
"Ikaw lang ba magisa titira sa bahay na iyon iha? San ka naman kukuha ng pang gastos mo araw araw?" napangiti ako sa loob loob ko sa tanong nya.
"Uhm.. opo ako lang magisa. Ang totoo nga ho nyan iyon ang pinoproblema ko. Bahala na ho siguro, baka maghanap na lang ako ng mae-extrahan dito sa palengke."