Kabanata 11
Natawa ako nang makita ang collection ni Ana na naka-display sa kwarto niya.
"Iron man?"
"Ah... oo." ngumiti ito at inayos ang salamin niya.
"Crush mo Robert Downey Jr.?" tanong ko. Kinuha ko yung isa sa mga action figure collections niya.
"Hindi.. Yung dating kakilala ko kasi na-impluwensyahan ako. Magaling siya mag-drawing at si Iron man ang paborito niyang i-drawing. Ewan ko.." nagkibit balikat ito.
"Uhm.." napasapo ako sa dibdib ko. Binalik ko si Ironman sa lagayan nito na nanginginig ang kamay. Nagtumbahan ang mga ito. Napahawak ako sa dibdbib ko ng mahigpit. Bumigat ang paghinga ko at parang sinisilaban ang loob ng katawan ko.
"A-ayos ka lang? Anong problema?"
Sinisigaw ni Ana ang pangalan ko bago ako mawalan ng malay.
"Ouch!" napahawak ako sa ulo ko. Bumagsak ako sa kama na una ang ulo. "What the fox! Ang sakit.."
Tiningnan ko ang orasan at napatayo ako nang makita ang oras. "Alas otso na?! No! no! no! " Nagmamadaling pumasok ako ng banyo pero nagpauntog muna ako sa pinto nito bago nakapasok. "Arayyyy!"
Lumabas ako ng gate habang sinusuot ang doll shoes ko. Inayos ko ang pagkakasabit ng sling bag sa balikat ko. Nilakad-takbo ko ang pababang kalsada habang hawak ang sombrelo ko para hindi ito liparin sa pwersa ng hangin.
Unti-unting bumagal ang lakad ko nang makita ang taong sumasalubong sakin na sakay ng kabayo. Nakasuot ito ng v-neck white shirt at kupas na pantalon. Hinintay ko siyang makalapit sakin at tiningala nang nasa tapat ko na siya. Nasilaw ako sa sinag ng araw na parang nag niningning ang mukha niya.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.
"Nagbabakasaling masabay na kita ngayon... binibini." bumaba ito sa kabayo niyang kulay puti. Pareho sila ng kabayo niya na nag-niningning. Maputi siya hindi katulad ni Santi na parang lumaki sa labas ng hacienda at sa labas ng resort nito.
"Ah.. pwede mo naman ako tawagin sa pangalan ko. Aracelli." Nilahad ko ang kamay ko. Tumitig ito sakin at unti-unting nilabas ang ngiti. May dimple siya. Ngayon ko lang natitigan ang mukha niya at ang gwapo niya nga talaga. Ganun talaga siguro pag nananalaytay sa dugo mo ang pangalang Monterro. Pinigilan kong wag tumawa nang humawak ito sa batok niya at inabot ang kamay ko.
"Trey. Pasensya ka na sa inasal ko kahapon." saad niya. Nagulat ako nang higitin niya ang kamay niya na parang napapaso. Natawa na lang ako. "B-bakit?"
"Wala. Ang cute mo kasi." tumatawang sabi ko.
Tumagilid ito at lumabas na naman ang dimple niya, "Shit.."
"Ha?" tanong ko na hinahabol ang tingin niya.
"Ah! Yung.. y-ung kabayo ko nga pala. Si Bonnie."
Napatunganga pa ako sa kanya pero lumapit na din ako sa kabayo niyang mukhang mabait hindi katulad ng kabayo ni Santi na agresibo.
"Ang ganda niya.." hinaplos haplos ko ang buhok nitong makintab.
"Lalaki siya."
"Ahh.. Hi! Ako nga pala si Ara!" tinitigan ko yung mata ni Bonnie. "Yung kabayo ni Santi anong pangalan?" biglang tanong ko. Hindi ito sumagot kaya nilingon ko siya.