Kabanata 15

11 0 0
                                    

Kabanata 15

Malalim ang isip ko tungkol sa taong iyon na binansagan ni Ana Marie na Ironman. Maaaring si Trey ito dahil taga dito siya sa Sitio Friede.

"He's my hero, he's my Ironman. Lagi niya akong pinagtatanggol, Ara. Hindi ko alam kung bakit nila ako binubully siguro ay dahil isa akong nerd. Ang babaw nila." Tumawa pa ito at umiling iling.

"Then what happened?" Nilingon ko siya mula sa pagkakatitig ko sa langit. Maganda ang kalangitan ngayon dahil parang alon ang mga ulap. Hindi siya agad sumagot at lumingon sakin at tumitig.

"He's my protector and also my biggest enemy. He decieved me by his mask. Hindi pala totoo ang lahat ng pinakita niya sakin, tulad din siya ng iba ng mga tao sa eskwelahang iyon. Hindi ko alam kung bakit niya nagawa iyon sakin, Ara. Minsan ang taong inaakala nating mag-aahon satin sa kaligtasan ay ang taong lulunod satin sa  matinding sakit." Tumingala siya at pumikit. Nakita ko ang pagtulo ng luha niya.

Naawa ako sa kanya. Anong klaseng mga tao sila? Mabait si Ana at alam kong hindi niya kayang manakit ng tao kaya wala silang karapatang gawin iyon sa kanya! Nagagalit ako sa taong inakala niyang tagapagligtas! Kung ano man ang ginawa nito sa kaibigan ko ay siguradong hindi ko siya mapapatawad.

"Do you love him?"

Dumilat ito sa tanong ko.

"He hurt me, Ara, so I should not love him right? But yes, I do love him." Bumuntong hininga ito kasabay ng pagihip sa bangs niya at mapait na ngumiti.

"Ladies, you need to go inside. Doc. Fetticini need to do some test. Don't worry this won't hurt this time, I promise." Ngumiti ang nurse na blonde samin.

Napabuntong hininga ako, eto na naman kami. Hindi pa humuhupa ang pamamaga ang braso ko sa pitong tusok ko ng karayom.

"Can you help me, please?" Magalang na pakiusap ni Ana.

"Sure, madam moi selle." Tinulak nito ang wheelchair ni Ana at pumasok na sila sa loob.

Hindi ko maintindihan. Nagawa na siyang saktan ng lalaking yon at nagawa niya pa ding mahalin. Hindi niya iyon inakila at inamin pa. Napakasakit non kaya kung ako siguro ay hindi ako aamin kahit sa sarili ko. Tanging galit na lang ang kikilalanin kong damdamin para sa taong yon.

"Aracelli?" Tawag sakin ni Nurse Maddi.

"I'm coming!" at tumakbo ako palapit sa kanila at agad niya akong pinagalitan.

"Ang sabi ni Cassie you're doing a good job sa resort."

Nalipat ang tingin ko kay Trey mula sa laruang Ironman. Gusto kong magtanong. Marami akong katanungan. Mahilig siyang mangolekta ng laruang ito, siguro ay mahilig din siyang i-drawing ito? Tulad ng sabi ni Ana noon mahilig i-drawing ng lalaking iyon ang Ironman.

"Mabait kasi siya at tinulungan ako." tugon ko.

Sino ka naman? Sino ka naman sa buhay ni Ana? Kilala mo ba si Ana? Hay sumasakit na ata ang ulo ko. Ang daming katanungan na nakalatag sa utak ko at hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Ngayon ay hindi ko akalain na madadagdag pa si Trey!

Narinig ko ang pagtawa niya. "Sa tingin mo ako? Ano ako? Mukha ba akong mabait sayo?" Tanong nito na parang interesadong interasado sa kung ano ang tingin ko sa kanya.

"Noong una ay ayoko sayo." Nanlaki ang mata nito at itinutok ang tingin sa kalsada."Pero--"

"Noong una. Ibig sabihin ngayon ay?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon