Kabanata 8

21 0 0
                                    

Kabanata 8

Kung ang lahat ng naaabot ng paningin ay naaabot ng kamay; Matagal na akong nakapasyal sa buwan. Marami na akong nakolektang bituin at napuno na ang kisame ng kwarto ko. Naiintindihan ko na ang pakiramdam ng nasa langit, nayayakap ko si Daddy at nakikipagtawanan kasama si Marie.

Sinubukan kong pigilan ang paghinga. Naiinis na kasi ako sa paghikbi ko na parang sinisinok.

Ayaw tumigil.

"Bakit mo iniisip iyon? Wala kang kasalanan!"

"Hindi na masaya si mommy. Tulad nang dati nung nabubuhay pa si daddy."

Nilingon ko si Manang Leticia nang hawakan niya ang kamay ko.

"Hindi siya masaya dahil nakikita ka niyang malungkot." kinagat ko ang ibabang labi ko.

Nang mawala si Daddy ilang linggo akong tulala, bumalik man ako noon sa dati pero hindi lubusan. Naging tahimik ako at lalong naging matamlay na sobrang kinabahala ni mommy. Siguro nga, sinong ina ang magiging masaya kung nakikita nito ang anak niyang malungkot. Bata pa ako non at sobrang sakit mawalan ng ama sa ganoong paraan. Hindi ko alam na ang paninisi ko sa sarili ko noon ay madagdagan pa ngayon. Mas naiintindihan ko na kasalanan ko din kung bakit hindi na naging masaya pa ulit si mommy.

Pinahid ko ang luha ko na taksil. Kumurap lang ako sa realisasyong iyon tumulo na.

Napatitig ako sa kawalan, "Kasalanan ko.."

"Hija.." pinutol ng busina ng sasakyan ang iba pang sasabihin ni Manang Leticia. "Hayy.. andyan na ata ang asawa ko."

"Po?"

Lumabas kami ng bahay at may nakaparadang sasakyan sa labas. May matandang lalaki na nakatanaw sa dagat habang nakapamaweng.

"Elias, halika na."

"Napakaganda talaga dito sa bahay ni senyorita, ano?" hindi ito lumingon at nanatili ang paningin sa dagat. Parang napakatagal na simula nung nakadalaw ito dito. "Tayo na?" bumaling ito samin pero hindi umabot kay Manang Leticia ang tingin niya.

Kumunot ang noo nito nang matitigan ako. Siguro nahalata nito ang pagiyak ko. Hala! Baka iniisip niya inaway ako ni Manang!

"Magandang umaga po, uhm.. ako po si Ara." nginitian ko siya pero lalo lang nagpakita ang guhit nito sa noo ng kumunot pa ang noo niya.

"Ana?"

"Ikaw talaga Elias! Ara daw! Siya iyong anak ng nakabili nitong bahay."

"Ah.." tiningnan niya si Manang Leticia na ganon pa din ang reaksiyon.

"Pano hija, aalis na kami." bumuntong hininga ito na parang marami pang gustong sabihin. "Bibisita ulit ako dito at... ako na ang magaayos ng mga halaman." napangiti ako at tumango.

Hindi ko nasabi ng direkta ang pagkadisgusto ko sa mga red roses pero naiintindihan na niya ito pagkatapos kong magkwento.

Pagkatapos maligo at makapagbihis, nagexercise pa ako dahil malayo layo ang lalakarin ko. Pupunta ako sa resort ni hambog bago ko pa makalimutan yung mga dapat ko nga palang gawin. Hmm.. Wala pa man ay kailangan ko nang maging pamilyar sa lugar na pagtatrabahuhan ko.

Walang pinagbago sa itsura ko pero nadagdagan ng puting sombrero. Feel na feel ko ang summer! Naglalakad na ako sa pababang kalsada nang may higanteng sasakyan ang huminto sa harap ko. Pamilyar? Ah.. Inaasahan ko na ang taong nakasakay dito pero hindi ko inaasahan ang pagkabog ng dibdib ko pagkakita sa kanya.

A HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon