Kabanata 10

15 1 0
                                    

Kabanata 10

"Anong ginagawa mo dito?"

Humarap ako sa kanya at nanlaki ang mata ko. Awtomatik na bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing nakikita siya.

"Iron man..." nawala ang takot na nararamdaman ko kanina nang ngumiti siya sakin at napangiti na din ako.

Nagising ako nang makaramdam ako ng matinding uhaw. Ang init! Bakit ang init init? Ang alinsangan ng pakiramdam ko na parang hindi ako makahinga. Hindi ko ata nabuksan ang aircon. Bumaba ako ng kama at di na nagabalang isuot ang slipper ko na puti. Hinaplos ko ang lalamunan dahil nanunuyo ito sa sobrang uhaw. Nakapikit na tumayo ako at wala sa sariling humakbang palabas ng kwarto.

Para akong white lady na zombie. "Tubig.." napapaos na sabi ko. Nakababa ako ng hagdan na hindi nadidisgrasya at dirediresto ako papuntang kitchen.

Hindi ko na binuksan ang ilaw. Pagbukas ko ng ref, "ahhh.. ang lamig." half open pa din ang mata ko na kumuha ng tubig at hindi na gumamit ng baso. Tinungga ko ito na parang galing ako sa napakalayong disyerto. Nag-kandatapon tapon ang tubig sa bibig ko at nararamdaman kong umaagos ito pababa sa leeg ko papunta sa dibdib ko. Ang lamig!

Tumingala ako at mukhang timang na nakangiti pagkatapos uminom. Natigilan ako ng maramdamang may nakatitig sakin. Napansin ko sa peripheral vision ko na may anino ng isang lalaking na nakatayo habang nakatingin sakin. Dahan dahan akong lumunok. Normal ang kilos na ibinalik ko ang tubig na nangalahati sa loob ng ref.

Okayyy... Calm down Aracelli. Nahagip ng mata ko ang orange at kumuha ako ng dalawa nito. Madiin ko itong hinawakan. "Aahh!" Bigla akong humarap sa taong pangahas na pumasok ng bahay ko at binato ko ito ng orange.

Sa kasamaang palad nakaiwas ito. Binato ko ulit ito pero nakaiwas pa din. Binato ko siya ng binato hanggang sa maubos ang orange. Magaling umiwas ang walanghiya! Saging na lang ang natira, kinuha ko ang isang piling ng saging at sinugod siya! Dinampot nito ang isang orange at hindi namalayan ang pagsugod ko. Halatang nagulat ito nang makita ako na sinusugod siya kaya nang dinambahan ko siya ay nawalan siya ng panimbang at pareho kaming bumagsak sa sahig.

"Aaahhh!" nakaibabaw ako sa kanya na pinagpapalo siya sa ulo ng saging.

"Ara! What the fuck!" napigilan nito ang kamay ko. Nanlalaki ang mata ko nang makilala ang taong nasa ilalim ko.

"Uhm! Bwisit ka talaga!" Hinampas ko sa kanya yung saging

hanggang sa magkalasog-lasog ito.

"Ano ba?!"

"Bwisit ka!"

"Stop-- stop it!" nagulat ako sa lakas nito at pinagpalit ang posisyon namin. "Malala ka na talaga crazy girl!" hawak nito ang dalawang kamay ko sa ulunan. Kinuha niya ang natitirang saging sa kamay ko at binato.

"Jerk! Bakit ka nasa dilim at tinititigan ako HAH?! Bakit nandito ka sa bahay ko!?"

Inilapit nito ang mukha niya sakin. "Diba ang sabi ko kanina babalik ako?!" wala sa sariling napapikit ako dahil sa breath niya na amoy mint. Agad akong napadilat nang ma-realize ang action ko. Tumama sa mapupungay niyang mata ang liwanag ng buwan galing sa bintana.

"and... we have a deal, remember? Gusto mong ipaalala ko sayo..?" napakurap-kurap ako sa swabe niyang boses. Nanlaki ang mata ko sa kawalan nang maramdaman ko ang paghinga niya sa leeg ko. Amoy na amoy ko ang pabango niyang nakakalason sa utak ko. Nanigas ang buong katawan ko maliban sa puso ko na humahataw sa bilis.

A HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon