Kabanata 2

37 0 0
                                    

Kabanata 2

Nanlalaki ang mata ko na unti unting humahakbang paatras. Nanginginig ako sa takot at parang gusto kong magtago sa kung saan man na hindi ko sya makikita.

"W-who are you?" ulit niya. Nakasalubong ang kilay nito na nakatitig sakin.

Hindi ako sumagot at naglikot ang mata ko para maghanap ng matataguan.

"Ang sabi ko sino ka? s-sino ka ha?" humakbang siya palapit sakin.

"Aaahhhhh!!!" napasigaw ako naihagis sa kanya yung vase na dala dala ko. Nakailag sya agad pero magkahalong gulat at galit ang nakarehisto sa muka nito na bumaling ulit sakin.

"Anong problema mo?! Bakit mo binabasag ang mga gamit ko?!"

Nagkandalito lito ako kung saang direksiyon ako pupunta sa sobrang takot. Humakbang sya palapit sakin kaya parang madadapa na tumakbo ako papuntang sala.

"J-jan ka lang! wag kang lalapit! Wag mong subukang lumapit! Aaahhhh!!"

Gulat na gulat na napahinto naman ito sa paghakbang. "Miss, what are you doing--"

"STOP!!! WAG MO AKONG KAUSAPIN!!" naghanap ako maibabato sa kanya at nahagip ng mata ko yung nakapatong sa center table.

"H-hey! Ibaba mo yan! WAG MONG BABASAGIN YAN!"

Jusko hindi ko siya kayang tingnan!

"BAKIT NANDITO KA BA SA BAHAY KO?!?" sabay naming sigaw.

Anong bahay nya pinagsasabi ng hinayupak nato!

"BAHAY KO TO!!" sabay pa din naming sigaw. Nangunot ang noo ko.

"What are you talking about miss?! Nawala lang ako ng isang buwan may nagmamayari na pala sa bahay ko?!" humakbang sya palapit sakin kaya lalo akong nataranta.

Pumikit ako ng madiin. "WAG MO AKONG KAUSAPIN!! AT WAG NA WAG KANG LALAPIT SAKIN!! H-HUBADIN MO YANG DAMIT MO!!" sigaw ko.

"What?! Are you crazy?! Look miss, I don't--" nauubos na pasensya na dumilat ako at pinigilan ang kung ano pang sasabihin nya.

"I SAID TAKE OFF YOUR FUCKING SHIRT NOW!!!"

"Your ins--"

"NOW!! Huhubarin mo yang damit mo o hindi babasagin ko tong vase na 'to sa mukha mo!!" inamba ko na ihahagis sa kanya yung vase. Napaatras naman ito at nababakas ang pagkalito sa mukha nya.

Napatingin sya sa mga maleta ko at umiling iling. Nagaalangang hinubad nito ang damit nya at parang gigil na gigil na itong sugurin ako. Nanlaki naman ang mata ko ng mapatitig sa necklace nya pagkahubad ng damit nya.

"H-hubarin mo yang kwintas mo!!" turo ko sa kwintas nya.

Natawa ito ng mapakla. "I knew it! hah!" nag igting ang bagang nito at tumingin sakin ng masama "magnanakaw ka no?! balak mong nakawan itong bahay kaya may dala dala ka pang maleta! at ngayon balak mo din akong nakawan kaya pinaghuhubad mo ako?! Unbelievable!"

A-ano?! Ako magnanakaw?!  Ako pa daw ang magnanakaw?!! Aba't ang kapal naman talaga ng apog ng hayop na 'to!!

"Hoy!! Ang kapal mo! Ang kapal ng mukha mo! Hindi ako magnanakaw at ilang beses ko bang sasabihin sayo na ako ang may-ari ng bahay na 'to!" umamba akong ihahagis sa kanya yung vase sa galit ko.

"O-oy! oy wag yan! Ibaba mo yan! Ano bang problema mo?! Shit!" gigil na gigil ito pero wala syang magawa dahil mukang importante sa kanya itong vase na syang pinagtatakahan ko.

"Hubarin mo yang kwintas mo sabi eh!!!"

"Fuck!!! siguraduhin mo lang na bibitawan mo yang jar na yan babae ka kung hindi. Hindi ako magdadalawang isip na saktan ka!" matalim ang mga tingin nito sakin habang hinuhubad ang kwintas nya.

Kinabahan ako sa sinabi nya lalo na sa mga tingin nya. At jar? Napatingin ako sa hawak ko at hindi nga vase ang tawag dito kundi isang Jar. Gawa ito sa marmol at may takip.

Parang lumabas naman ang puso ko at napasigaw ng malakas ng bigla nyang hinagis sakin ang t-shirt nya kasama ang kwintas nya. Huli na para mapigilan pero nabitawan ko na ang jar na hawak ko. Napanganga na lang ako ng mabasag ito at sumabog ang laman nitong pulbos.

"WHAT THE FUCK!!!"

Nanginginig na napatingin ako sa kanya na papalapit sakin at halos mag apoy ang mata nito sa galit.

Hindi ako makatakbo at parang naestatwa sa kinatatayuan ko.

"S-shit!" nanlulumong lumuhod ito at hindi malaman kung pano iipunin ang nagkalat na pulbos. Napahawak ito sa muka nya.

Hindi ko maintindihan. Hindi ba si mommy ang bumili ng jar na yon? Sya ba talaga ang may ari non? Pero paano namang nangyari yon eh pag dating ko kanina nandito na yon!

Inipon nito ang pulbos gamit ang nanginginig nyang kamay. Nakonsensya naman ako na hindi ko maintindihan. "I-- I'm sorry.. ikaw kase hinagi--"

"SHUT UP!!"

Napasinghap ako at napapikit ng mariin. Naramdaman kong may tumulong luha sa pisngi ko. Siguro dahil sa matinding takot na nararamdaman ko kanina pa kaya hindi ko na napigilang umiyak.

Dumilat ako at nasalubong ng mga mata ko ang namumula nyang mga mata. Matalim ang mga titig nya sakin na sobrang nakakapang lambot ng tuhod. Napansin kong kumuyom ang mga kamao nya. Napahikbi ako sa takot.

"Get out." he said between his gritted teeth.

"W-what? It's my--"

"I SAID GET OUT!!"

Napakurap ako at parang natauhan sa sigaw nya. Huminga ako ng malalim at tiningnan din sya masama. "WALA KANG KARAPATANG SIGAWAN AT PAA-- Ouch!" hinila nito ang braso ko ng mahigpit at kinaladkad papuntang pinto.

"Let go of me! ano ba nasasaktan ako!" nagpupumiglas ako at halos maiyak sa higpit ng hawak nito sa braso ko.

Muntik na akong masubsob sa sahig ng tinulak nya ako palabas. Sisigawan ko na sana sya pag harap ko pero bigla nyang binalibag pasara ang pinto.

Pakiramdam ko umakyat na lahat ng dugo ko sa ulo sa galit "HOY WALANGHIYA KA! WALA KANG KARAPATAN PAALISIN AKO SA BAHAY KO!!!"

Pinaghahampas ko yung pinto at sinipa sipa pa. Muntik na naman akong masubsob ng bigla nyang buksan ang pinto. Bwisit!! Nakahanda na ang sigaw ko pero naumid ang dila ko ng makita ko ang galit sa mukha nya.

Muntik na akong matumba ng hinagis nya sakin ang maleta at bag ko.

Walanghiya!

Binaba ko ang gamit ko at handa na syang murahin ng manlaki ang mata ko dahil binato nya ang cellphone ko. Sinubukan ko pa itong saluhin pero huli na at nagkahiwa-hiwalay na ito sa sahig.

"Now we're quits." napanganga na lang ako sa pinto na ibinalibag nya pasara sa mukha ko.

Umiiyak na dinampot ko ang basag na cellphone ko. "Wala na 'tong pagasa.." napaupo ako sa sahig nang may maramdam akong makirot sa binti ko.

Nanginig ako at lalong napaiyak ng makitang may sugat pala ako at marami ng dugo na lumalabas. Tinamaan siguro ako ng nabasag na jar kanina at ngayon ko lang naramdaman ang sakit.

"Ang sakit.."

A HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon