Kabanata 13
Hindi pa rin ako makapaniwala na nalalanghap ko ang hangin ng labas ngayon. Ngayong araw, ngayong petsa, ngayon mismo na pinapaniwalaan kong malas. 12 pa lang ang petsa noon ay naghahanda na ako. Nagiipon ako ng pagkain sa kwarto, papatayin ko ang cellphone ko at papatayin ang komunikasyon ko sa ibang tao ng buong araw. Kakainin ko ang lahat ng pagkain sa ibabaw ng kama habang umiiyak dahil naririnig ko ang pagmamakaawa ni mommy.
"Mommy, hindi ako lalabas! Kumakain lang ako dito kaya wag ka nang magalala!"
Hindi rin ako magbubukas ng t.v. sa kwarto dahil ayokong makanood ng masamang balita. Magkukulong lang ako at magmumukmok hanggang sumapit ang 14. Paulit-ulit na sinasabi ni mommy na itigil ko na iyon pero hanggang sa nagsawa na lang siya dahil hindi ko naman siya pinapakinggan. Matagal akong natakot na lumabas dahil baka may mangyari na namang masama ng dahil sakin. Dahil malas ang petsang ito.
Pero kanina habang ninanamnam ko ang ganda ng paligid, sobrang saya ko. Nagawa ko ring tumawa-- mali, nagawa ko ring humalakhak. Parang nawala ang matagal ng takot sa dibdib ko at ang sarap non sa pakiramdam! Unti-unti at baka tuluyan na akong gumaling. Sobrang nakahinga din ako ng maluwag dahil walang nangyaring aksidente samin ni Santipis. Achievement na rin iyon, hindi ba?
Matutuwa kaya ang Daddy? Masaya ba siya dahil nagagawa kong magsaya ngayon araw? Ang isiping malungkot siya ay nagpapakonsensya sakin, parang gusto kong magkulong sa kwarto at ipagluksa ang petsa ng pagkamatay niya.
"Bilisan mo maglakad!"
Tiningnan ko ang lalaking nasa unahan ko. Isang mayabang, masama ang ugali, hambog, walang modo at sexy. Err, oo sexy. Napakalapad kasi ng likod nito at mabato at matigas. Syempre alam ko iyon dahil nayakap ako sa kanya kanina. Habang naglalakad ito ay nagfe-flex ang muscle niya sa kabila ng damit nito. Sa balikat, braso, likod at pw-- PWE! Eto na naman ako!
Naglakad kami sa malawak na lupain ng Haciendero. Natanaw ko ang posture kung saan may mga kabayo doon. Ang dami! Dami, dami ngang puno dito ng sinengguelas! Gusto kong manguha ngayon din! May green, red at violet? Natatakam ako ng sobra!
Pero ang isiping makakaharap ko nga pala ang grandma niya ang nagpapalamya ng pakiramdam ko. Wala na itong atrasan. Isa siya sa puno kung bakit ganito ang ugali nitong si Santi kaya siguradong nakakatakot siya. Ang matagal ko nang ikinanginginig ng tuhod ay paano na lang kung umabot pala dito ang nagawa ko sa abo ni Ms. Alexandria? Baka ipasipa ako nito sa mga kabayo palabas nitong hacienda.
Nagulat ako ng hawakan ni Santi ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay namin at sa kanya.
"Wag mo 'kong pinaghihintay pag magkasama tayo." Pinunan ng daliri nito ang pagitan ng daliri ko. "Ang bagal!"
Umihip ang hangin, tumahip ang dibdib ko. May dumaan na isang alaala na pamilyar sa pakiramdam pero estranghero sa utak ko. Ang likod niya habang hawak ang kamay ko. Nakakalito at masakit sa pakiramdam.
"Miss Ara!" Nilingon ko ang tumawag sakin.
"Oh, Hi Peter!" Kinayawan ko ito. May hila itong maliit na kabayo.
"Senyorito.." Kinawayan din nito si Santi nang nahihiya. Samantalang ang huli ay walang naging reaksyon. Lalapitan ko sana ito nang matigil ako dahil hawak pa din ni Santi ang kamay ko.
"Halika na." Walang ganang sabi nito pero nakasalubong ang dalawang kilay.
"Lalapitan ko lang siya." Tiningnan ko ang kamay namin na magkahugpong. "Bitiwan mo." seryosong sabi ko.
Tumingin ito sa ibang direksyon at tumitig ulit. "Halika na nga!"
"Ano ba?! Bakit ba--" Hinihila ko ang kamay ko pero lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak.