Kabanata 12
Sa mga sumunod na araw ay nasanay na ako gumising ng may dahilan. Pumapasok ako sa resort ng maaga kahit puyat ako sa mga utos ni Santipis tuwing gabi. Sobrang natuwa ako dahil sinusundo ako ni Mang Elias tuwing umaga at hapon, isang beses ay si Peter ang nagsundo sakin at hindi na ito naulit-- busy daw ito sa mga utos ni Senyorito Santi sa hacienda. Samantala ang hambog na iyon ay tatlong araw na simula nang dinala niya ang mga gamit niya dito sa bahay.
"Labhan mo yan!"
"Linisin mo ang kwarto ko bago ka umalis!"
"Anong luto 'to? Gusto mo ba akong lasunin?!"
"Hindi ka ba naglilinis dito sa bahay?!"
Isa siyang perwisyo sa buhay ko. Lagi siyang nakasigaw at walang boses na aalis ng bahay. Minsan ay nahuli ko siyang nakasandal sa pinto ng kusina habang pabalik-balik na nilamlampaso ko ang sahig na nakatuwad at pawis na pawis.
"Anong ginagawa mo dyan?! Sinisilipan mo ko noh?!"
"Igagaya mo ko sayo na sinisilip ako sa kwarto tuwing gabi?"
"Anong sabi mo?! Hah! Nagi-imagine ka! Umalis ka nga dyan!"
Ginagawa ko lang naman yun para malaman kung pwede na ba akong matulog sa mga utos niya kaya sinisilip ko kung nakahimlay na ba siya! Hindi ko tinitingnan ang abs niya na pinagpi-piyestahan ng kisame noh!
"Ayoko." ngumisi pa ito.
"Ano? Manyak!" Binato ko sa mukha nito ang basahan. Masama ang tingin na hinabol ako nito at nagsisigaw na umakyat ako sa kwarto. Nagkulong ako dun maghapon dahil sa takot ko sa kanya.
Ngayong araw ay hindi ako pumasok. Hindi ito dala ng katamaran. Ayaw ko lang talaga kumilos o kahit na lumabas ng kwarto. Nakatalukbong ako ng kumot at kinukuskos ang dalawang paa ko. Narinig ko na umalis kanina pang alas-syete si Santi. Ganung oras ito umaalis at maaabutan ko na siya dito sa bahay na maraming kalat. Hindi ko maintindihan ang kalat niya samantalang lagi siyang galing sa paliligo sa dagat. Sinasadya niya iyon lahat; Sisipain niya ang kalat at maglalakad sa harap ko na topless at magiiwan ng bakas ng tubig sa sahig.
Umungot ako at lalo pang namalungkot sa ilalim ng kumot. Napadilat ako ng may marinig akong halinghing ng kabayo.
Kabayo ba iyon ni Santi?
May narinig akong mabilis na yabag ng paa na umaakyat sa hagdan. Hinintay ko na bumukas ang kabilang kwarto-- baka may nakalimutan ang hambog na yon.
"Hoy crazy girl! Crazy girl buksan mo nga 'to!" si Santi nga. Kinakalampag nito ang pinto ko.
"Wag ngayon please.." pakiusap ko. Nawala ang ingay nito sandali pero kumatok uli.
"Bakit hindi ka nagpasundo kay Mang Elias?"
Niyakap ko ang unan. Nagpaalam na ako kay Mam Cassie kahapon na hindi ako makakapasok ngayon at sinabihan ko na din si Mang Elias na wag ako sunduin.
"May sakit ka ba?"
"Wala.."
"Buksan mo nga 'to!" iritableng sabi nito.
Tumayo ako na nakatalukbong ng kumot. Nagulat pa siya ng buksan ko ang pinto. Humakbang ito palapit sakin at sinalat ang leeg at noo ko.
"Wala akong sakit.." Sinabi ko yon sa mga mata niya.
Namulsa ito at sumandal sa pinto. Naka-dark grey t-shirt ito na kakulay din ng pantalon niya. Bumaba ang tingin ko sa abs niya na bumubukol-bukol sa paningin ko pero agad ko ding binalik ang focus ng mata ko sa mukha niya. "Bakit hindi ka pumasok ngayon?"