Kabanata 6

29 0 0
                                    

Kabanata 6

Nagsusuklay ako ng buhok ng may mapansin ako sa harap ng salamin. Katatapos ko lang maligo pero medyo natuyo na agad ang buhok ko kahit mahaba ito.

Napabuntong hininga ako.

"Ano ba yan!" binaba ko yung neckline ng bestida kong puti. Malungkot na napanguso ako. "Halata pala, itatapon na kitang damit ka." lumapit ako sa kabinet at namili ng parepareho kong damit. Puro ito bestida na kulay puti.

Galing pa itong lahat ng France, umorder si mommy ng dalawang box sa isang sikat na clothing line doon na puro ganitong klase ng damit. Hiniling ko ito sa kanya, dahil ito ang hiling ni Marie sakin. Gusto nyang maging katulad ko ang klase ng pananamit nya. Wala naman itong problema sakin dahil mahilig din naman ako sa puti at isa pa, kaibigan ko sya kaya kahit anong hilingin nya pagbibigyan ko. Simula nga 'nong nagkahiwalay kami napansin kong lahat ng hilig nya nagiging hilig ko na din.

Natawa ako sa naisip ako.

Malamang na ganoon nga ang mangyayari. Kahit saan pa ako magpunta gagawin ko ang mga bagay na kagustuhan ng nararamdaman nya.

Nakapagpalit na ako ng damit na hindi mababa ang neckline. Nilagay ko sa karton ang suot kong damit kanina at itinago sa taas ng kabinet para hindi na ulit ako magkamali na masuot 'to.

Bumalik ako sa salamin at inihipan ang bangs ko. Natawa ako ng makita ko sa sarili ko si Marie. Nagsalubong ang kilay ko ng mapansing kanina pa ako walang naririnig na ingay sa labas.

Lumapit ako sa pinto at dahan dahan itong binuksan. Nakasilip lang ako dito ng ilang segundo nang mapatayo ako ng tuwid, "Bakit ako sumisilip?" bahay ko naman 'to ah! Lumapit ako sa gilid ng hagdan at sinilip si hambog but no hambog visibility.

Napatakbo ako sa loob ng kwarto at dahan dahang nilapat ang pinto. Dinikit ko ang tenga ko sa pader na pinagdudgugtungan ng kwarto ko at ng guest room. Nilapat ko pa ang dalawang kamay ko sa pader na parang sa pamamagitan nito ay may masasagap akong tunog. Pumunta ako sa iba't ibang direksyon ng pader pero wala pa din akong marinig.

"Ano kayang ginagawa 'non?" lumabas ako ng terasa pero nakasara ang pinto ng terrace nito.

Nagkibit balikat na lang ako. Lumabas na ako ng kwarto at dahan dahan pang bumaba ng hagdan. "Yay wala si freak god!" tumakbo ako papuntang kitchen at binuksan ang ref. May stock na ako ng mga pagkain dito at puro ito healthy foods. Si mommy ang namili nito para sakin isang araw bago ako lumipat dito. Ang sweet nya talaga.

Sinubukan ko lang talaga magluto kanina at napagdiskitahan ko yung mga kawawang gulay na binili ko. Tinatamad na akong magluto kaya kumuha na lang ako ng saging, pumunta ako sa sala at nanood ng t.v.

Kalahating oras na ako naghihintay sa kanya dito sa baba pero hanggang ngayon hindi pa din sya lumalabas ng kwarto. Siguro natutulog na yon! at ano bang akala ng lalaking yon, bahay nya pa din 'to? Ang kapal talaga!

Bigla kong pinagtuunan ng pansin ang pinapanood ko ng marinig ko na bumukas ang pinto sa guest room. Nilakasan ko ang volume at nagkunwaring tutok na tutok sa palabas. Narinig ko syang bumaba ng hagdan at hindi ko maintindihan ang sarili ko na napaayos ako ng upo.

Napahawak ako sa ilong ko ng dumaan sa pangamoy ko ang tatak ng amoy ng katawan nya.

"You're watching your siblings huh?" nagtataka na nilingon ko sya.

Napanganga ako habang pinapanood syang umupo sa maliit na sofa. Hindi ko alam kung dahil ba sa suot nitong simpleng grey shirt at walking short kaya ang gwapo gwapo nya o dahil sa itsura nitong bagong ligo. Sa tagal nito sa kwarto ay basa pa din ang buhok nya? Sinundan ko ng tingin ang pinapanuod nya at nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ang sinasabi nya kanina.

A HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon