Kabanata 9

18 0 2
                                    

Kabanata 9

Nangati ang ilong ko at napasinghot singhot.

"Hoy crazy girl." napakislot ako sa mahinang tawag ni Santipis.

"Santipis ba't ang tagal mo?!" naiinis na sabi ko. Hanggang ngayon kasi ay kinakabahan pa din ako dun sa pagkindat kindat ng matandang foreigner sakin. Nanlaki ang mata ko nang tumayo ito at nagtangkang umupo sa tabi ko pero salamat sa diyos nang dumating ang asawa nito. Bago pa sila umalis ay humabol pa uli ito ng kindat. KADIRI!

Nakataas ang kilay ni Santipis na nakatingin sa magazine na hawak ko. Natawa ako ng makitang baliktad ang hawak ko sa magazine.

"Anong tawag mo sakin?" dahan dahan ang paglipat ng tingin nito sakin. Parang gusto ako nitong hiwahiwain gamit ang matatalim niyang titig.

Napanguso ako. May mahinhing tawa akong narinig mula sa likuran.

"Hi! I'm Cassie." nakangiting bati nito sabay lahad ng palad niya. Ang ganda niya. Makintab ang mahaba at itim nitong buhok. At yung mata niya.. parang may kahawig.

Inabot ko ito at ginantihan siya ng ngiti, "Hello... Tawagin mo na lang akong Ara." humagikgik ako sa di malamang dahilan. Hindi kasi ako sanay sa mga introductions e.

Narinig ko ang mabigat na pagbuntong hininga ng katabi ko. "I'm sorry about this, Cassie, pero sayo ko siya ibibilin."

"It's okay Mr. Monterro."

Nag-tsk pa si Santipis at ginulo gulo ang buhok niya. Bakit ba siya nangungunsumi? Wala naman akong gagawing kapalpakan at magpapakabait ako noh! Tss.

"Pinsan!" sigaw ng isang lalaki na nakapagpalaki ng mata ko. Magisa na lang ito ngayon at naka t-shirt na siya na itim. Napakapit ako sa braso ni Santi pero hindi niya naman ito tinanggal.

"Axel! Bakit hindi ka na bumalik kahapon? Kararating mo lang nawawala ka na naman." maganda ang ngiti nito na umakbay kay Cassie.

Nawala ang tatlo sa paligid ko at biglang nagblanko ang utak ko. Kumabog ang dibdib ko ng sobrang lakas. May kakaiba ba sa sinabi niya? Sa binanggit niyang pangalan?

Axel

Bago sa pandinig pero kilala ng buong sistema ko. Base sa reaksiyon ng puso ko na parang may sinasabi. Hindi ko maintindihan.

Anong problema, Ana Marie? Bakit ganito?

S-sinong Axel? Muntik ko na iyon maisatinig nang bumalik sa paligid ang mga kasama ko.

"B-binibini? Miss green!?" tumawa ito na parang hindi makapaniwala. Napaatras ako nang kuhain niya ang kamay ko at halikan. "Sabi ko na.. sabi ko na magkikita pa tayo! Haha!" nakita ko talaga ang pagningning ng mga mata nito.

"H-ha? ah.." binawi ko ang kamay ko. Yung pisngi ko, siguradong ang pula pula na! Ano ba yaaan..

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Santi.

"Oo!"

"Hindi!" agad na sabi ko. Anong sinasabi niya?! Hindi naman talaga kami magkakilala ah?

Nagpalipat lipat ang tingin samin ni Santi. Yung mapungay nitong mata ay nagfocus sakin. Ano? H-hindi naman talaga kami magkakilala kaya wag mo akong tingnan ng ganyan!

"Miss green--"

"Wag mo nga akong tawaging Miss green!" nasigawan ko siya. Nakakainis kasi, naiiskandalo ako sa tawag niya sakin!

"S-sorry, pero hindi mo na ba ako natatandaan? Nagka-amnesia ka na ba?" tumawa pa ito. Lalo akong nairita.

"Santi, maguumpisa na ba ako ngayon?" Bastos na pero hindi ko pinansin ang tanong niya. Nagising naman ang katabi ko sa pagtunganga sakin.

A HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon