Kabanata 5
"Find Marie's heart!" diniinan ko ang tuldok ng exclamation point. Inipit ko yung ballpen sa notebook at nilagay sa tabi ko.
Nilingon ko yung pacham na luto ko. Yung gulay na binili ko ay nauwi sa hindi maintindihang luto. Tinikman ko pero nadura ko din ito ng diring-diri dahil di ko maatim ang lasa. Di ko maitim na luto ko 'to.
Tumayo na lang ako at tumakbo sa dagat na kanina pa nangaanyanya sakin. Nananghalian ako sa tabing dagat dito lang sa tapat ng bahay ko. Sa ilalim ng puno ako pumwesto para hindi mainit, para akong nagpipicnic magisa pero hindi maenjoy ang sariling luto. Nang dumikit ang tubig sa paa ko napangiti ako dahil hindi ito masyado mainit at hindi rin malamig. Tama lang.
"Aww.." sabi ni Aling Leticia mabisang gamot daw ang tubig dagat sa sugat kaya konting tiis lang sa hapdi, Ara. Wala ito kumpara sa mga mas matinding sakit noon.
Nasa bewang ko na ang tubig ng lumubo pataas ang damit ko dahil nakabestida ako ng puti. Hanggang duon lang ako naglublob dahil hindi ako marunong lumangoy.
Naalala ko tuloy ang isang kaibigan na hindi rin marunong lumangoy. Si Marie. Napangiti ako na tiningala ang mga ibong nagliliparan.
Namimiss na kita.
"Crazy girl." nanigas ang likod ko at bumilis ang tahip ng puso ko ng marinig ang baritonong boses sa likuran ko. Pamilyar na kaagad sa pandinig ko ang boses niya, lalong lalo na siya lang naman ang makapal ang mukha ng tumatawag sakin na crazy girl.
Huminga ako ng malalim at pumikit para ihanda ang sarili ko sa paglublob. Ayokong makita ang pagmumukha niya kaya magtatago na lang ako sa ilalim ng tubig. Kinakabahan ako dahil baka malunod ako sa lalim na hanggang bewang.
Anong na naman kaya kasing ginagawa nya dito?! Ano na naman kayang kailangan nya!
Sampung segundo pa lang ata ako nakalublob ng hindi ko na kinakaya. Ayoko nga kasi syang makita! Sana naman umalis na sya! Ang nakakaasar pa ay biglang umalon ng malakas kaya natangay ako pabalik. Nalalagutan ng hininga na umahon ako.
"Ohmygod!" hinahabol ko ang hangin dahil nataranta ako sa paghampas ng alon. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa takot.
"Nung una ang akala ko isa ka lang baliw," nanlilisik ang mata na nilingon ko sya. Hindi pa din sya umaalis!? "yun pala ay isa ka talagang baliw." nakatayo ito sa harap ko nang nakapamulsa. Nililipad lipad pa ng hangin ang mahaba nitong buhok.
Hinilamos ko ang palad ko. "Ano na namang ginagawa mo dito?!" asik ko dahil napakawalanghiya ng sinabi niya.
Ngumisi ito, "Kinukuha ang kabayaran ko." lalong pumungay ang mata nito sa sikat ng araw habang nakatutok ang mga tingin sakin. Bagay na bagay dito ang makapal niyang kilay. Napairap ako.
"Wala akong pakielam sa pinagsasabi mo." tinalikuran ko sya at naglunoy lunoy pa sa tubig. Nakakainis. Gusto ko ng umahon eh! Naiiyak ako sa inis! Nanginginig pa din ako sa takot na kagagawan ng intrimiditang alon.
Hindi ito nagsalita kaya pasimple ko syang sinilip. Nanlaki ang mata ko ng makitang nasa puno na ito at hawak ang notebook ko.
"Hoy! Don't touch my things!" umahon ako at nanginig ng umihip ang hangin. Tinakbo ko sya para agawin ang notebook ko.
Padamba kong inagaw ang notebook pero hindi man lang natinag ang matigas nitong katawan "akina!" tinaas nito ang kamay nya kaya hindi ko maabot. Hanggang chin lang ako nito kaya kahit lundagin ko sya ay hindi ko maaabot.
Ngumisi ito habang pinapanood ang katangahan ko sa pilit na pag abot sa kanya. Napasinghot ako nang maamoy ko sya. Sobrang lapit namin kaya amoy na amoy ko ang panlalaki niyang pabango.