Kabanata 3
Paika-ika na umikot ako papuntang veranda. Ginamit ko na ang susi ko sa main door pero hindi ko pa rin mabuksan. Sinigurado talaga nitong naka-lock para hindi ako makapasok. Kinalampag ko ng kinalampag ang pinto at sinubukan siyang kausapin pero walang sumasagot. Busy siguro ang hambog na yon sa paglimas ng gamit ko!
Naisip kong gantihan siya sa pagbasag ng cellphone ko ng makita ko ang sasakyan nyang nakaparada sa labas ng bahay. Babasagin ko sana ang lahat ng salamin nito pero hindi naman ako ganon kasama.
Sumilip ako sa salamin na pinto pero wala ako masyadong makita. Idinikit ko pa ang muka ko pero wala pa din akong maaninag dahil sa kurtina. Napatili ako ng biglang may sumulpot na mukha sa pinto! Pakiramdam ko tumalsik ang kaluluwa ko sa gulat!
Hayop talaga sya!
Binuksan nito ang pinto at nakapamulsa na tumayo sa harap ko. Hindi pa rin humuhupa yung bilis ng tibok ng puso ko ng mapatingin ako sa suot nyang t-shirt. Yung t-shirt na pinahubad ko sa kanya kanina. Pakiramdam ko tutulo na naman ang luha ko.
"Miss kung takas ka man sa mental at dito mo naisipang magtago umalis ka na." gusto ko syang murahin, bugbugin patayin sa galit pero hindi ko sya magawang lapitan.
"I'm not crazy, you demon!! This is my house asshole!!" nag igting ang bagang nito sa sinabi ko. Humakbang sya palapit sakin kaya natatarantang napaatras ako. Napwersa yung paa ko na may sugat na ikinatumba ko. "Ouch!!" napahawak ako dito at tuluyan ng umiyak ng makitang nagkukulay pula yung panyo na tinali ko dito. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sya sakin at hinawakan ang binti ko. Naitulak ko sya sa gulat.
"Don't touch me!!"
Nakasalubong ang kilay nya na tumayo. "Hah! pagbalik ko na nandito ka pa rin tatawag na ako ng pulis." papasok na sya ng pigilan ko.
"W-wait!! help me but t-take off your shirt first.." yumuko ako sa kahihiyan na kailangan kong humingi ng tulong sa kanya.
Narinig ko ang sarkastiko niyang tawa, "ibang klase ka din ano? Tutulungan ka na nga pagnanasaan mo pa ako."
Nanlalaki ang mata ko na napaangat ng tingin. Nagakyatan ata yung luha ko pabalik ng mata ko. "WHAT?!? ANG KAPAL NG MUKHA MO! It's not that!--"
"Then what?! may phobia ka sa shirt? you're just crazy girl--"
"Yes I am!! I mean.."
Ugh! bakit ba kasi kailangan ko pang magpaliwanag sa kanya! ba't hindi nya na lang gawin! Lalo pang naginit ang ulo ko ng marinig ang nakakaloko nyang tawa.
"I have.. I have a phobia on number.. number" napahikbi ako sa inis dahil hindi ko talaga kayang sambitin. I feel so helpless! Such a weak! Iyakin bwisit!
"Number 13?" iyon ang nagsusumigaw na nakasulat sa t-shirt nya "How come a crazy woman came into my house?!"
"Its called Triskaidekaphobia.." mahinang sabi ko.
"What? Tiriskadephobia? Pinagloloko mo--"
"Its TRISKAIDEKAPHOBIA IDIOT!!" nakakaubos ng pasensya ang taong 'to!
Hindi ako sa sugat ko mauubusan ng dugo kundi sa kanya! Nagagawa nyang pagibaibahin ang nararamdam ko sa loob ng isang segundo! Grabe. Pakiramdam ko mababaliw na nga talaga ako pag nakausap ko pa sya ng matagal.
"Anong sabi mo?!" nanlilit ang matang saad nito.
"Mauubusan na ako ng dugo pag pinaliwanag ko pa sayo!"