Kabanata 7
"Aww!" sa pagmamadali ko na buksan ang pinto dahil kanina pa may nagdodoorbell ay sumabit ang paa ko sa gilid ng pinto ng kwarto. "merde!" gumagaling na sana itong sugat ko eh. Kainis.
Tinakbo ko pababa ang hagdan kahit na paika-ika. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Manang Leticia sa labas ng gate. Tinitingnan nito ang mga tanim na roses. Napangiwi ako. Nakayapak na lumabas ako at pinagbukasan sya ng gate.
"Magandang umaga ho." binati ko sya ng nakangiti.
Nakangiti ito pero mas lalong lumaki ang pagkakangiti nito ng tingnan ako.
"Magandang umaga hija, kagigising mo lang?" nanlaki ang mata ko at madaling inayos ang ang sabog sabog kong buhok. Pinunasan ko ang gilid ng labi ko. Baka may laway.
Nginitian ko sya at tumango. "Pasok po kayo," nilakihan ko ang pagkakabukas ng mababang gate. "Pasensya na po kung natagalan ang pagbukas ko. Nabisita po kayo?"
Tumango ito, "Oo hija, tungkol ito sa trabaho mo sa resort." masayang balita nito. Nanlaki ang mata ko at napangiti ng malaki. Naglalakad na kami papunta sa pinto pero bigla syang huminto.
"Talaga ho? Naku salamat po!" napapalakpak ako sa tuwa. Hindi ko naman na pala kailangan ang tulong ng hambog na yon.
"Hindi ka ba marunong magalaga ng mga bulaklak hija?" mahinahong sabi nito at nilapitan ang mga red roses na nalalanta na.
Napakamot ako sa ulo. "H-hindi po eh." lies. Ang totoo marunong talaga ako. Past time ko ito noon dahil hindi naman ito mabigat na trabaho kaso ayoko ng roses lalo na ng red roses. Nagbalak na nga akong siraan ang mga ito nung isang araw pero ayoko silang hawakan. Ni ayaw ko itong tingnan.
"Alagang alaga ito noon ni senyorita Alexandria," malungkot na nilingon ako nito. "Ang mommy ni senyorito Santi."
Tumango ako napakagat labi. Pakiramdam ko ang dami ko ng kasalanan sa nanay ng hambog na yon kahit na hindi ko naman sinasadya. Tinatawag ko pang hambog ang anak nyang hambog. Hayy!
"Maganda sana kung mananatili itong maganda dito sa garden," nagulat ako ng hawakan nya ang kamay ko. "ayos lang ba sayo hija kung tuturuan kitang magalaga ng halaman?"
Tiningnan ko sa gilid ng mata ko ang mga bulaklak na unti unti ng napapalitan ang kulay na katulad ng lupa. Hindi ko ata kayang hawakan ang mga ito.
Ngumiti lang ako.
Lumabas ang guhit sa gilid ng mga mata nito nang ngumiti siya. Tinanggap nya ata ang pagngiti ko bilang pagsangayon. Nagpakita din ang mga guhit sa noo niya ng manlaki ang mga mata nya. "Hija! Dumudugo ang binti mo!"
Napadighay ako sa sobrang kabusugan. Tinakpan ko ang bibig ko at humahagikgik na tumingin kay Manang Leticia.
"Ang sarap po ng prutas na 'to. Ano nga po ulit ang pangalan nito?"
Nangingiting sinalin niya sa lagayan ang medyo maliliit at mapupulang prutas na dinala niya para sakin. Napakabait talaga nito at naisipan pa akong dalhan. "Sinengguelas hija, marami nito sa hacienda."
Nangalumbaba ako sa mesa. Iniimagine kung ano ba ang itsura ng hacienda ng hambog na yon. Marami daw ditong puno ng sinengguelas at marami silang alagang kabayo. Sobrang lawak siguro nito.
Naputol ang pagiisip ko ng magsalita si Aling Leticia. "Nasan ang mga magulang mo Ara?"
Napaayos ako ng upo. "Si mommy po nasa Baguio, may negosyo po kasi kami dun."