Fourteen

20.1K 490 23
                                    

Vote muna bago basa! Hahaha

Comment muna bago update. XD

* Reggo *

* Kriiiing *

Biglang nagsitayuan lahat ng mga estudyante sa klase namin. Hudyat na kasi ng lunch break. 'Yung iba, umuuwi. Ang iba naman, dito na lang din sa school nagtatanghalian. Karamihan ng dito nagtatanghalian eh 'yung mga malalayo ang bahay sa University. Nakatayo na ang lahat, malamang ako na lang ang hindi. Nakatingin lang ako sa bintana habang pinapanuod 'yung mga naglalaro ng basketball sa labas.

Ang sasaya nila oh. Ang aangas nila. Mukhang lalakeng lalaki talaga. Bakit kaya hindi ako naging ganun? Ano kayang mali sa akin? Dahil ba pinalaki ako ni Mommy ng bigay lahat? Dahil pinalaki ako kasama ng mga babae kong pinsan? Ano kaya? Gusto kong maging katulad nila. Mayabang. Maangas. 'Yung parang walang pakialam sa nararamdaman ng iba. Ganun kasi ang gusto nila eh. Dapat kapag lalaki ka, matigas. Maangas. Malagong ang boses. Malaki ang katawan. Bayolente. Babaero. Bakit ganun ang gusto nila? Wala na akong kalalagyan dito -_- Pag naging maangas at bayolente naman ako, siyempre maraming magagalit sa akin. Kasama na ang pamilya ko. Pag naman naging mabait ako, aabusuhin ako. Tulad ngayon. Aish. 

" Hoy, diet ka? " bulong sa'kin ni Jam. Tumabi sila sa akin at saka kinalabit 'yung gitarang dala dala nila.

" Jed? " tawag ko sa kanya.

" Hmm? " 

" Paano mo naachieve 'yung ganyang boses? " maganda kasi ang boses nito. Hindi lang nagseseryoso.

" Ah? Ewan. Ikaw nga lang nagsasabing maganda boses ko eh. Hahaha. " ibinalik ko na lang ulit 'yung tingin ko sa labas. Siguro ganito talaga ako. Tama nga sila, hindi lahat ibibigay sa'yo. " Teka, 'wag mong sabihing naiingit ka sa boses ko? 'Wag ganun dude. " 

Brothers in disguise (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon