Thirty Nine

11.2K 294 19
                                    

 A/N: Pasensya na sa mababasa niyong update. Nagpromise kasi ako na ngayon ang update kaya hangga't maari ay tinapos ko 'yan kahit ang dami ko pang gagawin. Kaya sana, kahit hindi maganda eh pagtiyagaan niyo na lang. Babawi na lang ako sa susunod. Promise! :)

* Gray *

Hindi naging madali ang mga sumunod na araw para sa aming pamilya. Hindi ko maiwasang hindi sisihin ang sarili ko sa pagiging ganito namin. Parang bigla kaming naging estranghero sa isa't isa. 

Isang araw makalipas ang nangyaring komprontasyon, ang dami ng pangyayari ang nagdaan. Kinabukasan matapos kumalat ang litrato, nagising na lamang ako na wala sa kama niya si Reggo. Akala ko noong una'y wala lang iyon. Sana'y naman kasi ako na palagi siyang maagap gumising. Kung baga sa aming dalawa, siya talaga 'yung may sense of time. Bumaba ako at tinungo ko 'yung hapag. Nagulat ako kasi wala akong nadatnan doon. Inaasahan ko kasi na nandoon na si Reggo, kumakain. Pero nabigo ako. Sa aking bandang gilid ay nakita ko si Mommy, matalim ang mga titig na ibinibigay niya sa akin. Naiintindiihan ko naman kung bakit siya ganoon. Ang gusto lamang niya ay ang makakabuti para sa kanyang anak, isang normal na buhay. Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain ng tawagin niya ang isa sa aming mga kasambahay. 

Habang hinahintay ang kasambahay ay umupo siya sa tapat ko at nakatitig pa rin sa akin. Ako naman ay hindi makatingin sa kanya. Nang makarating ang aming kasambahay ay may inabot itong isang pilas ng papel.

" Ito na ba 'yon? " tanong ni Mommy.

" Opo, Ma'am. " 

" Sige, salamat. Ako ng bahalang magpadala ng pera kay Reggo para sa mga pangangailangan niya. " 

Automatic na tumigil 'yung katawan ko sa paggalaw. Bakit niya papadalhan si Reggo ng pera? Nasaan ba siya? Ang daming tanong na rumerehistro sa utak ko, pero pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na baka napaparanoid lang ako. Bakit naman niya ilalayo ang anak niya mismo sa kanya diba? Isang malaking kahibangan naman yata iyon. Panakaw akong tumingin kay Mommy at nakita kong nakatingin din siya sa akin habang may hindi ko maintindihang ngiti sa kanyang labi. Para bang iniintay niya talagang tumingin din ako sa kanya. Para bang inaabangan niya kung ano ang magiging reaksyon ko. 

Umalis sa harap namin ang kasambahay at kami na lamang dalawa ang natitira sa lamesa. Si Daddy kasi ay hindi nakauwi noong gabing iyon dahil may emergency meeting. Hindi ko alam kung alam na niya ang nangyayari sa amin, pero isa lang ang masasabi ko, natatakot na ako. Pero wala naman akong magagawa kundi harapin ito, pinili naman namin 'to eh. 

Brothers in disguise (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon