Maiksi lang 'to. Teaser nga eh :D
* Reggo *
Buong maghapon at magdamag lang kaming nandito sa tinutuluyan naming town house malapit sa city. Hindi pa kasi tapos 'yung kinuha naming bahay doon sa village kung saan malapit sa bahay nina Gray. Ok na naman kay Mommy at kay Tito Hector. Basta alamin lang daw namin 'yung limitasyon namin dahil kahit wala daw ang isa sa aming matres eh hindi daw ibig sabihin ay pwede na daw naming gawin 'yun. Nakakahiya lang. Ito namang kasama ko, parang walang kahihiyan sa katawan. Ngingisi-ngisi lang. Abnormal talaga -_-
Malamig kasi ang panahon. Kasalukuyan ding walang pasok dahil sa malakas na hangin at ulan kaya napagpasyahan na lang naming magstay sa room ko. Wala naman kaming ginagawa. Kulitan lang. Naglalaro kami ng DotA, naggigitara, nagmomovie marathon. Lahat. Kung ano 'yung trip noong isa sa amin, sige lang.
Maya-maya pa ay may narinig kaming katok sa pinto. Dali dali naman akong tumayo at saka binuksan ang pinto.
" Yes, Mi? " tanong ko.
Imbis na sagutin ang tanong ko ay kaagad siyang pumasok sa kwarto at para bang iniinspection kaming dalawa. Si Mommy talaga .>///<
" Mii! Ano ba. Itigil mo nga 'yan. Naglalaro lang kami dito, ok? " nahihiya kong sabat. Tiningnan ko naman si Gray at nakita kong halos matae na siya sa kakatawa doon sa isang tabi. Pinandilatan ko siya ng mata para sana humingi ng tulong pero wala. Asar.
" Totoo ba 'yon, Gray? " again, tiningnan ko siya ng parang " suntok ka sa akin " look.
" O... opo Tita. Ah... eh, behave lang po talaga kami dito. " good dog.
" Mabuti naman kung ganun. Maiba ako, anak, dadating nga pala sina Tita Linda mo dito sa susunod na linggo para daw dito magbakasyon. Nasabi din niya na baka dito na rin magbirthday si Jandrix. Invited tayo. Isama mo na rin 'yang si Gray para makilala niya 'yung pinsan mo. "
BINABASA MO ANG
Brothers in disguise (boyxboy)
Teen FictionRated R. Read at your own risk. Book Cover (c) @yuukieee