Thirty Five

15.2K 325 24
                                    
Si Miko sa Multimedia section :)

* Miko  *

Madaling araw na pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Pinakiramdaman ko 'yung paligid ko kung may gising pa ba pero base sa naoobserbahan ko, siguro mga tulog na sila. Sino ba namang tao ang gising pa ng ganitong oras diba? Ako na lang yata. 

Hindi ko maintindihan kung bakit hindi mawaksi sa isip ko 'yung sinabi ni Trey kanina habang tinatanong siya patungkol sa kung bakit hindi pa siya ulit nag-gigirlfriend.

" Oy totoo 'yon! Hindi naman kasi ako nagmamadali eh :3 Kaya kong maghintay. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan. Minsan kasi, kusang napapagod 'yung puso at kusang sumusuko. 'Yun. Ayoko lang talagang madaliin. "

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng pagkatakot noong marinig ko sa kanya ang mga salitang 'yan. Pakiramdam ko mawawala siya sa akin. Pakiramdam ko, baka isang umaga, pagkagising ay may umagaw na sa kanya sa akin. Oo, malinaw naman sa akin 'yung nararamdaman ko para sa kaibigan ko. Malinaw sa akin na matapos 'yung gabing 'yun, nag-iba na ang lahat sa amin. Hindi ko lubos akalain na dahil lamang sa isang pagkakamali ay magbabago ang lahat lahat sa pagitan namin. Pagkakamali nga ba? Pagkakamaling ginusto naming dalawa. 

Hindi ko sukat akalain na sa dinami-dami ng babaeng naghahabol at nagkakandarapa sa akin ay sa isang lalaki pa ako nagkakaganito and to top it all, sa bestfriend ko pa. Alam kong isang kindat ko lang sa ibang mga babae jan, pwedeng pwede ko na silang ikama. Hindi na bago sa akin ang mga ganoong senaryo. Kaya naman gaya ni Gray, naging malakas ang loob ko sa pagpasok sa mga ganoong sitwasyon. Pero kay Trey, parang lahat ng charms at angas ko sa babae ay tila nawala. Ni hindi ako makadamoves 'pag nanjan siya. Lagi akong nagmumukhang tanga kapag malapit siya. Pakiramdam ko, kailangan kong magpaimpress at magpasikat kapag anjan siya, nakatingin sa akin. Kailangan mabait ako, kailangan mataas grades ko, kailangan behave ako at hindi nakikipaglandian kung kani-kanino. Hindi naman kami ganito ni Trey dati. Minsan pa nga, naabutan niya ako sa kwarto ko na may kasamang babae. Minsan ay nasaksihan na niya rin kung paano ako magpaligaya ng babae pero wala lang sa amin iyon... NOON. Pero ibang-iba na talaga ngayon.

Brothers in disguise (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon