Forty Four

9.4K 305 40
                                    

* Melinda *

Habang hinihintay ko si Hector na dumating ng bahay upang sabay kaming maghapunan at para na rin pag-usapan ang tungkol sa aming dalawa, hindi ko maiwasang isipin kung tama ba ang naging desisyon ko. Kahapon, kahapon lumipad ang anak ko patungong America. Tumawag na rin sa akin 'yung pinagbilinan ko sa kanya doon habang wala ako doon na dumating na daw si Reggo at kasalukuyang nagpapahinga na. Nang malaman ko 'yon ay hindi ko malaman kung anong mararamdaman ko. Masaya ba kasi sa wakas, nailayo ko siya sa taong sisira sa kanya o malungkot, dahil magkalayo kami? Kaya ko namang tiisin lahat mapabuti lang siya. Balang araw ay magbubunga din ang ginagawa kong ito. Balang araw ay magpapasalamat din siya sa akin.

Alam kong napakalaking 'di pagkakaunawaan ang namamagitan sa aming tatlo. Sila rin naman ang may gawa eh. Walang maidudulot na maganda sa pagkatao nila ang pagkakaroon ng relasyon sa isa't isa. Bukod sa magiging magkapatid na sila sa mga susunod na araw, walang patutunguhan ang relasyon nilang lalaki sa lalaki. Marami na akong nababalitaang mga ganyang relasyon na walang magandang kinahinatnan kaya habang maaga pa, mas mabuting ako na ang pumutol sa anumang namamagitan sa kanilang dalawa.

Parehas naman silang gwapo, maganda ang pangangatawan, matalino, maabilidad. Ika nga, nasa kanila na ang lahat kaya sigurado akong marami silang mahahanap na babae na siya naman talagang nararapat para sa kanila. Siguro'y stage lang ito ng confusion bilang teenager. Handa ko naman silang patawarin at kalimutan ang lahat ng nangyari sa oras na mangyari ito.

" Sorry Hon, ang daming ginawa sa office eh. " napatayo ako sa kinauupuan ko ng makita ang aking asawa na pagod na pagod.

Wala akong balak sabihin sa kanya kung anong na ang nagyayari sa amin. Ayokong masira ang matagal naming pinaghirapan. Hindi naman niya kailangang malaman diba?

" Ok lang, Hon. Ok ka lang ba? Gusto mong tubig? Ok na 'yung dinner. Let's eat? " anyaya ko sa kanya.

" Teka, hindi ba natin hihintayin ang mga bata? Si Gray? Wala pa ba? Si Reggo? " for a second, parang nalunok ko yata 'yung dila ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

" Ahh... Ehh... Si Reggo, hindi daw sasabay. May kadate. Hehe. Oo... alam mo naman 'yun, may pagkachick boy. Pogi eh. Hehehe. " napasapo na lamang ako sa noo ko. Si Gray, paano si Gray? " Ahh si Gray naman, Hon. Ano... nagpaalam sa akin na baka daw magpractice siya ng basketball. Oo tama. Diba nagbabasketball siya, ayun. Pinayagan ko na. " 

Brothers in disguise (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon