Forty Two

10.7K 331 48
                                    

 Dedicated to: Mikecruiser, a reader from Singapore. Waa. Ayos naman 'yun :) 

* Reggo *

Typical week day, wala akong kasama sa bahay ni Tito Ian kasi lahat sila may pasok. Si Tito at Tita, pareho silang nagtatrabaho sa munisipyo. Si Carla naman, panganay na anak na babae nina Tito Ian, kasabayan ko lang, first year college din, kaya wala siya dito sa bahay. Si Carl, kanina pa umalis. Highschool eh. Alam niyo naman pag-High School diba? Whole day ang sched :3 Sucks. -_-

Mala-farm house kasi 'yung bahay nila. May mahaba habang daan ka pang papasukin mula sa main road para makarating sa bahay nila Tito Ian. In short, malayo kami sa mga tao. Puro mga nagtataasang puno't mga halaman ang makikita mo sa labas. May mga tao rin siyempre, kaso bihira. 

Inihanda ko na ulit 'yung sarili ko para sa isang nakakamatay at nakakainip na araw. Siyempre, buong araw, television, laptop at xbox lamanag ang kaharap ko. 'Yung cellphone ko naman eh walang load. Hindi ako pwedeng mag-load kasi alam niyo na, baka daw gamitin ko lang sa pagcontact kay Gray. Ang daming kaklase ko na nga ang nagtatanong kung bakit ako absent. Nakakatuwang isipin kasi concern sila sa akin. Gusto ko mang sabihin sa kanila pero hindi pwede. Hindi ko na sila idadamay pa sa magulong buhay ko ngayon. 

Kamusta na kaya sila? Ano na kayang ginagawa nila 'don? Hindi ko kasi talaga alam kung babalik pa ako doon. Knowing Mom, gagawin niya ang lahat para matupad ang gusto niya. Ang gawin akong normal. Bakit? Ano bang tingin niya sa akin? Abnormal? Dahil ba nagmahal lang ako ng kapwa ko lalaki? Minsan naiisip ko kung talagang nakatapos si Mommy. Siya 'tong may mataas na antas ng pag-aaral ang nakuha pero siya 'tong makitid ang utak 'pag dating sa mga bagay-bagay. Kailangan kaya darating 'yung oras na lubusang maiintindihan ng tao na hindi ganoon kadaling magmahal ng kapwa mo lalaki o babae? Bakit puro panghuhusga nalang palagi ang naririnig kapag nasangkot ka sa ganitong mga bagay? Bakit hindi naman nila itanong kung kamusta kami? Kung anong pakiramdam? Dahil sigurado ako, hindi nila magugustuhan. 

May narinig akong tunog ng sasakyan sa tapat ng bahay namin. Napakunot ako ng noo. Wala naman kasi akong ineexpect na bisita ngayon.  Nakamaong short lang ako at Semi Fitted na plain na Black Shirt. May pagtataka kong tinungo 'yung pinto at sinilip kung sino 'yun. Wala akong makita kaya napagpasyahan kong labasin na 'yun. 'Pag labas ko, nakakita ako ng isang pamilyar na kotse na naging dahilan para mapatigil ako ng saglit. 

" Hindi naman siguro. Hindi lang naman sila ang may sasakyang ganito ang kulay :3 Isa pa, pa'no naman niya malalaman kung nasaan ako? " nasa isip ko.

Brothers in disguise (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon