Thirty Eight

14.8K 305 23
                                    

 [ A/n: Ang daming nagcocomment kapag matagal ang update. Hmm.Pagpasensyahan na ang mga erros :) ]

* Gray * 

" Gusto ko sanang makausap ang mga magulang mo, kahit isa lang sa kanila Mr. Remulla. " wika sa akin ng Dean.

" Alam ko parang pang-Highschool thingy itong mga ganitong bagay, pero ganoon talaga. Gusto ko lang maintindihan kung bakit naging ganito ang records mo. Hindi ka naman dating ganito ayon sa instructor mo. Infact, mataas ang nakuha mong grades nitong preliminaries. Pero anong nangyari? Bakit bigla kang nakakuha ng failing grades? " dagdag pa niya.

Wala akong naisagot. Napatungo na lamang ako. Hindi ko naman pwedeng sabihin ang totoong dahilan na kaya ako hindi nakapagfocus nitong mga nakaraang linggo sa pag-aaral ay dahil sa paghahanda ko sa monthsary namin ni Reggo. Napakashallow naman noon. Pero 'yun talaga ang tunay dahilan. Dahil sa part time ko at sa pagtututo ko ng pagigitara, mejo nawlaan ako ng oras sa pag-aaral ko. Parati rin akong late gumawa ng assignments. May mga klase din akong hindi napapasukan. Expected ko ng bababa ako sa Midterms pero hindi ko naman alam na aabot doon sa puntong kailangan ni Dean na makausap 'yung mga magulang ko. 

Alam ko madidisappoint sila kapag nalaman nila ang tungkol dito. Sino ba namang hindi diba? Kung ganoon lang sanang kadali na sabihing mas inuna ko 'yung taong dahilan kung bakit ganito ako kainspired sa pag-aaral ngayon, baka noon ko pa sinabi. Kaso hindi eh. Hindi ko naman pinagsisisihan ang lahat. Wala akong regrets. Kahit ibalik ang oras, ganoon at ganoon pa rin naman ang gagawin ko. Sobrang saya niya kasi noon, at dahil doon, sobrang saya ko na din. Walang paglagyan ang mga ngiti ko noon. Pero ganoon talaga, once na may iprioritize ka, may magsusuffer, mayroon kang mapapabayaan. 'Di bale. Choice ko naman 'to. I'll just face it. Kasalanan ko naman eh. Babawi na lamang ako sa next term :)

" Maasahan ko ba ang cooperation ninyo, Mister Remulla? " mahinahong tanong sa akin ni Dean

" Yes, Ma'am. " maiksi kong tugon.

" Good. Sige, you may go. " 

Lumabas ako ng kanyang opisina at saka tinahak ang daan patungo sa parking lot. Habang ako'y naglalakad, nag-iisip na ako kung paanong approach ang sasabihin ko sa kanila. 'Yung tipong hindi sila magagalit. Pero mayroon bang ganoong paraan? Malamang magagalit 'yun. Malaman mo ba namang bumaba ang grades ng anak mo diba. Hay. Isa pa, si Reggo. Baka kung anu-anong isipin nun. Baka sisihin pa nun 'yung sarili niya. Aish. Anak ng tokwa naman oh :/ 

Brothers in disguise (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon