Forty Six

9.4K 255 21
                                    

A/N: Ayon. Siguro naman alam niyo na na malapit na malapit na talagang matapos ito. Kaya nga hindi ko na lalagyan ng mga kung anu-ano pang mga twist at mga pautot. Hindi naman sa minamadali ko 'yung story. It's just that, 'yun na lang talaga 'yun. Hanggang dun lang 'yun. Pero sa kasunod naman na book ay bawing bawi sa mga heartbreaking scenes at twist. Doon na lang ako babawi sa mga pagganyan ganyan. :) Pero as of now, walang spectacular na mangyayari sa ending nito. Just sayin' :D

* Reggo *

" So pa'no? Bukas ulit? "  tanong niya sa akin giving me her sweetest smile.

" Sure. Sunduin na lang kita sa inyo. " tugon ko at saka kami nagpaalamanan.

After a couple of months, walang nangyaring bago. Ganoon pa rin. Nagdecide si Mommy na sumunod na rin dito sa akin. Ewan ko kung bakit. Ako naman, mejo nagiging used na ako sa buhay dito sa America. Nakapag-adjust na ako sa schooling ko, sa social life ko at sa maraming bagay. Ang laking kaibahan talaga ng America sa Pilipinas. Pero kung ako ang papipiliin, parang mas hinahanap-hanap ko pa rin 'yung mejo conservative na kultura sa atin. Siguro kasi nasanay na ako doon.

Ah. 'Yung kausap ko? Si Caitlyn 'yun. Pilipina. Anak siya ng isang business partner nina Mommy. She's beautiful, hot, stunning, smart. Nasa kanya na lahat ng magugustuhan ng mga lalaki. Hindi nga malabong mahulog din ako sa kanya. Noong una, isa lang siya sa mga maraming babae na ipinapadate sa akin ni Mommy. Until one day, ayun, siya 'yung nakadate ko. Iba siya sa lahat ng mga nakadate ko. Kumpara sa iba, siya 'yung babaeng walang arte sa katawan. Wala. Kalog lang kung kalog. One of the boys. Kaya nagkapalagayan siguro kami ng loob. After one date, nasundan pa 'yun ng isa, ng isa pa, ng isa pa hanggang sa hindi ko na mabilang 'yung mga kasunod. Yes, we're hanging out. Pero hindi ko 'yun kinoconsider na date. Ang bilis naman para sabihing nagdedate kami.

" How's your date, anak? " bungad sa akin ni Mommy habang nag-iintindi ng mga papers na kinakailangan niyang isumbmit for tomorrow.

" Mom, hindi siya date. Let's say... ummm... hang-out? "

" Sus. Ganoon din 'yun, anak. Kayo talagang mga kabataan. " sabi niya at saka ako tumuloy sa kwarto ko at nahiga.

Brothers in disguise (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon