Thirty

16.1K 336 31
                                    

* Reggo *

Tila naging mabilis 'yung paglipas ng mga nakaraang araw sa pagitan naming dalawa. Talagang pinanindigan niya 'yung sinabi niya sa akin na ititigil na niya 'yung panggugulo niya sa akin. Noong una, akala ko 'yun 'yung gusto ko, dahil wala naman kasi parang naidulot na maganda siya sa akin simula ng maging sweet 'yung pakikitungo niya sa akin. Noong mga una, ikalawang araw... akala ko kaya kong panindigan 'yung naging desisyon ko. Pero hindi pala. 

Tuwing magtatama 'yung mga mata namin sa umaga, parang hindi ko makayanan 'yung mga titig niya. Kakaiba eh :3 Sa tuwing magkikita naman kami sa school, parang wala lang. Formal. Magkapatid. Batian. Ngitian. Ilang beses na rin akong gumawa ng ingay sa school dahil baka sakali ay ipagtanggol niya ulit ako, pero wala. Hindi siya dumating. May time din na nakikita ko siya sa likod ng school, kung saan kakaunting tao lamang ang nagagawi na kung sino sinong babae ang kasama at kaakbay. Ipinipikit ko na lamang 'yung mata ko sa tuwing nakikita ko ang mga ganoong eksena. Pero hindi ko kayang ipikit 'yung puso ko para hindi maramdaman na nasasaktan ako. Humihinga na lamang ako ng malalim at nagpapanggap na parang wala lang sa akin lahat. Kahit sa loob-loob ko, ang sakit-sakit na talaga.

Nandito ako ngayon sa bench sa gymnasium. Ako lang mag-isa. Wala kasi 'yung dalawa at may kailangan daw silang pag-usapang personal. Hindi ko maiwasang mapangiti kapag naaalala ko kung paano sila nagsimula. Hindi ko din maiwasang humanga doon sa tapang nila. Sana may tapang din ako na kagaya nung sa kanila. Tapang na handang isugal ang lahat para lang masabi sa isa't isa at mapadama kung gaano nila kakailangan ang isa't isa. Nandito ako upang mag-isip. At siyempre, para na rin makita ko siya. Ito lang naman 'yun lugar kung saan libre ko siyang natitingnan ng walang pressure. Siyempre, malayo ako at tago 'yung kinauupuan ko. Walang makakahalata at walang makakapagsabi kung tinitingnan ko siya o hindi. 

" Ehem. " isang boses ng lalaki ang nagpabalik sa akin sa kaing ulirat.

" Nixon, anjan ka pala. " ngiti lang naman ang tinugon niya sa akin. " Kamusta ka na? " 

" Ok lang. Busy. Ang dami kasing pinapagawa sa akin. " reklamo niya. 

" Huh? Madami kayong projects? " 

" Ah hindi 'yun. Ako kasi ang representative ng bayan namin para sa darating na Mister and Miss *** , eh ang daming kailangang ipasa. Tapos isabay mo pa 'yung gaain dito sa school. Hassle. Hindi ko nga alam kung bakit ako pa 'yung pinili nila eh. "

Brothers in disguise (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon