Final Chapter

13.2K 329 50
                                    

Yay! Sorry kung ngayon na lang ulit ako nakapag-update. Alam niyo naman diba? Nawalan kasi ng signal sa amin dahil may problema daw sa system nung host. Salamat sa pag-intindi :) Pagpasensyahan niyo na lang kung hindi niyo magugustuhan 'yung update ^-^ Pag-tiisan na lang. Haha. Sabaw.




* Reggo *







Nakakatuwa lang isipin na sa tinagal tagal ng panahon na nagkahiwalay kaming dalawa, sa huli, ito pa rin kaming dalawa, magkasamang nanunuod ng sunset at magkahawak ang kamay. Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na mangyayari pa sa amin ulit ito. Biruin mo, parang kahapon lang, parang buong mundo ayaw sa pagmamahalan namin tapos ngayon parang ang laya-laya na naming dalawa. Ang sarap pa lang magmahal lalo na kung malaya mong naeexpress sa partner mo kung gaano mo siya kamahal. 'Yung tipong parehas kayong walang pakialam sa sasabihin ng iba. Basta ba alam niyong palaging nanjan 'yung mga mahal niyo sa buhay sa likod niyo upang sumuporta. Maaring parang napakasimple, pero maniwala kayo, ito ang pinakamasarap na maranasan at maramdaman kapag nagmamahal ka. 'Yung kahit napakasimpleng bagay e nagagawa niyong maging espesyal. Ano pa kaya kung espesyal na? Edi napunit niya ang mga labi niyo sa sobrang tuwa? Wala lang random thoughts.




Hindi ko malilimutan noong oras na nagkita kami ulit. Hindi maipinta 'yung mukha niya. Gusto ko sanang tumawa kaso baka masira 'yung moment. Isa pa, sobrang na-overwhelmed ako sa naramdaman ko. Ganoon pala 'yun 'no? 'Yung tipong akala mo mahal mo na ang isang tao, 'yun pala mas mahal mo pa siya sa inaakala mo. Pwede pala 'yun.




* flashback *

" Isang Chippypie... with love. "hinintay ko 'yung reaksyon niya pero para siyang na-estatwa sa kinatatayuan niya. Ni ang gumalaw ay hindi niya nakuhang gawin. Gusto ko na sanang humagalpak ng malakas kaso ang dyahe naman.



" Ehem! " napaiktad 'yung katawan niya at dahan dahng tumingin sa akin.

Nang magkasalubong ulit ang mga mata namin matapos ang ilang buwan, nakita ko 'yung pananabik sa kanyang mga mata. Siyempre noong una, para siyang nakakita ng multo. Siguro kung ako siya, ganoon din naman ang magiging reaksyon ko. Sa tinagal-tagal na nawala ng mahal ko, daig ko pa ang nakakita ng multo pag nakita ko siya ulit.



" Re... Reggo? " nauutal niyang tanong.



" The one and only. " may accent kong sagot.

Ikinagulat ko 'yung kasunod niyang ginawa. Tinalon niya 'yung table na nagiging harang sa pagitan naming dalawa. Next thing I knew, nasa harap ko na pala siya. Nasa harap ko na ulit 'yung taong ang tagal ko ng gustong makita. Nakikita ko sa mga mata niya 'yung pagkamangha, pagkagulat. At the same time, pananabik at saya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nandito na ulit ako. Ako rin naman, hindi rin ako makapaniwala na dadating pa itong oras na ito. Inilagay niya 'yung kamay niya sa mukha ko at para bang sinisigurado kung totoo bang ako 'yung nasa harap niya o isa lang aparisyon.

Brothers in disguise (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon