Thirty Six

14K 352 35
                                    

  Maiksi lang itong chpater na 'to. Tatapusin ko lang 'yung sa Resort para makapagproceed na. Malapit na eh :3 Ang onte din ng comments. :( Nasasad ako. Hindi ako naiinspire eh :3

* Reggo *

Tama ang naging desisyon ng barkada na mag-stay pa kahit isang gabi dito sa resort. Tuwing Linggo kasi ay mayroon silang Teen's Night sa restobar nila at nagkakaroon ng mahaba-habang fireworks display. Wala namang naging espesyal na pangyayari niotng nakaraang oras, ganoon pa rin. 'Yun nga lang, talagang hindi maiiwasang hindi mapansin ng barkada 'yung namumuong tensyon sa pagitan nung apat. Simula kasi noong pinilit ni Karl si Trey na magstay ay inaya na siya ni Gray na sumama muna sa amin. Wala namang agam-agam na pumayag si Karl at siya 'yung laging kasama ni Trey. Bigla namang naging weird 'yung pakikisama ni Miko sa barkada. Alam kong pati si Sarah ay medyo hindi maintindihan ang mga naging pagbabago sa kinikilos ng mga tao sa paligid niya. Gustuhin ko mang ipaliwanag sa kanya kung bakit nagkakaganito, wala naman ako sa lugar para gawin 'yun.

Nandito kaming walo sa Restobar kung saan ginaganap 'yung Teen's night. Siyempre, typical na Restobar. May mga gay host at exclusive for teens lang talaga ang event na ito. Maraming mga kabataang lalaki at babae ang nagjajam at nagmimingle sa dance floor at sa kani-kanilang table. Kami? Wala lang. Kumuha lang kami ng table for eight and that's all. Solve na kami sa presence ng isa't isa. 

" Guise, CR lang ako saglit. " paalam sa amin ni Gray. Tinanguan ko lang naman siya at saka niya ako binigyan ng isang mabilis na halik sa pisngi. 

" Oy, sweet pare ah. " kantsaw ni Karl habang nakaakbay kay Trey.

" Malamang, magkarelasyon nga diba? " sarkastikong sagot ni Miko at saka ito nagroll-eyes. 

" Oo nga naman. Hahaha. " tugon naman ni Karl na halatang nagpigil na lamang sa inasal ni Miko.

Habang tumatagal, parang mas lalong sumisikip 'yung lugar para sa kanilang apat. I mean, si Trey palagi na lang tahimik. Alam kong hindi niya gusto 'yung mga nangyayari pero siguro'y wala lang talaga siyang lakas ng loob para pigilan ito. Si Karl palaging kinakausap si Trey na halata namang distracted. Si Sarah, wala siyang kaalam-alam sa nangyayari. Si Miko, the denial king, he's acting like we have no idea what's going on between them. Obvious naman na selos na selos na si Miko kay Karl, ang hindi ko maintindihan eh kung bakit hindi siya gumawa ng move para mapasakanya si Trey. Yea, I know hindi ganun kadali 'yun. Pero walang mangyayari kung puro selos lang ang papairalin niya at nganganga ka lang siya sa kanila. Gwapo si Karl, matipuno at matangkad. Hindi imposibleng hindi mahulog si Trey sa ganitong klase ng lalaki.

Brothers in disguise (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon