Twenty Five

21.1K 438 41
                                    

 NOTE: Don't have time to check the grammatical and typo errors. Sorry. Rated R na din siya kaya please follow para mabasa niyo ng buo ang story. Show your support by casting your votes and putting some comments below. Thanks :* Happy Easter in advance :)

Gray and Reggo, all lovey dovey at the media section.

* Reggo * 

Lunes na naman at kailangan na naman naming pumasok. Hindi ko maiwasang hindi malungkot hindi dahil may pasok na naman o kaya ay dahil isang linggo na naman kaming magkakaharap ng mga assignments, projects, quizzes at ng Math kung hindi dahil alam kong mamimiss ko ang lahat ng nangyari doon sa bahay nina Lola kahit pa saglit lang kami doon. Mamimiss ko si Lola siyempre, ang tagal ko na ring hindi siya nakita. As usual, bagets pa rin. Pero mabait. Maimiss ko rin 'yung mga tao dun sa bahay niya, bukod sa mababait na, e masasaya pa kasama. 'Yung ambiance sa lugar, 'yung parang walang pressure? 'Yung magaan lang lahat. Siyempre, 'yung sa amin ni Gray. 

Ilang araw lamang ang itinagal ko doon kasama siya pero parang ayoko ng matapos. Parang gusto kong ipause lahat. Gusto kong patigilin 'yung oras dahil alam kong darating din 'yung oras na babalik kami dito sa siyudad at matatapos din lahat ng iyon. Alam niyo naman diba 'yung tinutukoy ko? Ni minsan hindi nasagi sa isip ko na makikinig ko ang mga salitang 'yon mula sa bibig niya. Oo, nabigla ako. Nandyan 'yung mga katanungan na pumapatol pala siya sa kapwa niya lalaki? O kaya nantitrip lang ba siya? Pero hindi eh. Ramdam kasi nung puso ko. Lalo na nung gabing 'yun...

* flashback...

Matapos ang pakikipag-usap namin sa aming mga magulang, napagpasyahan naming matulog na. Hindi rin naman kasi biro 'yung pagod na idinulot sa amin ng araw na ito ngayon. Simula sa paglalakad-lakad sa bayan hanggang sa pakikipagbonding sa mga tao dito. At hindi lang naman katawan ko 'yung pagod, pati isip ko pagod na pagod na din sa kakaisip kung anong magiging reaksyon ko. Kung maniniwala ba ako. :3 

Pumasok kami sa kwarto ng walang imik. Nauuna ako sa kanya. Nadinig ko 'yung paglapat ng pinto at tunog ng pagkandado niya. Napalunok naman ako bigla -_- Ano ba 'tong iniisip ko. Napailing na lamang ako sa tumatakbo sa isip ko ngayon. Inilapat ko 'yung katawan ko sa kama at tumitig sa kisame. Naguguluhan pa rin ako. Mali, gulong gulo pa rin ako. Ang sarap palang hinalikan ka ng taong mahal mo ano? Ang sarap sa pakiramdam. Parang gustong kumawala ng puso ko kanina. Hindi ko na nga napigilan pa 'yung sarili ko kanina kaya ninakawan ko siya ng isang halik. Ewan ko... parang naadik na nga ako eh. Everytime na makikita ko 'yung mapula niyang labi, naalala ko kung paano niya ako halikan, kung paano siya humalik. 'Yung malalambot niyang labi. 'Yung sweet niyang halik. Lahat. 

Brothers in disguise (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon