Thirty One

18.1K 401 23
                                    

NOTE: Napagdesisyunan ko na. Paghihiwalayin ko :) Dahil na rin sa mga suggestions niyo. So 'yung timeline ng story, 'yung book 1 ay sa loob lamang ng first sem. 'Yung book 2 eh 'di sa next sem. 'Yung pageant na lalabanan ni Nixon eh by November pa so sa book two pa 'yun. Nasa second week pa lang ng September ang timeline ng story sa wala sanang malito. Sabihin niyo na lamang kung may mga loopholes ha? Para maayos natin.  Naexplain ko na :) Wala ng ulitan. Haha. 

* Reggo *

Bigla akong naalimpungatan ng maramdaman ko ang liwanag na nagmumula sa labas. Nang pakiramdaman ko ang aking sarili, halos mabiyak 'yung ulo ko sa sakit at tila tumataas 'yung sikmura ko. Minabuti ko munang hindi imulat 'yung mga mata ko dahil sa palagay ko ay ito 'yung sinasabi nilang hang-over. Oo nga pala, nag-aya nga pala akong magpakalasing sa bar kagabi. Mabuti na lamang at walang pasok kinabukasan kaya wala akong dapat alalahanin. Napaisip na lang ako kung sino ang nagbayad ng mga ininom namin kagabi. Wala kasi akong matandaan na nagbayad ako. Wala din akong matandaan na... Teka!

' '.   lingon sa kaliwa

.' '   lingon sa kanan

'.'    lingon sa harap

0_0

Pa...paanong nakauwi ako? Paanong nandito ako ngayon sa kwarto ko? Napabalikwas naman ako ng maramdaman kong may nadaganan yata ako na naging sanhi ng pag-ungol nito. 

" Aray. Ano ba. Natutulog 'yung tao eh. Dahan-dahan naman. " biglang bumilis 'yung puso ko sa nakita ko.

Nakita ko si Gray na katabi ko habang nakaboxer shorts at nakatopless. I mean, hindi naman isyu 'yun pero hindi ko lang maintindihan kung bakit this time around, eh sobra pa sa sobra ang pagkakaba ko ngayong magkatabi kami sa iisang kama. Halos lumabas na yata 'yung puso ko sa kaba. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Pero sigurado akong kilig 'yung nangingibabaw. Hindi ko rin magets kasi dati naman sa iisang kama lang kami natutulog pero hindi ganito kabig deal sa akin. Siguro ganoon nga talaga kapag may feelings ka sa isang tao. Lahat ng ginagawa niya, may meaning para sa'yo. Nakalimutan ka palang sabihin, ang sexy ng boses niya nung nagsalita siya ♥_♥ 

Brothers in disguise (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon