Thirty Two

17K 369 30
                                    

NOTE: Happy Mother's Day sa mga nanay niyo :* Vote and Comment please :)) 

* Reggo *

Bilang pareho kaming nag-aadjust sa bagong mukha ng pag-ibig na aming pinasukan, napagkasunduan namin na ilihim na lang muna kung ano ang namamagitan sa aming dalawa. Kung anong totoong mayroon sa amin. Dahil hindi naman tanggap sa atin ang ganitong uri ng relasyon at ayaw din namin ng complications. Alam naming napakakitid ng dahilang iyon, dahil anu't ano man ang mangyari ay malalaman at malalaman din ng mga taong nakapaligid sa amin kung ano nga ba talaga kami ni Gray, pero ito na 'yung talagang naging desisyon namin. Isa pa, ang mahalaga naman talaga ay alam namin sa isa't isa ang lugar namin sa puso ng bawat isa at alam namin kung ano talaga ang nararamdaman namin. Sapat na iyon. Dahil ang relasyon namin ay binubuo ng ako at siya lang. Walang kasaling audience. 

Naging normal naman ang halos unang tatlong araw bilang kami. Bilang magkatipan. Lol. Old fashioned. Pero 'yun kasi 'yung term na babagay sa amin. Alangan namang mag-Bf-Gf. Sinong babae? Ako? >//< 

Alam ko naman na ako ang bottom sa relasyong ito. Napakaobvious naman. Pero hindi lang talaga ako sanay na ako 'yung nililibre, ako 'yung pinagsisilbihan, ako 'yung nireregaluhan at ako 'yung sinusuyo. Siyempre, naging mabuting boyfriend din naman ako kay Jia before at ginawa kong lahat 'yun sa kanya. Hindi pa lang siguro tuluyang sumink in at maregister ng utak ko na boyfriend na ang mayroon ako ngayon, ibang iba sa nakasanayan ko noon. 

Kasalukuyan ngayon akong naghihintay doon sa boyfriend kong pagkatagal-tagal. Ang alam ko, almost 30minutes na siyang out pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Nandito ako sa loob ng kotse namin habang inip na inip ng naghihintay. Hindi na nga pala kami ngayon nagpapahatid sa driver bilang nakakuha na kami ni Gray ng student's license to drive. Nagsimula ito noong maging kami. Gusto daw kasi akong masolo ni Gray kahit tuwing biyahe lang. Basta may oras daw sa isang araw na kami lang dalawa at 'yun nga, 'yung pagdadrive ng kotse with me ang tinutukoy niya. Hindi ko talaga maiwasang mapangiti kapag naaalala ko lahat ng pinaggagawa namin. Ang cute lang :)) 

Maya-maya ay nakita ko si Gray na may kasamang dalawang babae at masayang nakikipagkwentuhan. Halos umabot na yata sa batok 'yung pagtawa ng isang haliparot don. Halata namang type nila si Gray kaya hindi ko maiwasang mag-init ng dugo. Si Gray naman, alam kong nakita na niya akong nakatitig sa kanya ng masama ay parang wala pa rin -_- Haist. Kung 'di ko lang 'to mahal eh. 'Di nagtagal ay umalis na 'yung dalawang babae at pumasok na si Gray sa loob ng kotse. Pinagsiksikan ko 'yung sarili ko doon sa unahan, katabi ng driver. Pero sinigurado kong malayo ang agwat namin sa isa't isa. Kinuha ko na rin 'yung earphones ko at handa ng isuksok ito sa tenga ko ng maramdaman ko ang mga kamay niyang pinigilan at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. 

Brothers in disguise (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon