Forty Seven

9.2K 276 26
                                    

A/n: Hanggang Chapter 50 lang ito. 3 more chapters :*

* Gray *

" Thank you Ma'am. Come again. " masigla kong bati sa customer namin.

Mabilis dumaan ang mga araw. Nakalimutan kong sabihin sa inyo na sembreak na nga pala namin. Nawaglit kasi sa isip ko. Isa pa, wala ako sa sarili ko nitong mga nakaraang buwan kaya kahit finals na eh ni hindi man lamang ako napressure. Masyadong umikot 'yung mundo ko sa mga pangyayari.

Ito nga pala 'yung sinasabi kong pagbabagong mangyayari sa buhay ko. Napagod na kasi akong magmukmok at umiyak sa bahay. Napagod na rin akong magdrama. Parang bigla kong namiss 'yung masiglang ako. Parang naramdaman ko rin na gusto kong bumukod at maging independent kaya noong mismong araw na nagdecide akong tapusin na lahat ng kadramahan ko ay tinawagan ko 'yung pinsan kong manager ng isang branch ng isang convenient store dito sa amin. Humingi ako sa kanya ng pabor na kung pwede ay ipasok niya ako doon sa tindahan nila, kahit part time lang. Tinanggap naman ako. Kumuha na rin ako ng tirahan ko. May kalayuan din kasi 'yung bahay namin sa pinagtatrabahuhan ko.

Anong naisip ko? Hindi ko alam. Siguro gusto ko lang malibang. Nakakapagod ding umasa't dumepende sa mga taong nakapaligid sa'yo. Isa pa, gusto ko pagdating at pagnakita ako ni Reggo, gusto ko matuwa siya kasi kaya ko ng mag-isa. KASI HINDI NA AKO 'YUNG DATING PAPOGI POINTS LANG ANG ALAM SA BUHAY. Hindi na ako 'yung palaging humihingi sa Daddy ko. Paimpresss kung baga. Oo, nakakapagod 'yung love story namin. Oo nakakapgod siyang mahalin pero 'wag siyang mag-alala wala naman akong balak magpahinga. Siguro, kaya ginawa ko na rin 'to ay bilang paghahanda na kung sakali man ay siya na nga, atleast alam ko na kung paano. Diba?

" Oh, ano? Kaya mo pa ba? " tanong sa akin ni Ate Clarene.

" Oo naman, ate. Ako pa ba? Ako pa ba ang susuko? " pagyayabang ko dito.

" Hmp. Mayabang ka pa rin -_- Teka, ano nga pa lang naisipan mo at nagtrabaho ka? Himala yata. Dati rati, mas gugustuhin mong ibaon 'yung sarili mo doon sa kama mo at magpakabagot tuwing bakasyon ah. Anyare pala? "

Brothers in disguise (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon