Chapter Eleven
Matapos ang urine test, at marami pang pagsusuri, nalaman din kung sinu sino ang mga gumagamit ng ipinagbabawal na halamang gamot. Ilang araw na lang din at malapit na ang mass demo ng fourth year. “Sino nga pala partner mo sa sayaw, Pola?” tanong ni Ralph kay Pola. “Si Andrew,” sagot nito. “Wow! Si Andrew? Yung escort ng section nyo?” tanong ulit ni Ralph, “Oo, sya nga.”
Si Andrew S. Villaflor ay isa sa mga pinag uusapan din na lalaki sa school nila, kumbaga sa Top Ten na mga gwapo, kasama ito, pero sya pa rin naman ang nangunguna. Mayaman ito at matangkad din naman, tahimik lang, at mukhang maginoo, hindi ito makikita sa gymnasium dahil hindi ito mahilig sa sports. Madalas itong makikita sa library, at nangunguna naman ito sa Top Ten over-all pagdating sa academics. Matagal na ring balita na may gusto ito kay Pola, kaya naman ngayong nalaman nya ay naiinis sya.
“Lindon, bakit tahimik ka?” tanong ni Pola. “Wala lang,” tipid na sagot nya. Oras na para bumalik sa classroom, pumunta na si Pola sa classroom nito, pagdating nya naman sa kwarto nila, wala ang adviser nila, kaya lumabas muna sya. Sumilip sya sa classroom nila Pola, para makita itong magpraktis, pero pagsilip nya, nakita nyang by partners nagpapraktis ang klase nito at nakita nya si Pola at Andrew. “Bakit kailangan sila magkapartner? Nang aasar ba talaga ‘tong mga ‘to? Tsaka bakit parang dikit na dikit si Andrew kay Pola?” naiinis nyang tanong sa sarili, dahil nakita nyang malapit ang katawan nito sa isa’t isa. “Pare, ano na namang tinitingnan mo dyan? At bakit nakakuyom yang kamay mo? Galit ka ba?” sunod sunod na tanong ni Ralph, sumilip din ito sa pintuan at nakita si Pola at Andrew. “Kaya naman pala, nagseselos si Lindon Ortega Vilerio,” sabi ni Ralph. “Tara na, Pare, andyan na si sir,” aya nya dito. “Ako? Magseselos? Bakit naman, para lang yon sa mga taong walang tiwala sa partner nila,” sabi nya sa sarili.
Habang nagpapraktis sumayaw. “Pare, alam mo na ba?”, “Yung?” tanong nya. “Hindi na gagraduate yung mga positive sa urine test,” sagot naman ni Ralph, “Kawawa naman si Cael, sayang talaga sya,” dagdag pa nito. Pinalabas ulit sila ng kwarto para maglinis ang iba nilang classmate, kaya naman nagpunta ulit sya sa tapat ng classroom nila Pola. Nakita nyang magkaharap si Pola at Brittany, narinig nya ang sinasabi ni Brittany, dahil sadyang malakas na ang boses nito. “Hoy, Pola! Ayusin mo naman yung sayaw mo, bakit ba di mo agad makabisado yung tinuturo ko?” bulyaw ni Brittany, nakita nyang nagpraktis ulit ang mga ito. Napansin nya namang ok yung sayaw ni Pola, di hamak sa mga kasama nito, pero nilapitan ulit ito ni Brittany. Lumapit na sya sa mga ito. “Brittany, pinag iinitan mo ba si Pola?” tanong nya, “Hindi, bakit?” taas kilay nitong tanong, “Pinapanood ko kayo dito sa labas, ok naman yung sayaw ni Pola huh. Mayroon pa ngang iba dyan na hindi sumasayaw at mas hindi kabisado yung steps kaysa kay Pola, pero sya lang pinapansin mo?” sita nya dito. “Ganoon? Kung gusto mo, ikaw na lang magturo ng sayaw dyan sa girlfriend mo, kung ayaw mong napapansin ko yan,” sagot nito. “Ok, ok tama na yan,” sita ng music teacher nila, “Brittany, magturo ka na lang dyan, wala akong sinabing magsita ka ng magsita, kung ayaw sumayaw eh di wag. Sabi ko kanina tatawagin ko naman yung di ko nakikitang sumasayaw eh, nakalista na sila sa papel ko,” dagdag pa nito
Dumating ang araw ng mass demo nila, nandoon ang Ate Shaniya nya, kasama nito ang Kuya Genesis ni Pola at ang pinsan nitong si Stephen. Bago pa lang sila sumayaw sandamakmak na picture taking na agad ang ginawa ng ate nya at ni Stephen. Palaging nakakapit si Stephen kay Ralph, dahil future boyfriend nya daw ito, natatawa na lang si Ralph. “Uy, guys! Kayo na next, punta na kayo sa likod ng gym,” sabi ng ate nya.
Habang sumasayaw, wala syang ginawa kundi panoorin si Pola, lalo na nang dumating ang oras na by partners na ang sayaw. Napatingin sya kay Ralph, natawa sya, dahil nakasimangot ito, todo bigay kasi si Brittany, at alam nya namang naiinis si Ralph dito. Kaya naman sigaw ng sigaw si Stephen “Baby! Smile naman dyan!” kaya naman lalo syang napangiti. Matapos ang first performance, second performance naman ay para makapagpicture taking ng malapitan ang mga parents at guardians ng mga students. Nagtabi tabi sila nila Ralph, at Pola, sumama din si Stephen, “Say cheese!” yun lang at tapos na ang mass demo nila. Nag aya kumain si Genesis, sagot daw nito lahat. Kasama nila sina Stephen at Ralph, habang nasa restaurant, “Pinsan, bakit grabe naman makatingin yung babae sa kabilang table? Parang papatay?” narinig nyang tanong ni Stephen kay Pola. Pagtingin nya sa kabilang table, nakita nya si Brittany kasama ang mga kaibigan nito. Narinig din pala ni Ralph ang tanong ni Stephen, “Ay! Hater yan ni Pola, may gusto kasi yan kay Lindon eh. Nung nagpapraktis nga sila, pinag iinitan nun si Pola,” sabi ni Ralph. Buti na lang wala ang Ate Shaniya nya at si Genesis, dahil baka magalit ito. “Aba!! Napakamaldita pala nung babaeng yun, make-up na tinibuan ng mukha! Humanda yun saken!” sabi naman nni Stephen.
“Ano naman gagawin mo pinsan?” tanong ni Pola habang kumakain. “Aba, abangan mo pinsan, hindi ako papayag na inaapi ka nyang panget na yan, antay ka lang ha,” sagot naman ni Stephen. Maya maya’y tumayo si Stephen sa kinauupuan nito, wala na kasi silang gravy. Habang hinihintay nila ito bumalik, may nagtilian na babae sa likod nila, pagtingin nya si Stephen, “Ay! Ano ba yan! Mainit! Ano ba yan!” sigaw ni Brittany, “Ay, Sorry Miss, napatid kasi ako dito sa bangkuan, sorry!” pagsabi ay pumunta na si Stephen sakanila na nakangiti. “Okay yun ha!” sabi ni Ralph, sabay high five kay Stephen. Sinadya pala talaga nitong tapunan si Brittany ng gravy, mainit pa naman dahil galing pa sa counter. Nagtataka naman ang ate nya at ang boyfriend nito kung bakit masaya pa sila sa nangyari. “Kayo ha, sinadya nyo yun no?” tanong ng ate nya, nagkibit balikat lang silang apat.

BINABASA MO ANG
Beauty and The Pig (Tagalog)
Teen FictionSabi nga nila, kung kayo talaga ang para sa isa’t isa kayo pa rin sa huli, kahit laos na kasabihan totoo naman, at ang pagseselos ay hindi palaging nangangahulugan ng kakulangan ng tiwala, minsan mahal ka lang talaga ng isang tao kaya nagagawa nyan...