Beauty and The Pig (C-17)

30K 141 14
                                    

Chapter Seventeen

(end of flash back)

“Grabe naman lolo, hindi nyo po sinabi ulit sakanya na mahal nyo sya? Hindi nyo po pinarinig sakanya? Eh di ang hirap po nun,” sabi sakanya ng dalaga, “Oo ngapo, Lolo, sinayang nyo po yung chance na yun,” dagdag ng binata. “Wag kayo mag alala, hindi pa naman yun yung huli naming pagkikita,” sagot nya sa mga ito, “Talaga po, Lolo? Nagkita ulit kayo? Eh yung Ate nyo po at yung Kuya ni Pola, ano pong nangyari sakanila?” tanong ulit ng binata, “Naghiwalay din sila, bago kami ikasal ni Pola.”

“Pooo! Lolo kinasal po kayo ni Pola?” tanong ng dalaga, “muntik na, sana..” maluha luha nyang sagot, “Bakit ano po bang nangyari?”

(Flashback: 40years before present time)

Eight years after highschool graduation, isa ng coach ng college varsity players si Lindon. Matagal na ring patay ang mommy ni Lindon, four years na itong patay. Nung araw na yun, sinabi ng Ate Shaniya nya na pupunta nag boyfreind nito sa bahay nila kaya naman nagmamadali syang umuwi daihl nagbabakasali syang kasama ni Genesis si Pola. At hindi naman sya nabigo, nasa bahay nga nila si Pola. Ang tinaguriang miss PIG ng school nila noong highschool, dalagang dalaga na ngayon, hindi na ito mataba di tulad dati na may baby fats pa ito, pinaiklian din nito ang buhok nitong dating hanggang baywang na ngayon ay bahagyang lumagpas lang ng balikat nito, nagmature na rin ang mukha nito at gumanda na rin ang pananamit, natuto rin itong mag ayos ng mukha tulad ng lipstick at blush on, wala silang koneksyon kahit sa facebook at sa cellphone, dahil lahat yata binago na nito, isa lang naman ang hindi nagbago.. mas matangkad pa rin sya dito.

“Oh, Lindon, bakit di ka pa pumasok, kumain ka na,” sita sakanya ng Ate Shaniya nya, pero hindi sya sa hapag dumiretso kundi sa tabi ni Pola, “Miss PIG, kumusta ka na?” pang aasar nya dito, “Miss PIG? Talaga lang Lindon ha? Kaya pala kanina ka pa nakatitig kay Pola sa pintuan kanina?” sabi ng Ate nya, natawa lang sya, “Sige, kain muna ko..”

(End of flashback)

“Naging kami ulit ni Pola, isang Public Accountant, pero bago kami ikasal ni Pola, nalaman namin na hindi pala talaga namatay ang Daddy namin ni Ate, kundi sumama sa ibang pamilya,” sabi nya sa dalawang bata, “Oh, ano pong koneksyon nun sa inyo ni Pola?” tanong ng binata,siniko ito ng dalaga, “Makinig ka na lang kasi, nauudlot yung kwento ni Lolo sayo eh.”

“Bago kami ikasal ni Pola, nalaman ni Ate Shaniya na iisa ang Daddy namin at nila Pola, pero Stepfather lang nila si Daddy, kaya naman nakipaghiwalay si Ate kay Genesis, at sinabi nyang hindi sya papayag na magkatuluyan kami ni Pola, kaya naman natakot si Genesis na baka saktan lang ni Ate si Pola, si Ate Shaniya lang naman ang hindi makatanggap ng totoo tungkol sa tatay namin apat, kaya naman kinausap ako ni Genesis na kung pwede sanang huwag nh ituloy ang kasal, pero hindi kami pumayag ni Pola, kaya naman.....”

(Wedding Day)

Nasa simabahan na si Lindon at hinihintay si Genesis at si Pola, dahil magkasama si ang dalawa sa wedding car. Ang Ate Shaniya nya wala na daw balak pang dumalo dahil baka ito pa ang sumira ng kasal nila, dahil talaga namang nagwawala ito kapag nakikita si Pola at Genesis. Kinse minuto na ang nakakalipas, nagrereklamo na ang katekista dahil hindi pa rin dumadating sila Pola, nang dumating si Ralph at namumutla, “Pre, sila Pola....”

May dalawang wedding car ang nagsalpukan, isa dito ang wedding car nila ni Pola, at isa sinabing sakay ang Ate Shaniya nya, na siguradong nagplano ng aksidente, napaupo na lang sya sa isa sa mga upuan ng simbahan, isang lalaki daw sa tabi ng driver ang natirang buhay.. ang ibig sabihin wala si Pola... kasama sya sa namatay.  “Pola, isang beses lang ako naging talkshit sayo, bakit kailangan ba pagbayaron ko yun ng buong buhay ko?”

Nailibing na ang labi ng Ate Shaniya nya, ganun din naman ang kay Pola, ang kuya naman nito ay umalis ng Pilipinas kasama ang daddy nila at ang mommy nila Pola, si Ralph namanat Darlyn at nagpakasal at tsaka bumuo ng pamilya sa ibang bansa kasama ang mommy ni Ralph. Samantalang sya naman, naiwan sa Pilipinas na wala nang kamag anak, iniwan nya na ang trabaho nya, dahil para sakanya wala na rin namang saysay ang buhay nya dahil wala na si Pola. Hanggang sa may kumupkop sakanya at yun nga ang Home for the Aged na tinutuluyan nya ngayon.


Beauty and The Pig (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon