Beauty and The Pig (C-15)

31K 148 8
                                    

Chapter Fifteen

Awarding and  giving of Titles, nanalo ang section nila Pola as champion,  1st naman sila. Tinawag na sa harapan ang mga nominees bilang King and Queen of the Night. Syempre kasama sya dun, wearing white coat, black longsleeves, and white tie, at ang sarili nya. Kasama din si Ralph, na nakapink na coat at white longsleeves, maging si Andrew na naka-brown coat at yellow longsleeves, si Cael na nakasama pa sa Prom dahil sa pakikiusap nito sa principal ay nominated din, nakasuot ito ng red coat at white longsleeves. Sa mga babae naman, nominated si Brittany, Dawn, Darlyn, at Pola, pero hindi naman pwede si Darlyn dahil hindi naman ito student ng school nila, kaya naman tatlo na lang ang nominated para sa Queen of the Night. Para manalo, may tatlong criteria, ang unang criteria ang pagrampa, lahat sila rumampa, at medyo nahihiya rumampa si Andrew, sya naman balewala na dahil sanay na sya. Si Pola din ay halatang naiilang dahil first time nito na ma-nominate, next naman ay ang pagsayaw, mukhang matatalo si Pola, dahil ayaw na ayaw nitong sumasayaw, pero bago pa man ito sumayaw, sinabihan nya na ang DJ upang magpatugtog ng sweet music para sa kanilang dalawa ni Pola, kaya naman ng tawagin ang pangalan nito, hinila nya ito sa gitna ng dance floor at sinayaw ito, “Lindon, ano ‘tong kalokohan mo?” tanong nito sakanya, “Pola, alam kong hindi ka sasayaw dahil ayaw mo, kaya nga sinamahan kita, para hindi ka mahiya sakanila,” yun lang at ngumiti ito. Kinilig naman ang mga tao sa paligid sa ginawa nila, narinig nyaitong naghiyawan

 Ang last criteria ay audience impact, at ang pinakahihintay na giving of Title, “Our King of the Night of this year, again, Mister Lindon Vilerio!”  nagpalakpakan ang mga tao, “I love you, papa Lindon!” sigaw pa ng isang bakla. “Silence! And our Queen of the Night is...” tahimik lang ang lahat at halatang gusto na malaman kung sino ang magiging partner nya sa gabinhg iyon, si Brittany naman ay confident na sya ang mananalo kaya naman kumakaway na ito na para bang miss universe, samantalang tahimik naman si Pola. “Our Queen of the Night is Miss Pola Gregorio!” nagpalakpakan ang mga tao, naghiyawan at nagtatalon naman ang mga classmates nito, tuwang tuwa naman si Pola, samantalang hindi makapaniwala si Brittany.

Bago pa man maipatong sa ulo ni Pola ang korona ay, lumapit sakanya si Brittany, at walang sabi sabi, hinalikan sya nito sa labi, agad namang natahimik ang lahat. “Pola?” sabi nya sa sarili agd nyang itinulak si Brittany palayo, nakatingin sakanila ang mga tao, nakita nyang nagflash pa ang mga kamera ng mga ito, agad nyang pinunasan ang labi nya na may red lipstick pa na nanggaling sa bibig ni Brittany.

Hinanap ng mga mata nya si Pola, pero hindi nya na ito nakita. Napatingin sya kay Ralph, napailing lang ito sakanya, ganun din si Darlyn, “Pare, Darlyn, alam nyo namang hindi ko gusto yung nangyari,” sabi nya sa mga ito, pero hindi na ito nagsalita pa, wala na syang nagawa. Lumabas sya ng hall, pero wala na si Pola, maging sa lobby ay hindi makikita ang anino nito. Akala nya pa naman ay magiging masaya ang first at last time na kasama nya si Pola sa JS Prom nila, ayun pala, yun na ang pinaka-worst night ng buhay nya. Kung bakit ba kasi ganun si Brittany, curse his handsomeness, kung hindi sana sya naging crush ng campus nila, hindi sila magkakaganto ni Pola. At bakit ganun ang reaksyon nila Ralph at Darlyn? Iniisip ba ng mga ito na ginusto nya yung nangyari?

Lumabas na sya ng hotel, nakita nyang andun na din ang Ate Shaniya nya, “Bakit? Anong oras na ba?” pagtingin nya sa relos nya 11:59, tumingin ulit sya sa Ate nya, halatang hindi ito masaya at hindi na rin nito kasama ang Kuya ni Pola. “Tara na Lindon, uwi na tayo,” malamig na sabi nito sakanya, hindi na sya kumibo, tahimik lang sya na sumunod sa Ate nya. Ito na rin ang nagmaneho ng sasakyan nila, hindi na sya nagtanong pa ng kahit ano mang bagay na konektado kay Pola, malamang umuwi ito kasama ang Kuya nito at nagtaxi na lang. Pagdating sa bahay ay hindi na siya kinibo pa ng Ate nya, agad na itong umakyat sa kwarto at hindi na nag abalang magtanong pa kung nagugutom ba sya. Hindi sya makatulog, kaya naman kumain muna sya ng cup noodles, nagkape at nagcomputer. Hindi pa man lumilipas ang isang araw, kumalat na sa facebook ang picture nila ni Brittany, kaya namang napagpasyahan nya na kausapin ang principal nila tungkol dito bukas.

Kinabukasan kahit walang klase ay nagpunta sya sa school nila para kausapin ang principal. “Ma’am, hindi ko po talaga gusto yung nangyari, at kumakalat na po yung picture sa facebook, please po ma’am tulungan nyo ko,” pakikiusap nya dito, “Alam ko hijo, wag ka mag alala, sasabihin ko sa lahat ng Juniors and Seniors natin na kick-out ang lahat ng may kopya ng kahit ano man tungkol sa nangyari sa inyo, at sana mag kaayos kayo ni Pola,” sabi nito sakanya, buti na lang at mabait ito kaya naman nabawasan na ang tinik sa lalamunan nya. Pero alam nyang kahit na mabura at tanggalin lahat ng bagay na konektado sa nangyari kagabi, pag uusapan pa rin yun ng mga estudyante, at nasaktan pa rin si Pola.

Pagdating sa bahay, hindi pa rin sya kinakausap ng Ate Shaniya nya, nagluluto lang ito pero hindi sya nito tinatawag para kumain, umalis ito ng bahay pagtapos maglinis, at naiwan ulit syang mag isa. Si Ralph naman ay hindi sya nagawang kumustahin man lang, siguro dahil nabigla din ito sa nangyari. Si Pola ay hindi rin nagrereply sa mga text nya, sinubukan nya itong tawagan pero nakapatay naman ang phone nito. Nahihiya syang magpunta sa bahay nito, hindi nya alam kung pano haharapin ang Kuya Genesis nito. Basta ang gusto nya lang sa ngayon, wag mangyari ang kinakatakutan nya, ang iwan sya nito.

Dalawang araw matapos ang malagim na gabing iyon, kinabukasan ay Lunes may klase na ulit sila. Umaasa syang papansinin sya ni Pola kahit alam nyang maliit lang ang porsyento na pansinin sya ni nito. Samantalang tumawag naman sakanya si Ralph kaninang umaga, sinabi nito na kung pwede ba silang magsimbang dalawa, bumalik na yata ulit si Darlyn sa ibang bansa. Pumayag naman sya magsimba kasama ang bestfriend nya, dahil hindi nya naman makakasama si Pola.

Beauty and The Pig (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon