Chapter Thirteen
Break time nila, “Lindon, kumain ka na ba?” umiling lang sya. “Ah, sige. Kakain na ko sasabay ka ba?” tanong ni Pola, “Sige, mamaya na lang wala pa ko gana,” sagot nya, pagsagot nya’y umalis na ito sa harapan nya. Hindi nya akalain na ganoon ang sasabihin nito sakanya, masyado ba itong sensitive? Kaya naman nawalan talaga syang gana. Dumating na itong may dalang pagkain, “Uy, ano? Di ka ba talaga kakain?” umiling lang ulit sya, “Sige, bahala ka.” Umalis na ito sa harapan nya, kung bakit naman kasi nalimutan nya na pupunta pala sya sa bahay nito. Naalala nyang malapit na pala ang JS Prom nila, aayain nya sana ito, pero kailangan magkaayos muna sila. Bumili na sya ng pagkain nya dahil nagugutom na rin naman sya. Pagtapos ay pumunta na sya kay Pola.
“Oh, kumain ka na ba?” tanong nito sakanya, “Opo,” maamo nyang sagot. “Ano nga pala sayaw nyo sa JS prom?” tanong nya, “Hmmm, ewan ko? Bahala na sila,” sagot nito, “Ah, siguro naman, hindi pa ko nauunahan ng iba?” tanong nya, “Na ano?”, “Na ayain ka bilang Prom Date?” tanong nya dito. “So, will you be my date, Pola?” tanong nya, tumango ito. “Thank you, Pola. Sorry ulit ha,” sabi nya dito. Sabay silang umakyat sa classroom, “Hi, Lindon. Will you be my Prom Date?” tanong ni Brittany, “Sorry, pero para kay Pola lang ako eh,” sagot nya, pagtapos nya yun sabihin ay nakabusangot na ulit ang mukha ni Brittany, “Tara na, Pola.”
“Ralph, samahan mo naman umuwi mamaya si, Pola. May bibilhin kasi ako sa mall mamaya eh,” sabi nya kay Ralph. “Oh sige,” sagot nito, “Oy, pare, walang talo talo ha,” natawa ito, “Oo naman, pare. May darlyn na ko, pare,” sagot nito, “Naniinigurado lang.” Tulad nga ng sinabi nya kay Pola at Ralph, nagpunta sya sa mall, para bumili ng wax, at para na rin maghanap ng susuotin sa JS Prom nila, hindi naman sya excited, gusto nya lang maghanda dahil yun yung first and last prom na ang date nya ay si Pola. Habang naglalakad sa mall, “Lindon!” tawag sakanya ng isang babae, pamilyar ang boses atkung hindi sya nagkakamali, “Ma Kelly, kumusta ka na?” tanong nya sa babae, “Ok lang naman, ikaw baby?” tanong nito,”Ok lang din naman po, ma.”
Si Kelly, ang nag alaga sakanya sa school nila since 1st year until 3rd year, hindi na ito nag aaral ngayon sa school nila dahil lumipat ng bahay. Maraming nagsasabi na ligawan nya ito, pero hindi nya alam kung bakit ayaw nya.
“Number mo naman, para naman matext kita,” sabi nito, ibinigay nya naman ang cellphone number nya, “Oh sige na, minsan dadalaw ako sa inyo ha. Ingat,” sabi nito, “Ingat din, Ma.”pag uwi nya, nagtext agad ito, “Hi, baby. Kumain ka na ba?” tanong nito, “Opo, Ma. Ikaw ba? Baka nagpapabaya ka ha,” sagot nya, “Hindi, baby. Ako pa, kumusta na nga pala love life mo?” tanong nito, at noon nya lang naalala si Pola, nakalimutan nya na naman ito. “May girlfriend ako, ma,” sagot nya, “Saan naman nag aaral, baby?”, “Sa school din natin, pero hindi mo siguro kilala kasi, di naman sya masyadong kilala,” sagot nya, “Sige, ma. Next time na lang ulit matutulog na ko,” “Ok baby, goodnight. Mwua mwua mwuah.” Yun lang at hindi na sya nagreply dito at tinext na si Pola, “Pola, nakauwi na ko,” sabi nya dito, “Oh, kumain ka na ba?” tanong nito, “Oo,” reply nya dito, “Ah, sige. Kakain muna ko dinner,” reply nito, malamang hinintay sya nitong magtext bago kumain para kahit sa text lang ay sabay sila. “Matutulog na ko, Pola. Goodnight, I love you,” yun lang at natulog na sya. kinagabihan ng Biyernes, DINGDONG! Nagpunta sakanila si Kelly, para bisitahin sya, pero bago ito umuwi, “Baby, patago muna ko ng kwintas ko ha? Ok lang ba?” tanong nito, pumayag naman sya.
“Kailan ako pwedeng magpunta sa inyo, Pola?” tanong nya kay Pola, “Ikaw, kung kailan mo gusto.” Sabado ng hapon nagpunta sya sa bahay nila Pola, ok na naman sila, at balik na ulit sa dati, pero hindi nang araw na yun. Hawak nya ang cellphone ni Pola, at hawak naman nito ang cellphone nya, “Lindon, sino ‘tong Kelly? Nagtext sayo,” tanong nito, “Basahin mo kung ano sabi,”, “Nandun, daw sya sa tapat ng bahay nyo, ayos huh,” sabi nito, “Patext ako, Pola, sasabihin ko wait lang,” sabi nya dito, “Ayoko nga, wala dun ate mo ngayon huh, tapos ano gagawin nya don?” tanong nito, “Pinatago nya lang yung kwintas nya,” sagot nya, “Bakit sayo pa? Bakit wala na ba syang ibang kaibigan?” naiinis nitong tanong, “Eh, sakin nya nga pinatago eh,”, “Ayos huh, ano balak nya ngayon, at baby pa tawag nya sayo, mama pa tawag mo sakanya? Galing talaga ha, sige na umuwi ka na, magsama kayo,” yun lang at umakyat na ito sa kwarto nito. “Gen, uwi na ko, nexttime nalang ulit, thank you,” pagpapaalam nya sa kuya ni Pola, yun lang at umuwi na din sya. Pagdating nya sa bahay nandoon pa rin sa tapat ng bahay nila si Kelly, “Ma, dito ka na lang ha, wait kukunin ko muna yung kwintas mo,” kinuha nya lang ang kwintas nito at binigay dito, “Thanks, baby.” “Sige na, ma. Matutulog na ko, aalis pa kasi ako bukas,” pagdadahilan nya dito, ayaw nya na muna makipag usap dito, dahil ito ang sanhi kung bakit nagtalo sila ni Pola. Pagpasok nya sa loob ng bahay, naalala nyang wala na pala syang load, hihintayin nya muna magtext si Pola bago sya magpaload, malas lang at wala din yatang balak magtext sakanya si Pola ngayon, at hindi na naman sila sabay na magsisimba bukas.
Kinabukasan ng umaga, may goodmorning text message na sya galing kay Pola, pero di katulad ng iba, hindi ito sweet goodmorning text message kundi isang cold morning text message. “Ano ‘to? Torture? Grabe naman kasi, nagseselos ba sya?” tanong nya sa sarili. Lumabas sya ng bahay at nagpaload, at nagtext na din dito, “Pola, magsisimba ba tayo?” tanong nya, “Masama pakiramdam ko, ikaw na lang,” yun lang at nakatanggap sya ng group message galing dito, “Ang mga lalaki, kapag inalayan mo ng kalandian, sure, papatol yan,” nag reply sya dito, “Galit ka ba, Pola?” tanong nya dito, pero hindi na ito nagreply sakanya. Buong araw lang syang tumanga sa bahay, nagsimba, at hindi nya na naisip magpunta sa mall, dahil baka kung sino na naman ang makita nya doon. “Pola, kailan ba tayo magkakaayos?”
BINABASA MO ANG
Beauty and The Pig (Tagalog)
Teen FictionSabi nga nila, kung kayo talaga ang para sa isa’t isa kayo pa rin sa huli, kahit laos na kasabihan totoo naman, at ang pagseselos ay hindi palaging nangangahulugan ng kakulangan ng tiwala, minsan mahal ka lang talaga ng isang tao kaya nagagawa nyan...