Beauty and The Pig (C-2)

58.5K 311 26
                                    

Chapter Two:

Kinabukasan, gumising sakanya ang maingay na alarm tone ng cellphone nya. “Anong oras na ba?”  pagtingin nya sa oras, thirty minutes bago ang call time nila sa CAT. Isang mabilis na pagligo lang ang ginawa nya, pagtapos ay nag sidecar na lang sya para mas mabilis, saktong 6 AM nasa loob na sya ng school nila, ngunit ang mga kaibigan nya ay wala pa. 6:15 ng makita nyang pumasok si Cael, hinarang ito ng isa sa mga officer nila, maya maya pa’y dumating na din si Ralph, lahat ng late ay tinipon sa harap ng gate. “Atteeeention!” command ng officer, lahat naka-attention maliban kay Ralph, naka-standing in one leg pa ito. “Hoy! Fernando! Bakit hindi ka naka-attention? Drop!” utos ng officer, pero si Ralph, nakatanga pa rin. “Hindi ka dadapa? Gusto mo magcharity work sa bakasyon?” tanong ng officer, “Ma’am no ma’am!” sagot ni Ralph, agad itong dumapa,”Sige, magpagulong gulong ka dyan’” utos ng officer. Nagpagulong gulong naman ito, nakita nyang naghahagikgikan ang mga estudyante. Sa lahat ng kaibigan nya si Ralph ang pinaka-pasaway, ito rin ang palaging napapagalitan ng mga teacher nila. Matapos ang dalawang oras na formation, binigyan sila ng thirty minutes break. Habang nasa canteen, “Uy! Lindon, si Pola oh,” panunukso ni Ralph, nakita nya itong nakatingin sakanya, nag iwas sya ng tingin. “Uy! Lindon, si Brittany oh” saad ni Cael, “Hi, Brittany,” bati ng dalawa nyang kaibigan sa isang babae. “Hello, Cael, Hello, Ralph, Hi, Lindon,” bati nito sakanila.

Si Brittany, isa sa mga babae na pinaguusapan ng mga lalaki sa school nila, at hindi sya kasali doon. Sabi ng mga kaibigan niya, bakla na lang ang hindi magkakagusto dito, perfect face, perfect body, yun ang sabi nila, pero para sakanya, hindi nya kailangan ng perfect, lalo na kung salat naman sa kaalaman at walang maganda kaugalian. Alam ng lahat na may gusto ito sakanya, siguro kasi iniisip nito na bagay sila, dahil sya ang tinaguriang King of the Night nung JS Prom nila nung third year sila, at syempre,ito ang Queen. Maihahalintulad nya si Brittany kay Barbie, maganda at sexy, pero plastic at walang laman.

“Lindon, kumain ka na ba?” tanong nito sakanya, “Oo, tapos na,” sagot nya. “Ah, okay. Sige, alis na ko” paalam nito. “Pare naman, bakit ang sungit mo doon sa tao, ikaw na nga nilalapitan eh, malay mo manlibre yun, sayang naman diba?” sabi Cael, “halata namang may gusto sayo yung tao, pinagsusungitan mo, choosy mo talaga, bakla ka ba?” tanong ni Ralph, “hindi ko kasi sya type,” sagot nya. “Eh sino type mo? Si Pola?” pang iinis na tanong ni Ralph, natawa lang ang dalawa. “Mas gugugstuhin ko pa si Pola, at least yun kahit papano masipag mag aral, di tulad nung gusto nyo maganda nga obob naman,” sagot nya sa mga ito. “Grabe ka naman maka-bobo pare, ok lang yun maganda at sexy naman,” sagot ni Ralph, “pag mag-asawa na kayo ikaw naman magtatrabaho, hindi sya, sya nasa bahay lang nag aalaga ng mga anak nyo,” dagadag pa nito. “Hay nako, tigilan nyo ko, bakla kung bakla,” sabi nya sa mga ito.

---

Beauty and The Pig (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon