Chapter 11

23 1 0
                                    

6 years na ang nakalipas since nung magpakahulog si Sarang sa terrace. At hanggang ngayon pinagsisisihan namin ang pang aasar sa kanya lalo na si Suga hyung. Siya kase yung nanginis sa kanya nung araw na yun. Di namin sisinisisi si Suga hyung kase ganun naman talaga igali nun may pagkasungit at sadista minsan. Di rin namin alam kung pano ipapaliwanag sa parents ni Sarang ang namgyari.

"Sarang!!" Sigaw namin sabay sabay.
Bumaba kami at nakita namin si Sarang na duguan.

"D-dugo!" Sabi ni Jungkook at nilabas ang pangil niya. Lahat kami lumabas ang pagiging vampira. Pero syempre lahat kami nagpigil kahit pa yung dugo ni Sarang makakapagligtas samin. Ako yung lumapit kay Sarang para alalayan yung ulo niya. Biglang umangat yung kamay niya at hinaplos yung pisngi ko na agad ko namang nahawakan. Ngumiti pa siya nangbahagya sakin.

"Lumaban ka Sarang, di pa tayo nakakapag picnic eh. Bakit kase ang dulas sa terrace nahulog katuloy." Maluha luha kong sabi at ngumiti lang siya.

"Ma-mmm...mahal kita..." Napaluha pa ako nung banggitin niya yung mga salita na yun na nagbigay nang saya na may halong lungkot at pagkagalit ngunit nangingibabaw pa din ang pagaalala. "Lahat kayo." Tapos medyo tumuwa pa siya at lumabas ang dugo

Binuhat namin sa malapit na ospital si Sarang. Dinala pa sa ER si Sarang dahil na din sa dami nang nawalang dugo sa kanya. Ilang minuto din kaming naghintay maya-maya lumabas na yung doctor.

"Doctor? Kamusta po?" Tanong ni Jimin. Umiling-iling yung doctor senyas na yun para tawagan sila tita at tito. Di namin tinawagan sila tita ba ka sakaling magising pa si Sarang peto mali kami. Tinawagam ni Uncle sila tita at tito. Nakarating din agad sila tita at sinampal si uncle.

"A-anong nangyari!? Pinagkatiwala ko siya sayo wala pang isang linggo!" Sasampalin pa sana ni tita si uncle ngunit pinigilan na ito ni tito. Napayuko nalang kami lahat.

Lumabas na yung stretcher na kinahihigaan ni Sarang. Huminto yun sa harapan namin at dun na umiiyak si tita.

Ilan lang ang dumalo sa libing ni Sarang. Mabibilang ko yun sa mga daliri ko sa kamay at paa. Ngayon alam na namin ang dahilan nang pagkakaroon ni Sarang nang sakit at ang paglabas nang kakambal niya na habangbuhay na rin niyang kasama sa hukay. Wala siyang kaibigang dumalo puro kamag-anak lang. At dun ko lamg rin napagtanto na maswerte pa rin ako dahil may mga makukulit akong kapatid.

"Hoy! Aba, tulala ka yata. Ano na namang iniisip mo?" Hindi ko napansin na kasama ko pala sila kuya ngayon.

"Namimiss ko lang si Sarang." Tumingin naman sila sakin at ang mga ngiti nila at napalitan nang simangot maliban kay Suga hyung na hanggang ngayon di pa din alam kung paano ipakita ang emosyon.

"Masaya na siya ngayon. 6 years na nakalipas."

"Tama si Jungkook, V. Namumuhay na run tayo nang normal, nakakakain nang pagkain nang tao, nakakasalamuha sila ng walang pagaalala. Maging masaya nalang rin tayo." Sabi ni Jin hyung. Nakakasalamuha nga namin sila pero minsan di pa rin maiiwasan ang pagkauhaw.

Bumalik na kami sa klase namin.
Kakatapos lang nang recess namin at sa 6 na taong pagpapapalit palit namin nang school nakahanap kami kung saan magkakaroon kami nang pakinabang at sa maganda at maayos na paraan. Nagpalit na rin kami nang apelyedo at napagdesisyinang gawin kaming magpipinsan sa halip na magkakapatid. At 6 na taong din yun naging school hearthrob at representative din kase sa iba ibang contest.

Maya Maya pumasok na yung guro namin. At may nakasunod sa kanyang isang babae na nakauniform din. Transfer? Sa ganitong oras? Kakatransfer lang late na agad? Super duper late.

"Okay class, makinig muna kayo. May bagong tayong istudyante ngayon lang nakapasok kase kakarating lang niya galing ng... San ka ulit galing Miss?" Tumingin siya dun sa istudyante. Bahagya itong ngumiti at tumingin samin na may ngiti sa mga labi.

My Vampire BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon