Chapter 17

12 2 0
                                    

Nagising ako sa isang pagsinghap at pagtawag nang pangalan.

"Sarang!" Sigaw niya habang dumadaloy ang kaniyang mga luha. "Don't... Don't leave me... Please..." Humihikbi siya sa kanyang pagtulog. "Sarang!!" Patuloy siya umiyak at dun ko na rin napagtanto na kailangan ko na siyang gising.

"V? Wake up." Dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata habang tinatapik tapik ko siya sa braso. "Good morning." Masigla kong bati sa kanya. Napatingin siya sakin at kumurap kurap bagi siya umupo. Bigla niya akong niyakap at binanggit ang pangalang kanina'y binabanggit niya sa kanyang pagtulog.

"Sarang." Mahigpit ang kanyang pagkakayakap na para bang matagal na niya itong hindi nahahagkan. Niyakap ko siya pabalik at hinaplos ang likod pababa taas para mapagaan ang kanyang nararamdaman kahit papaano.

"V? Hindi ako si Sarang." Pabulong kong sambit sa kanya. Bumitaw din naman siya agad at agad siyang humingi nang paumahin.

"Pa-pasensya na." Aniya. Inabutan ko siya nang tissue at pinunasan ang gilid nang dalawa niyang labi. Nakakatawa panoorin kung paano siya nagpapanic kase di niya malaman kung para saan yung tissue.

"You aren't drooling. Punasan mo yang luha mo." Nataka siya sa sinabi ko. Hindi niya siguro batid ang kanyang pag iyak sa kanyang panaginip. Gusto ko mang malaman kung sino yung Sarang di ako pwedeng manghimasok sa buhay nang iba kaya itinikom ko nalang ang bibig ko.

"Salamat." Aniya. Ngumiti siya nang bahagya sa akin. Nginitian ko lang rin siya at inabutan siya nang Large size na t shirt at sweat pants na din.

"Take a shower, para makakain na tayo." Napatingin pa siya sakin at napakurap. "Akin yan don't worry mahilig lang talaga ako sa malaki sakin. Bilisan muna para makauwi ka kase may pasok pa tayo."

Tumayo siya at niyakap ako mula sa likuran tsaka siya bumulong."Salamat." Malalim nang konti ang bosea niya. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa salamin sa harapan ko. Shit! Bigla nalang akong namula at kitang kita ko yun sa salamin. I cupped my face and pout.

Lumabas ako sa room ko at bumaba nakita ko si Blake na nagluluto.Pumasok ako sa kusina at naupo.

"Oh bakit nakaganyan yang kamay mo sa mukha mo. Masakit na ngipin mo?" Tanong niya sabay lapag nung platong may bacon, ham, egg at hotdog. Nakaligtaan ko palang nakahawak pala yung dalawa kong kamay sa mukha ko. Ibinababa ko rin iyon at naghilamos sa lababo.

"Bakit ka dyan naghihilamos?" Aniya.

"Naliligo si V." Sagot ko. Umakyat ulit ako sa taas para icheck kung tapos na si V. Fuck! Brief! Napakaripas ako sa takbo paakyat sa kwarto at agad na hinanap yung brief na binili ko sa mall nung isang araw. Buti nalang at di pa tapos si V sa paliligo. Dahan dahan akong kumatok sa pinto.

"V?" He gasped. Nagulat yata dahil pinatay niya yung shower. "Umm.. Ilalagay ko alng tong b-brief dito sa sink." Sinarado ko na agad yung pinto. Pero narinig ko ang pagpapasalamat niya sa akin. Nahiga muli ako sa higaan at binuksan ko yung cellphone ko at chineck ang school article. What the Fuck?!!

"Mr. Delavega and
Ms. Fortaleza is
Living together?"

May picture pa sa baba nung gabing hinatid ako ni V dito sa bahay. Huminga akong nang napakalalim panigurado pagpatak nang alas otso nang umaga pagkarating sa school marami na naman ang tsismoso at tsismosa. Maya maya lumabas na si V amoy na amoy ko yung Strawberry Caramel ko na bodywash. Kinukuskos pa niya sa ulo niya yung towel. Ang hot niya. Tapos yung damit medyo malaki pero bagay sa kanya yung messy hair niya na kumakawaykaway. May nilalang na ganito ba talaga ka gwapo pagkatapos maligo?

"Salamat pala sa damit at... Pati na din dun sa brief. Kanino palang brief yun?" Nagtatakang tanong niya sabay upo dun sa may upuan sa harap nang salamin.

My Vampire BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon