Magdadalawang linggo nung huling beses na makita ko yung babae sa panaginip at magdadalawang linggo na rin akong iniisturbo nung babaeng tipaklong.
"Hi, Tristan." Speaking of the talking grasshopper. Buong araw akong sinasabihan na lumayo sa Delavega lalo na daw kay V. Ano bang meron sa dalawang yun.
"Oh, Allyson." Tipid na pagbati niya. Umupo siya bigla sa upuan ni Leo.
"Upuan ko yan oi!" Aniya.
"Sinong nakaupo?" Tiningnan niya si Leo na parang nangungutya.
"Ikaw?" Aniya. Ang luwag talaga nang turnilyo nang pinsan kong to kung ano ikinaganda nang mukha kinulang naman sa utak.
"Alam mo naman pala so, hanap ka nang pwesto mo." Walang nagawa si Lei kundi kunin yung upuan sa kabilang table at ilagay sa tabi ko para dun maupo. Napakasutil nang babaeng to, alam ko naman na sutil ako pero mas sutil siya sakin. "Tristan sabi ko Jade nalang di ba?" Aniya.
"Pasensya na... Jade." Buti natitiis pa kausapin ni Tristan si babaeng tipaklong.
"Ano nga bang ginagawa mo dito?" Tanong ko. Nilagay niya yung buhok niya sa likod nang tenga. Ayy ano bebe? Bebe?
"I'm here kase pinapatawag ka nang mga Delavega." Ani niya. Bakas sa itsura niya di siya natutuwa sa balita niya sakin. "Sa Library daw."
"Okay." Inubos ko yung shake na nasa baso ko.
"Ano pang ginagawa mo dito?" Naiiritang tanong ni Jade.
"Uhhh.. Ineenjoy tong shake?" Ani ko.
"Pumunta kana ngayon. At alam kong ineenjoy mo yang shake mo pero pinapapunta kana ngayon." Mataray na sabi niya.
"Bakit di mo sinabi?" Tumayo na ako sa kinauupuan ko.
"Di ka nagtanong~" pasweet niyang sambit habang iniijot ikot yung hibla nang buhok niya at natingin kay Tristan.
Umalis na ako at dumiretso sa second floor kung nasaan yung library na sabi nung iba sila daw ang nagmamay ari. Pagkarating ko dun sarado yung pinto. Dahan dahan ako binuksan yung pinto na lumilikha nang nakakatakot na tunog. Pumasok ako dun nang pag aalinlangan dahil maliwanag sa loob at may lalaking na upo sa sofa. Tanaw ko lamang ang likuran niya habang nagbabasa. Gugulatin ko sana siya nang bigla siyang magsalita.
"Strawberry Caramel na body wash." Ani niya. Inamoy amoy ko pa sarili ko bago ako nagpatuloy maglakad nang dahan dahan sa likod niya. "Wag mo nang ituloy balak mo. Strawberry Caramel." Dagdag pa nito bagi ako umupo sa harapan niya.
"V?" Akala ko ba mga Delavega? Bakit siya lang nandito. "Asan yung iba?" Nilibot ko paningin ko sa boung kwarto nang libro pero wala ni anino nang mga pinsan niya.
"Pasensya na. Ako lang nandito." Napakamot pa siya sa may batok niya. "May papakiusap lang sana ako kung okay lang sana." Nahihiya niyang sambit. Mukhang malaki ang problema niya ni hindi niya ako matingnan sa mata.
"Sige ano ba yun?" Ani ko.
"Ikaw lang talaga yung malalapitan ko k-"Sabihin mo nalang." Pagputol ko sa kanya. Huminga pa siya nang malalim.
"Pwedekabangmagpanggapnagirlfrienko?" Sa sobrang bilis niya magsalita girlfriend lang ang narinig ko.
"Anong meron sa girlfriend? Meron ka?" Nagtataka kong tanong.
"Wala, gusto. ko. magpanggap. kang. Girlfriend. Ko." Aniya.
"Ahh.. Yun lang pala." Ani ko. "Teka! Girlfriend?" Tumango siya. "Bakit?" Sa dami nang babaeng nagkakakandarapa sa kanya bakit ako?
BINABASA MO ANG
My Vampire Boyfriend
Fanfictionanong gagawin mo pag nalaman mong ang boyfriend mo ay isang vampira? e pano kung kaylangan mong mamatay para mabuhay siya? kakayanin mo bang kitilin ang buhay mo para sa taong minamahal mo?