"Yung totoo ano ba talaga sayo yung lalaking yun?" Naiinis ngunit nagtataka niyang tanong.
"Pwede ba tigilan mo na ako Leo? Please lang! Pang ilang ulit mo nang tinatanong ano siya sakin. Di ka ba nagsasawa? Ha?" Pagalit kong sagot sa kanya. Simula nung dumating kami galing ng hospital di na ako tinantanan ni Leo ng tanong natigil lang yun nung umuwi sila pero pag uwi. Pero pagkagising ko yun na naman yung tanong niya ayaw niya akong paniwalaan dahil sa mga sweet na kilos daw ni V sa harap ko. Eh sa sweet yung tao anong magagawa ko dun? Likas naman yata sa kanya yun.
Buti nalang di dumugo yung likod ko sa kakulitan ng pinsan kong maluwag ang turnilyo.
Humagalpak siya sa sofa at nagcross arms tiningnan pa ako nang masama nang maluwag na turnilyo na to. Napailing nalang kami nila Tristan, Blake at Ako sa inaasal ni Leo. Para siyang grade school na inagawan nang first love. Hay kaylan ba titino tong pinsan ko, Lord? May pag asa pa ba si Leo? Bigay ka na man po nang sign.
Nakarating kami sa school pero si Leo wala may topak pa din. Nakaupo kami ngayon sa cafeteria kumakain at nagkukwentuhan. Nabasag ang katahimikan nung nagsalita si Luke.
"Rie gusto mo nang secret?" Sabi ni Luke at na pasulyap kay Leo na nakabusangit pa din. "Tungkol kay.. " sumenyas si Luke na lumapit ako sa kanya at bumulong siya sakin.
"Kunyare may binulong ako, tumawa ka lang." Bulong niya sa sobrang hina muntikan ko nang di siya marinig. Ano na naman ang plano nang isang kulang sa turnilyo na to. Tumawa ako kunyare at napukaw nito ang nakabusangit na Leo.
"Oh di ba Rie grabe siya." Sabay hawak ni Luke sa kamay ko at tumatawa.
"Hahaha gra-" pinalo bigla ni Leo yung kamay ni Luke na nakapatong sa kamay ko sa sobrang lakas nung palo naramdaman pati nang kamay ko. "Aray!" Tinapunan ko nang masamang tinggin si Leo. Pero hindi ako nito pinansin at naupo lang ulit. Di ko alam kung anong deal nang mga pinsan kong to. Aaminin ko masyado silang touchy at greenminded pero normal na nila yun. Sa America ganyan na sila mas touchy sila dun kase ginagawa nila akong girlfriend nila pag may babaeng umaali aligid sa kanila. Nagkanickname na nga ako sa America "Princess Bad Ass" At hindi Slut kase subukan lang nila di na sila makakapasok sa school. Pinsan ko ang gagawa nang paraan para di na sila makatungtong sa school. Masyado na ba akong mayabang? Well, patunay lang yan na hindi nila pwedeng banggain ang Fortaleza kahit pa ng mga Delavega.
"Excuse me." Tanong nung babaeng lumapit kay Tristan. "Asan po Ms. Forta... Fortaleza po?" Mahinhing tanong nito.
Itinaas ko yung kanang kamay ko.
"Ako yun bakit?" May ibinigay siyang papel sakin at umalis din. "Teka! Ano to?" Sigaw ko sa kanya pero di na niya ako nilingon. Anong problema nung babaeng yun. Mukhang takot na takot nakaktakot ba ako? Light make up lang nilagay ko ah. Nilagay ko lang sa bulsa yung papel at bumalik na rin kami sa kanya kanya naming klase.
Wala si V sa upuan niya. Iwas na iwas siya sakin ah. Habang papunta ako sa upuan yung babaeng may cake nang make up sa mukha tinalisod ako. Ngumisi pa siya bago sila nagtawanan nang mga kampon niya. Ow~ ang sakit peste. Yung maganda kong tuhod! Nagdudugo iyon. Tumayo ako at umupo nalang sa upuan ko. Maya maya pumasok na rin ang teacher namin. Nakakapagtaka at wala pa si V. Nagheads down muna ako alam ko na naman ang lesson nang teachers tsaka di nila ako sinusuway kase naipapasa ko naman lahat ng activity at test kaya okay lang sa kanila. Naidlip mo na ako para makabawi na rin.
"Rie... Rie..." Namulat ako sa loob nang room. May babae sa harapan ko medyo malabo ang imahe niya kaya nag unat at kinusot ko muna mga mata ko.
"Ikaw?" Siya yung babae sa panaginip ko.
"Hi Rie." Mahinhing sabi niya.
"Nananaginip na naman ba ako?" Pinisil niya yung pisngi ko. "A~Arayyyyy!" Ngumiti siya sakin at napangiti na rin ako. Ang amo nang mukha di mo makuhang magalit sa kanya.
"Tara?" Hinatak niya ako papalabas nang room at dinala niya ako sa rooftop. "Hinanap ka nila." May tatlong lalaking nakatayo pero di ko maaninag yung mukha.
"Rie!" Napalingon ako kung sino yung tumatawag sakin.
"Rie!" Isang pamilyar na boses ang narinig ko.
"V?" Bilang siyang pumasok sa pinto at niyakap ako. "V? Anong problema?" Lalong niyang hinigpitan yung yakap sakin. Anong problema nito. Hinaplos ko yung likod niya at bumitaw siya sa pagkakayakap sakin.
"Rie!" Salubong sakin nang mga pinsan ko at si Blake. Niyakap nila ako. Ano ba meron sa mga to?
"Okay lang ba?" Nag aalala tanong Leo.
"Okay lang ako. Ano bang meron sa inyo?" Para kayong mga tanga sa totoo lang gusto ko sana idagdag yan kaso ba ka masaktan ang mga nag alala sakin.
"Di ka kase sumipot sa tambayan. Akala namin kung na pano kana." Sabi ni Blake. Di ko alam kung nag aalala to o nahatak lang dito. Walang ekspresyon na mukha. Yung totoo?
"Bakit ka ba kase nandito?" Nagtatakang tanong ni Tristan.
Speaking of. "Ipapakilala ko pala kayo kay.." Lumingon ako kung saan ko nakita yung mga lalaki at yung babae na di ko man lang nalaman ang pangalan. "Asan na yun?"
"Ano hinahanap mo?" Tanong ni Luke.
"May babae akong kasama nakita mo ba V?" Tumingin ako sa kanya pero wala na siyang ekspresyon nawala yung nag aalalang mukha niya kanina.
"Wala ka namang kasama." Aniya.
"Meron~"
"Umuwi nalang tayo gutom lang yan." Ani ni Blake.
"O ba ka naman nag sleep walking ka na naman." Ani naman ni Luke.
"Ginagawa ko ba yun?" Nag sleep walking talaga ako? Talaga? Totoo?
"Oo nung nasa America tayo ganun ka nakakagulat ka nga kase bigla sumusulpot. Isang bese nakita kita sa ref nakaupo tapos kumakain nang Kimchi habang nakapikit." Aniya. Natawa naman si V sa sinabi ni Luke at nag tawanan na sila kasama na rin si Blake na kanina walang wala.
"Anong tinatawa tawa mo V?"
"Iniisip ko lang kong ako yung nakakita sayo." Natatawang sabi niya. Magkaakbay pa sila ni Luke. Kailan pa naging close ang dalawang to? Si Leo na naman bumusangot ulit. Moody talaga tong maluwag na turnilyo na to.
Sino kaya talaga ang babaeng yun? Kamag anak? Naging kaibigan ko nung bata ako? Mukha naman siyang kaidad ko. At bakit alalang alala si V sakin.
Words: 1062
BINABASA MO ANG
My Vampire Boyfriend
Fanfictionanong gagawin mo pag nalaman mong ang boyfriend mo ay isang vampira? e pano kung kaylangan mong mamatay para mabuhay siya? kakayanin mo bang kitilin ang buhay mo para sa taong minamahal mo?
