CHAPTER 3
SINAPO NI Gladz ang ulo ng maramdamang umiikot na ang paningin niya dahil sa maraming alak na nainom. Mula sa opisina kanina, pinuntahan niya ang kaniyang ina para makita at kumustahin ito. But her heart tightened at the sight of her mother with a blank expression on her face, even after seeing her.
Hinilot niya ang sentido saka inubos ang Mojito sa shot glass saka bumuga ng marahas na hininga.
She hates drinking. Pero ang alak lang ang pansamantalang nakakapagpalimot sa kaniya ng kalungkutan at problema niya sa buhay. Seeing her mother like that makes her heart ached. At kapag masakit ang puso niya, tanging alak lang ang nakakapagpawala no'n pansamantala.
"Shit..." Mahina niyang sambit saka sinuklay ang buhok gamit ang sariling kamay saka tumayo.
Kailangan na niyang umuwi bago pa siya masyadong malasing. She needs to get home safely. Mariin niyang ipinikit ang mga mata saka tumayo. Akmang pipihit siya patungo sa exit ng Club ng bumundol siya sa isang bulto.
Napakurap-kurap siya at tiningala ang bulto na nabangga.
Mahina siyang natawa ng walang emosyon ng makita ang guwapong mukha ni Mr. Muller. At dahil siguro sa alak na nainom, wala siyang inhibisyon sa katawan.
"It's you..." Tinuro pa niya ito saka papikit-pakit na nagtanung. "A-anong ginaggawa mo r-rito?"
Tinitigan lang siya nito kapagkuwan ay hinawakan siya sa kamay at hinila palabas ng Club.
Parang nakahinga ng maluwang si Gladz ng makalabas siya sa Club. Yumakap sa kaniya ang malamig na hangin at napapikit siya sa masarap niyong pakiramdam.
"Hmm..." She hummed as she feels the soft caress of the cold wind on her skin. "So cold..."
Then she felt a warm cloth wrapping around her shoulder and back.
Iminulat niya ang mga mata at nagtama ang tingin nila ni Pierce na nahuli niyang nakatitig sa kaniya. Hinubad pala nito ang suot na jacket saka ipinalibot sa balikat at likod niya iyon para siguro hindi siya lamigin. And his jacket smells so good, its intoxicating her even more.
"You shouldn’t wear those kind of clothes." Anito saka bumaba ang tingin sa damit niya saka napailing-iling. "Alam mo bang maraming lalaki ang mapagsamantala ngayon?"
Umirap siya sa hangin. "Yeah, marami nga kayo."
"Ms. Valdeleon, men will take advantage on you with a dress like that."
Tumaas ang sulok ng labi niya saka pabiro niyang dinuro ang dibdib nito, "isa ka ba sa mga lalaking 'yon?"
He tsked and shook his head. "Why the hell am I doing this?" Mukhang ang sarili nito ang kinakausap saka naiiling na itinaas ang strap ng off shoulder niyang damit at siniguro nitong nasa balikat niya iyon. "Turtle neck clothes suits you better."
Bumaba ang tingin niya sa damit niya. Maayos naman ang ayos niya, hindi naman bastusin ang suot niya. Off-shoulder blouse and a ripped denim jeans with stiletto. Wala naman sigurong magsasamantala sa kaniya sa suot na 'to, at maraming tao sa loob ng Club.
Kunot nuong nag-angat siya ng tingin sa binatang nasa harapan niya. "I look fine."
Napailing-iling ito, "alam mo ba kung ilang kalalakihan ang pinigilan kong makalapait sayo sa loob?"
Tumaas ang kilay niya, nagtatanung ang mga mata niya. "Bakit mo naman ginawa 'yon? Hinayaan mo sana sila."
His lips pressed together while staring intently at her. "You're drunk. Who knows what those men are planning with you."

BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 18: Pierce Rios Muller
General FictionWARNING: SPG | R-18 | Mature Content Mabibilang ni Gladz kung ilan na ang mga naging boyfriend niya mula ng mamulat siya sa mundo, at lahat ay niloko siya at pinagpalit sa iba. Kaya sa edad na bente-otso, siya na yata ang pinaka-numero unong fan ng...