CHAPTER 21

1.2M 29.5K 10.6K
                                    

Want to say Hi to Ladybenhary, MaRoseMuyco2 from General Santos city, Qhoulken from Isabela Province, Riezel Manalili from Tarlac and Grace Chin


CHAPTER 21

HINDI NA mabilang ni Gladz kung ilang beses na siyang sinubukang kausapin si Pierce sa nakalipas na isang linggo. Sa bahay, sa opisina o kahit saan man siya magpunta, nakasunod ito. Pero ni isang salita wala itong narinig mula sa kaniya. Kaagad siyang umiiwas. Ayaw niyang makausap ito. Nakasara pa ang utak niya para sa paliwanag ng binata.

Pero iba sa araw na 'yon. Wala siyang Pierce na nakita hanggang sa makapasok siya sa opisina niya.

And that actually made her felt relieve.

Seeing Pierce always brings back their memories together, and she can't help her heart but to ache again. Basta kapag nakikita niya ang binata, kaagad na parang may kumukurot sa puso niya. That's why she can't stand seeing him or talking to him.

Bumuga siya ng marahas na hininga ng makaupo siya sa swivel chair niya.

She wanted to focus on her work today but she just couldn't. She keeps on thinking about Pierce and why he isn't bugging her.

Gladz should be thankful that he isn't, but she's unconsciously looking for his presence.

"Ma'am? Ma'am?"

Napakurap-kurap siya saka nagtatanung na tumingin sa sekretarya. "Ha?"

Bahagyang kumunot ang nuo ng kaharap. "Kailangan na po ng HR 'yong list of employees kung naaprobahan niyo na po."

Ilang beses siyang napakurap bago nag sink in sa isip niya ang sinasabi nito. "Ahm," wala sa sariling tinuro niya ang steel cabinet sa gilid ng opisina, "its there."

"Ahm," kagat ang labi ng sekretarya niya na tinuro nito ang gilid ng mesa niya, "ayan po, ma'am, oh."

Sumunod ang mata niya sa tinuro nito. Nang makita na nandoon ang hinahanap nito, inabot niya iyon at binasa. "Balikan mo nalang mamaya, di ko pa to nababasa e."

"Pero, ma'am, kailangan na daw 'yan ngayon—"

"Sino ba ang boss mo?" Pagtataray niya sa sekretarya kapagkuwan ay hinilot ang sentido maisip ang ginawa niya, "pasensiya na," hingi niya kaagad ng tawad, "mainit lang ang ulo ko."

"Sige po, ma'am." Anang sekretarya niya, "babalikan ko nalang ho mamaya."

Napabuntong-hininga si Gladz saka isinandal ang katawan sa likod ng swivel chair.

She hates snapping at people without valid reason. Bakit ba siya iritado ngayon?

Marahas siyang umiling saka pilit na itinuon ang atensiyon sa mga gagawing trabaho ngayon.

Pero dalawang oras ang lumipas, wala pa rin siyang nagagawa kundi ang tumitig sa kawalan habang iniisip si Pierce.

Ang pag-iingay ng cellphone niya ang pumukaw sa kaniya. Wala sa sariling inabot niya ang cellphone saka tiningnan muna kung sino ang tumatawag bago sinagot 'yon.

"Oh, Beckett, bakit ka napatawag—"

"Romero's Hospital Main. Now." He sounds urgent.

Nagsalubong ang kilay niya. "A-ano? Bakit naman ako pupunta sa Hospital—"

"Now, Gladz, damn it!" Sunod-sunod na napamura si Beckett sa kabilang linya bago nito pinatay ang tawag.

Naguguluhang napatitig siya sa screen ng cellphone bago tumayo at kinuha ang hand bag bago nagmamadaling lumabas sa opisina niya.

POSSESSIVE 18: Pierce Rios MullerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon