CHAPTER 17

1.5M 35.2K 8.4K
                                    

CHAPTER 17

Just wanna say Hi to every silent readers out there. Happy reading. 

ILANG TAON ring walang boyfriend si Gladz kaya naman naninibago siya sa paghatid at pagsundo sa kaniya ni Pierce sa trabaho. Halos hindi na gumagalaw ang kotse niya sa garahe dahil palaging nandiyan si Pierce para ihatid siya sa pupuntahan niya.

He's really pampering her and spoiling her so much. Pero ang maganda naman kay Pierce, hindi siya nito binibilhan ng mga mamahaling bagay para iparamdam sa kaniya na espesyal siya. She likes it that he's not that kind of guy. Hindi rin naman kasi siya materialistic na babae. Mas gusto niya ang effort keysa sa mga mamahaling bagay o ano pa man.

Nasisiyahan siya na pinaparamdam ni Pierce sa kaniya na espesyal siya rito sa pamamagitan ng pag-aalalaga sa kaniya, pag-intindi sa kaniya, pag-i-effort na magustuhan ang mga bagay na gusto niyang gawin tulad ng panunuod ng mga romantic film at pagfo-food trip na palagi niyang ginagawa ng wala pa ito. Pinagluluto rin siya nito ng hapunan at pananghalian. Lahat ng ginagawa nito ay nagpapangiti sa puso niya at walang katumabas iyon na pera.

A for effort. That's Pierce. And she can't help but to fall deeper. Hindi na niya kaya pang pigilan ang nararamdaman ng puso niya. Hulog na hulog na siya. Hindi na siya makakaahon pa at yon ang kinakatakot niya.

Now that she's falling more deeply in love with Pierce, she's more scared to lose him than ever. Ayaw niyang mawala sa kaniya ang binata, ayaw niyang masaktan na naman. At mas lalong ayaw na niyang dumating ang araw na wala na ang binata sa tabi niya.

She's already used of having Pierce around. She wants him in her life. She really wanted him to stay with her for good.

"Ang lalim naman ng iniisip ng honey ko." Boses iyon ni Pierce na pumukaw sa pag-iisip niya.

Napakurap-kurap siya saka napabaling kay Pierce na nakaupo sa tabi niya at nakaakbay sa kaniya habang nanunuod sila ng romantic film sa bahay nito. Sabado ngayon kaya naman malaya siyang makasama ang binata na hindi iniisip ang trabaho sa opisina.

"Hmm?" She gave Pierce a questioning look.

Kaagad na umiling ang binata. "Wala. Iniisip ko lang kung anong tumatakbo diyan sa isip na na parang ang lalim-lalim ng iniisip mo?"

Tipid siyang ngumiti. "Wala naman." Ibinalik niya ang atensiyon sa pinapanuod saka wala sa sariling bumulong, "nauuhaw ako."

Kaagad na tumayo si Pierce na ikinabaling niya rito.

"Saan ka pupu—"

"Ikukuha kita ng tubig." Anito saka nagmamadaling nagtungo sa kusina.

Napatitig nalang si Gladz sa kawalan kapagkuwan ay napailing at tumayo para sundan sana si Pierce ng biglang bumukas ang pinto ng bahay ni Pierce at pumasok doon si Beckett.

"Muller, my man! Magba-barbecue party daw si Yrozz, kadarating lang kasi niya galing Toronto—" nanlaki ang mga mata ni Beckett ng makita siya at napatigil ito sa pagsasalita at paglalakad. "Holy shit, baby, what are you doing here in your sweatpants and oversize shirt?"

Inirapan niya si Beckett saka bumalik siya sa pagkakaupo sa sofa.

"Gladz, I'm asking you..." Mabilis na lumapit sa kaniya si balahibo at hinawakan ang kamay niya. "Anong ginagawa mo rito sa bahay ni Pierce? Huwag mong sabihing seryuso na 'to—"

"Oh, e ano naman ngayon?" Pagtataray niya kay Beckett. "Puwede ba, Beckett, huwag mo akong pakikialaman—"

"Hindi kita pinapakialaman." Dumilim ang mukha ng lalaki. "Gusto ko lang malaman kong seryuso ka na kay Pierce. I mean, do you even know a thing about Muller that you want to fucking cuddle with him—"

POSSESSIVE 18: Pierce Rios MullerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon